Chapter 2

278 9 0
                                    

CHAPTER TWO

"BOSSING, nakarating na siguro tayo kaya tumirik ang van na 'to." Natatawang wika ng driver kay Trance. Tatlong sasakyan ang dala nila. Ang van ang nauuna kasunod ang pajero at sya ang nahuhuli sakay ng Nissan Sentra na black.

Napailing si Trance. Nakarating na nga sila sa Visto Grande pero hindi pa sila nakakaabot sa kanilang rancho. Nasa baryo pa lamang sila ng Santolan. Hindi nya alam kung bakit tinawag na santolan wala naman syang makitang santol. Bukirin ang kanyang nakikita.

"Kalikutin nyo na 'yan. Tatawag na lang ako sa rancho para maipaghanda tayo ng pagkain." Aniya. Hinagilap ang dalang cellular phone at idinayal ang numero sa kanilang rancho. Nasa gilid sila ng daan. Mangilan-ngilan lang ang napapadaang sasakyan, kadalasang trycle pa ang kanyang nakikita.

Pagkatapos nyang tumawag, nakiusyoso rin sya sa naging sira ng sasakyan. Kung alam nya lang na masisiraan iyon, iba na lang sana ang ipinadala nyang sasakyan. Malapit na rin sila kaya hindi naman siguro masamang tumambay muna.

"Wow! Ang ganda ng chicks na 'yon." Bulalas ng kasamahan nya.

"Oo nga, dalagang bukid." Segunda ng isa.

Naging curious si Trance sa pinag-uusapan ng dalawa. Tumabi sya sa dalawang iyon na nakasandal sa van. Sumandal rin sya at humalukipkip. Pinagmasdan nya ang babaeng tinutukoy nito.

Naglalakad ang babae sa kabilang bahagi ng daan, papasalubong sa pwesto nila. Wavy

ang buhok ng babae. Bilugan ang mata at mahahaba ang pilik. Matangos ang ilong at manipis ang labi. Naka-jogging pants iyon. Nakaputing blouse at bitbit ang isang tuta. Kinakausap ng

babae ang tuta. Tumigil iyon sa paglalakad. Ibinaba ang tuta.

"Maganda 'di ba, Bossing." Bulong ng katabi nya.

"Maganda nga. Ako ang unang nakakita, ha." Aniya.

"Bossing naman." Reklamo nito.

"Bakit may problema ba d'on?" Sita nya. Aangal pa.

"Wala, Bossing." Anito. Kakamot-kamot ng ulo.

"Oops!" Gulat na bulalas ng isa pang nakamasid.

Nagtangis ang bagang ni Trance ng makitang nadapa ang babae. Hinabol nito ang tumakbong tuta. Nagkamali ang tapak sa lubak na daan kaya nadapa. Ang ganda nga, tatanga-tanga naman. Lahat ng kasama nya napatingin sa babae. Agaw atensyon.

Tumakbo sya sa kabilang panig na daan. Hindi agad nakatayo ang babae. Mukhang maiiyak pa. Tinulungan nyang makatayo.

"Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?" Tanong nya.

"Ang tuta ko."

NAPATINGIN si Vivee sa lalaking tumulong sa kanya. Nakashades iyon. May hikaw sa kaliwang tenga. Swabe ang boses. Lalaking-lalaki. Kinuha ng lalaki ang tuta. Pagbalik sa harapan nya sinipat nito ang itsura nya. May gasgas ang dalawang palad nya. Inililis ang magkabilang jogging pants. Gasgas ang kanyang tuhod.

"Damn! Sa susunod talian mo ang tuta mo para hindi ka madapa." Sermon nito.

Nagulat si Vivee sa sinabi ng lalaki. Pinapagalitan sya nito kahit hindi naman nya kilala. Napalingon sya sa kabilang bahagi ng daan. Nakita nya ang mga kasamahan ng lalaki pinapanood sila. Napahiya sya. Marami palang nakasaksi sa nangyari. Alam nyang dayo ang

mga iyon sa kanila dahil halos kilala nya ang mga tao roon.

"Ang tuta ko, baka kasi masagasaan kaya nagpanic ako." aniya. Hindi makatingin sa lalaki.

Loving Miss ClumsyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum