Chapter Six

320 6 0
                                    

MAHIGPIT ang kapit ni Vivee sa sanga ng puno ng mangga. Para syang linta na dikit na dikit sa sanga. Nakayakap sya padapa sa sanga. Oras na magkamali sya ng kilos mahuhulog sya. Kanina pa sya sa ganoong ayos. Gusto nyang kumain ng mangga kaya nangahas syang umakyat. Hindi sya sanay pero nagtapang-tapangan sya. Problemado sya kung paano hihingi ng tulong gusto na nyang bumaba.
“Wala namang tao rito.”
Napamulat si Vivee. May taong dumating. Nakadama sya ng relief, may tutulong rin sa kanya sa wakas. Bibigay na ang katawan nya sa pagod.
“Whew! Akala ko pa naman makikita ko na ang lampang 'yon.” Naibulalas ni Trance. Lumapit ang limang lalaki sa lamesang gawa sa kawayan at ipinatong ang mga dala. Ang isa ay umupo sa duyan at ang iba ay umupo sa kawayang upuan. Sumandal si Trance sa mesa. Katapat ng sangang kinakapitan nya.
“Nagtago yata, Bossing. Narito ang alaga nya sa duyan.” Wika ng lalaking umupo sa duyan.
“Baka nandyan lang 'yon. Sayang ang ipinaluto ko pa naman sya.” Himutok ng lalaki.
Kagat-labi si Vivee habang nakikinig sa usapang ng mga lalaki. Alam nyang sya ang sadya. Nag-aalangan sya kung ipapaalam nya ang kanyang presensya. Kahiya-hiya naman ang kanyang ayos. Nanginginig ang kanyang tuhod. Pinagpapawisan na sya. Basa ang kanyang mukha ng pawis.
Hindi namalayan ni Vivee na tumulo ang kanyang pawis. Pumatak iyon sa ilong ni Trance.
“Naulan ba?” Takang tanong ni Trance. Tirik na tirik ang araw. Maaliwalas ang langit.
“Malabo 'yon.” Sagot ni Tan.
Nasundan ang muli ang patak ng tubig. Sa pisngi naman ni Trance lumagpak.
“Kung ganoon, saan galing ang tumutulo sa akin?”
Sabay-sabay tumingala ang lima. Doon nalaman nila ang dahilan. Kitang kita nila si Vivee na nakakapit sa sanga. Nagsitawanan ang mga lalaki.
“Sa taas pala sya nagtago.” Aliw na aliw si Maki.
“Hoy! Bumaba ka nga riyan para kang unggoy!” Sigaw ni Trance. Tawang tawa sa ayos ni Vivee.
Hiyang hiya si Vivee. Hindi nga sya nag-iingay pero nakita pa rin sya. Napagtawanan pa sya. Magpapatulong ba sya sa siraulong lalaking 'to. Pinagtatawanan pa sya.
“Iana, bumaba ka na. Para kang taong bundok, eh.” Tawag muli ni Trance.
“I cant!” mangiyak-ngiyak na sagot ni Vivee.
“Bumaba ka na. Umakyat ka dyan pero ayaw mo ng bumaba. Dyan ka ba titira.” asar pa ni Trance.
Hindi umimik si Vivee. Naiiyak na kasi sya. Isang oras na yata syang ganoon ang ayos. Nakakaramdam na sya ng pananakit ng kalamnan.
Tumigil sa pagtawa si Trance. Tatlong magkasunod na patak ng tubig ang tumulo sa mukha nya.
“Anong problema mo? Bumaba ka na nga dyan!” Galit na utos ni Trance.
“Hindi ko alam kung paano bumaba. Masakit na ang braso at binti ko.” Inis na sagot ni Vivee. Umiiyak sya sa inis para sa sariling katangahan at kabwisitan sa lalaki.
“Bakit ka pa kasi nagtago kung hindi mo naman pala kayang bumaba.”
“Hindi ako nagtatago.” Mariing sagot ni Vivee.
