Prologue

28 1 1
                                    

Sabi nila it's easier to move on from someone,
if you jot down the things that you hate about this person.

Lahat ng ayaw mo sa taong to,
Lahat ng maling nagawa nito sa'yo,
Lahat ng regrets mo nung nagkakilala kayo.
Basta everything negative.

Pero paano kung wala?

Paano kung sa lahat ng maling nangyari sa buhay mo,
Ang makilala siya ang nag-iisang tama na nagawa mo.

Tangina diba?

Alam niyo yung mas malala pa rito? Siya yung bestfriend mo.

Yung takbuhan mo
Yung happy pill mo
Yung human diary mo

Kaya ang hirap niyang ilet go.

Ba't kasi sa dinami-rami ng tao,
Siya pa yung napili ng puso mo?
Minsan naiisip mo pano kaya kapag inamin mo?
Sinubukan mo?
Risk your friendship para sa nararamdaman mo?

Kaso hanggang paano lang lahat ng to eh.
Hanggang asa lang yung balang araw magkakaroon rin ng kayo.
Lahat ng thoughts na baka sakaling pareha kayo ng nararamdaman,
Lahat yan hindi totoo.

Kasi sa tuwing maglalakas loob kang sumubok di natutuloy.
Minsan timing yung rason,
Minsan naman yung takot

Sino ba namang di matatakot kung halos ipangalandakan
niya sa buong mundo na mag bestfriends lang kayo.

Pero akalain mo yun umaabot rin pala sa point na nakakapagod na.
Tao lang naman kasi tayo diba.

Kaya heto na, huli na to.
Pagkatapos nito, pangako.
Kakalimutan ko na tong nararamdaman ko para sa'yo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Balang Araw||Soonhoon Where stories live. Discover now