Chapter 1: The Mama's Boy

Start from the beginning
                                    

Malambing bna yinakap ko siya. "Mommy, let's forget about it. Mabuti pa, kumain na tayo para makaalis na tayo. Baka hinihintay na tayo ng mga bata sa orphanage." inakay ko na siya patayo.

"Kapag ibinenta ko ang mga kotse niyo, makakapagpakain na ako ng isang baranggay sa loob ng isang taon" sabi ni Mommy.

"Dear, hayaan mo na ang mga anak mo. Mga lalaki 'yan e, luho na nila 'yon. At isa pa, namamahagi naman sila ng biyaya nila" Dad gently said.

Napatango na lamang kaming tatlo.

"Sumama naman kayo sa amin ni Neil ngayon. May artista kaming makakasama ngayon" pagsusumamo ni Mommy.

"Gustuhin ko mang sumama, may importanteng meeting ako" sagot agad ni Daddy.

Matamlay na tumango lamang si Dad at lihim na napangisi. Nagpalitan naman ng tingin sila Kuya. Naiinip silang tatlo kapag nasa kawang-gawa kami dahil hindi naman nila hilig ang ganoon.

"Isang linggo akong pagod sa opisina, Mom. I just want to lay on my bed" Sagot ni Kuya Nate na inirapan lamang ni Mommy

"Ikaw?" tanong ni Mommy kay Kuya Nex

Nagkibit-balikat lamang si Kuya "Sawa na ako sa artista"

Mom threw him a dagger look. Napangisi na lamang si Kuya at napailing na lamang ako.

"You're hopeless" mariing sabi ni Mom at tahimik na kumain na lamang 

"Bibili ka ng bagong kotse?" tanong sa akin ni Kuya Nex

"Yes. Aston Martin db9 carbon edition" nakangising sabi ko

"Magkano?" tanong ni Kuya Nate

"Mahal" sagot ko

"Kapag kotse interesado kayo" nakangusong sabi ni Mommy na inamo agad ni Daddy.

"My car worth 8M" pagmamayabang ni Kuya Nate

"'Yung kay Troy, 15M" sagot ko.

"'Yung sa investor natin 23M" sagot ni Kuya Nex

Hanggang ngayon hindi pa rin nila matanggap na hindi ako nakiparte sa negosyo namin. Gusto kong patunayan sa kanila na hindi naman nakakapagsisi ang desisyon kong magtayo ng negosyo kasama ang mga kaibigan ko.

"Oh. It must be worth it" sagot ko na lamang

Avaricious HeartsWhere stories live. Discover now