“Bossing, palagay ko kanina pa sya dyan. Hindi sya nakakuha ng mangga. Narito ang kutsilyo at asin, oh.” Kongklusyon ni Tan ng makita ang mga iyon na nakapatong sa isang upuan.
“Damn! Gaga ka talaga. Alam mo na ngang lampa ka tapos umakyat ka pa dyan. Tigilan mo ang kakaiyak kasalanan mo naman.” Sermon ni Trance.
“Ibaba na lang natin. Tinatakot mo pang lalo.” Suggestion ni Maki.
Buti pa ang mga kasamahan ng aroganteng ito marunong makaramdam. Ang lalaki nagagawa pa syang sermonan at tumingala lang. Kaawa-awa na nga lang ang katayuan nya.
“Magpalaglag ka na. I'll catch you.” Utos ni Trance.
“No, mababalian ako.” Tanggi nya.
“Ang arte mo. Sasambutin kita. Iiwanan ka namin kung ayaw mo.” Pananakot ni Trance.
“Wala kang awa! Tawagin nyo na lang ang n―  , Ay!” Dumulas ang kamay ni Vivee. Muntik na syang mahulog. Mas mahirap ang posisyon nya ngayon. Nakabitin sya sa sanga.
“Help! Pagod na ako.” Nagpapanic na saklolo ni Vivee.
“Bumitiw ka na. Mababali ang sangang 'yan kung aakyat pa kami. Can't you see, ang liit ng sangang 'yan. Hindi ka maano dahil sasambutin kita.” Napipikong paliwanag ni Trance.
“Promise?”
“Yeah, promise. Close your eyes. In count of three, let yourself drop. I'm ready to catch you.” Assurance ni Trance kay Vivee.
“Okay.” Inihanda ni Vivee ang sarili. Hindi naman siguro sya pababayaan ng lalaki.
“One... Two... Three!”
Diretso bitaw si Vivee. Pikit na pikit ang kanyang mata. She's ready to crash on land or
in wood. It's not happened. Bumagsak sya sa bisig ni Trance. Hindi nya iminulat ang mata.
“Are you okay? You're safe now. Walang bukol kahit gasgas.” Malumanay na wika ni Trance. Saka palang iminulat ni Vivee ang mata. Ang nakangiting mukha ni Trance ang kanyang nabungaran. He looked worried. Dinadaya ba sya ng kanyang mata. Takot na takot sya kanina, buti na lang at hindi sya naaksidente. Napayakap sya sa lalaki at bumulalas ng iyak.
“Ikaw kasi, Bossing tinakot mo pa.” Nanisi pa si Rigor.
“Ssh!” Saway ni Trance. Sinasamantalang yakap sya ng dalaga. Magkalapit ang kanilang katawan at langhap na langhap nya ang amoy ng babae. Damang dama nya ang lambot ng katawan nito. Parang nabuhayan sya ng dugo.
Pakiramdam ni Vivee ligtas sya sa mga bisig ni Trance. Arogante nga lang ang lalaki pero kayang pangatawanan ang salitang binitiwan. She just have to trust him at that moment. Hindi nya magawang magalit rito kahit pinapagalitan sya kahit wala ito sa lugar. She found him
caring.
Tumigil na sya sa pag-iyak. Nawala na ang kanyang takot pero nanatili syang nakayakap sa lalaki. Lihim syang napangiti. Ang tigas ng dibdib nito. Masarap ang pakiramdam na makulong sa bisig nito. Parang kumot na may kakaibang init na bumabalot sa kanya. Lalaking lalaki ang amoy. Parang naadik sya sa amoy.
Ano kanyang pakiramdam kung kayakap nya ito sa higaan? Naging malikot ang kanyang imahinasyon. Kung saan-saan nakakarating. Baka nasosobrahan na sya. Nananamantala na sya. Kaya naman nahihiyang bumitiw si Vivee. Ganoon na lang ang kanyang pagkamangha ng makita nyang nakakandong sya kay Trance at wala na ang mga kasama nito. Biglang naglaho.
“Sorry.” Dali-daling inayos ni Vivee ang sarili. Umayos sya ng pwesto sa tabi ng lalaki.
Nakakahiya ang posisyon nila kanina. Nakakandong sya. Umabuso yata sya.
“Ayos na ang pakiramdam mo?” Tanong ni Trance.
“Oo, salamat.”
“Good. Gusto mo ba talagang kumain ng mangga? Ipapaakyat ko na lang 'yan para sayo. But first eat this one.” Kinuha nito ang isang tupperware sa basket. Binuksan iyon.
“Wow! Fried squid, it's my favorite. Thank's.” Kinuha nya ang tinidor at tumuhog ng sliced fried squid. Adik sya sa mga seafood.
“Masarap ba? May gayuma 'yan.”
Tumigil sa pagkain si Vivee. Sa tingin nya hindi na kailangang manggayuma ng lalaki. Binalewala nya ang sinabi nito. Halata namang gusto syang i-good time ng lalaki kaya sinabi ang mga bagay na iyon. Ipinagpatuloy nya ang pagkain.
“Uy! Willing syang magayuma. Mamaya habul-habulin mo na ako nyan.” Tukso ni Trance kay Vivee. Natutuwa sya dahil maayos pa rin ang pakikipag-usap nito sa kanya. Akala
nya galit ito sa kanya. Nakatalaga siguro na tuwing magkikita sila inililigtas nya ang dalaga.
“Hindi 'yon uso. Saan nga pala nagpunta ang mga kasama mo?” Curious syang malaman kung saan nagsuot ang mga iyon. Nakatingin sya sa bouquet na nakalapag sa mesa. Para saan ang dala nitong bulaklak? Obvious naman na ang kilos ng mga lalaki. Kailangan pa bang magtanong. Para sa kanya iyon at nanliligaw ang lalaki.
“Dyan lang sa tabi-tabi.”
“Ahm... Bakit pala kayo napadaan?” Painosenteng tanong ni Vivee.
“Alam ko kasing miss mo na ako kaya nagpakita ako. Iba na ang sobrang gwapo.” Kumindat ito at ngumiti ng nakakaloko.
“Mister ang lakas ng tiwala mo sa iyong sarili.” Supla nya.
“Eh, di hindi. Uuwi na lang ako.” Sabay tayo.
Akalain ba naman ni Vivee na seryoso ito. Dire-diretso ngang lumakad paalis. Aalis nga ang loko.
“Sandali! Naiwan mo ang bulaklak.”
“Para sayo talaga 'yan.” Dismayadong amin ni Trance. Akala nya pipigilan sya ni Vivee na umalis. Ano pang magagawa nya? Umalis sya ng tuluyan kahit labag sa kanyang kalooban.
“Umalis nga ang loko. Nagtatampo pala sya kapag napapahiya.” Wika ni Vivee sa sarili. Hindi maiwasang mapangiti ni Vivee. Parang natalo sa sugal ang itsura ni Trance kanina. Totoo kaya ang narinig nyang ito pa ang nagluto ng paborito nya. Nakakataba naman ng puso. Kinikilig tuloy sya na parang teenager.
Simula noon madalas ng mapadaan sa kanila si Trance. Wala naman ginagawa ang lalaki kundi magpalipad hangin. Nakagaanan nya ng loob ang lalaki. Hindi makakailang naging malapit sila sa isa't isa. Naging makabuluhan ang araw ni Vivee. Higit syang masigla at
masayahin kaysa dati.
“ROMANCE is in the atmosphere. It evade the entire space. Wala ng oxygen. I can't breath.” Nagdadramang wika ni Marxie. Talk like a poetic character in stage play. May pakumpas kumpas pa ng kamay ang bruha.
“Ganyan ba ang bunga ng kabaliwan mo kay Vander? Huwag kang maghabol, Marxie. Magmumukha kang cheap.” Hinango nya ang nilagang saging. Inilagay iyon sa bandehado at inilagay sa lamesa.
“Kaya ka pa-hard to get kay Trance gan'on ba?”
Tinitigan nya ng masama ang kapatid. Umupo sya sa may kabisera, sa gawing kaliwa naman nya ang kapatid. Kinuha nya ang tinidor at tumuhog ng isang saging. Hinipan nya muna
bago kumagat. Isa sa paborito nyang kainin ang nilagang saba.
“Alam kong palagi kang dinadalaw ni Trance. Pinapahirapan mo pa kasi.”
“Marxie, huwag mong isiksik ang mga ideyang hindi ko gusto. Walang itinuro ang magulang natin na magpakababa para magustuhan lang ng isang lalaki. Isa pa, nagpapalipad hangin lang si Trance.” Katwiran ng dalaga.
“I'm being honest to myself, Ate Vivee. Kapag in love, lahat ng bagay ay tama.”
Totoo nga iyon. Kayang baguhin ng pag-ibig ang isang tao. Pwedeng mapabuti o mapasama. Makapangyarihan ang damdaming lumulukob sa katauhan ng isang tao. Minsan magulo, minsan nakakabuti. Nakakalunod ang ganoong damdamin. Iba kasi ang kaligayahang naidudulot noon.
“Whatever you say, ang sa akin ay paalala lang. Kung hindi mo alam ang damdamin ng isang lalaki para sayo, huwag kang mag-expect. Masasaktan ka lang.” Wika nya habang kumakain ng isang saging. Nakakatakam kasi dahil malalaki ang mga iyon. Hinog sa puno, kaaani lang ng kanilang ama.
“Bakit ba against ka pa rin! Dapat masaya ka for me. Ako nga hindi komokontra kay Trance sa kabila ng tsismis tungkol sa kanya.” Nakasimangot na wika nito.
“Anong tsismis?” Kunot-noong tanong ni Vivee. Wala syang alam sa tsismis tungkol sa lalaki. Hindi nya ugaling sumali sa umpukan at makisali sa mga iyon.
“Well, kalat kasi na 'yang suitor mo ay isang brutal na tao. Nananakit ng babae and worst isang kriminal.”
“Saan naman galing ang tsismis?” Alam nyang arogante ang lalaki pero verbal abusive
lang iyon. Wala sa anyo ang ibinibintang. He can't be a criminal or whatever. Sya mismo ang makakapagpatunay na mabait si Trance. Tutol sya sa description ng mga tao.
“I don't know. Sa Mandayan unang kumalat ang tsismis. I haven't ask Vander kung totoo iyon. Pati ikaw pinagtsitsismisan, tanga ka raw kung papatulan mo sya. Masisira ang image mo.”
“Sino ba 'yang pinag-uusapan nyo?” Tanong ni Aling Salvacion. Nag-iinat-inat pa habang papalapit sa kanila. Galing iyon sa pananahi.
“'Yong manliligaw ni Ate na manilenio.” Sagot ni Marxie.
“Iyon bang artistahin ang dating? Kay gwapong kriminal naman noon. Hindi naman mabalasik ang anyo at mukhang may pinag-aralan.” Komento ni Aling Salvacion. Dumulog rin sa mesa at nakisalo sa meryenda ni Vivee. Uso kasi ang tsismis sa kanila pero hindi agad sila naniniwala.
“Soler iyon, Nay. Walang nakapagtataka roon. Type ni Ate.” Sumbong nito.
“Magtigil ka nga, Marxie. Pati si Nanay idadamay mo sa kalokohan mo.” Saway ni Vivee sa kapatid.
Hindi sya nakaligtas sa masusing pagmamasid ng ina. Sinusuri syang mabuti. Parang gusto nyang kabahan. Noon lang sya tinitigang mabuti ng ina. Pahamak na Marxie 'to. Ibuko nya kaya. Akala siguro hindi nya alam na madalas itong makipagtagpo kay Vander. Ito pa ang madalas magpunta sa kabilang bayan para lang makita ang lalaki.
“Pansin ko ngang nadadalas iyon rito. Seryoso ka ba sa  isang 'yon, ha, Vivee?”
Napangiwi si Vivee. Baliktad yata ang tanong  dapat si Trance ang tinatanong ng ganoon. Parang playgirl ang dating nya sa tanong na iyon.
“Sa lahat ng manliligaw mo iyon lang ang hindi naiilang magpakita rito. Madalas ngang
mag-ingay ang mga iyon. Hindi ka ba naiilang na makasama ang mga kalalakihang iyon?”
“Nay, mababait sila. Kahit kailan hindi nila ako ginagawan ng masama. Sila pa nga ang madalas magligtas sa akin.” Pagtatanggol nya sa grupo ni Trance.
“Defensive.” Tukso ni Marxie.
“Tumahimik ka nga, Marxie. Si Vander ang madalas mong kasama kaya hindi mo alam
ang mga nangyayari.” Sita nya sa kapatid.
“Marxie, ikaw ba'y may itinatagong lalaki? Bakit hindi mo idala rito ng makilatis? Tapat ba ang hangarin sayo, dapat dito sa bahay natin umaakyat ng ligaw.” Baling ng ina kay Marxie.
Sinipa ni Marxie ang paa ni Vivee. Dinedma nya ang kapatid. Tama naman ang kanilang ina. Mabuti ng maputol ang kahibangan ni Marxie.
“Ano na naman ang naririnig kong iyan?” Birong tanong ni Mang Niko. Kagagaling lamang nito sa bukid. Pagbungad pa lang ay dinig na nito ang boses ng esposa na nangangaral sa anak.
“Pagsabihan mo nga itong mga anak mo. Lalo na itong si Marxie. Baka magulat na lang tayo isang araw may asawa na ang isang ito.” Nakukunsuming wika ni Aling Salvacion.
“Nay, naman.” Sabat ni Marxie.
Nakapamaywang na tinitigan ni Mang Niko ang anak. Sa dalawang anak, masasabi nyang
si Marxie ang may katigasan ng ulo. May pagkakataong sumusuway ito at sumusunod sa pinag-uutos nila.
“Marxie, alam mo pagdating sa pag-aasawa magiging mahigpit ako sa inyo. Gusto kong maging maayos kayo. Dapat mahal kayo ng lalaking mapipili nyo.” Seryosong saad ni Mang Niko.
Tahimik lang ang magkapatid habang nagsasalita ang ama. Si Vivee patuloy sa pagkain ng saging. Nagsasalita ang kanilang ama kapag kailangan. Lalo na kapag si Marxie ay sinusumpong ng kalokohan. Lumalampas na naman sa limitasyon ang kapatid.
“Ang pag-aasawa ay hindi basta-basta. Pangarap kong magkaroon kayo ng masayang pamilya balang araw kaya kung hindi seryoso ang mga manliligaw nyo, mabuting pang patigilin sila sa pagsasayang ng oras sa inyo.”
“Narinig nyo ang sinabi ni Niko. Makinig kayo sa ama nyo.” Segunda ni Aling Salvacion.
“Opo.” Sagot ng magkapatid.
“'Wag nyong ikasama ng loob ang sinasabi ko. Kabutihan nyo ang hangad ko. Ang mga natitipuhan nyo pa naman ay sa lungsod naglalagi. Mag-ingat kayo, hindi porke laking nayon kayo ay magiging tanga kayo. Huwag kayong magpapabulag sa pisikal na anyo.” Dagdag pa ni Mang Niko.
“Tay, si Vander ay anak ni Señor Amario, hindi dayuhan.” Katwiran ni Marxie.
“Gaano ka kasigurado na walang iniwang babae ang lalaking iyon sa lungsod.” Naghahamong wika ng kanilang ama.
Natahimik si Marxie. Siniko sya ng kanyang Ate Vivee. Kay Vivee nabaling ang atensyon ni Mang Niko. Hindi pala sya nakaligtas.
“Ikaw naman Vivee, siguraduhin mong hindi totoo ang mga sabi-sabi tungkol dyan kay Trance. Ipinaaalam ng nanay mo na napapalapit ka sa isang 'yon.”
“Hindi ko naman sya manliligaw.” Bulong ni Vivee.
“Nakikinig ka ba Vivee? Aba'y bubulong-bulong ka riyan.” Sita nito sa anak.
“Opo Tay.” Sagot ni Vivee.
“Mabuti kung ganoon.”

Loving Miss ClumsyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon