Kanina pa tuluyang umalis ang maga-ama at hinayaan muna akong mag-ayos. Bagama't tapos na ay hindi muna ako lumabas. Tumulala lamang habang iniisip ang kahihiyan ko kanina sa harap ni Harvin na hindi ko alam kung b-bakit hiyang-hiya ako.

Normal lang naman n-na hindi maganda ang itsura paggising 'di ba? O... ako lang?

Patuloy din na ginugulo ang utak ko ng tanong na kani-kanina ko lamang nabuo... kung magsasama ba kami ni H-Harvin sa iisang kwarto? Kasama ba iyon sa usapan?

Dahil sa lunod ang isip ko, napatalon ako nang biglang dumagundong ang katok sa pinto. Hindi ko namalayang napapatagal na ako.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama, pinasadahan ko ng tingin sa salamin ang sarili at bumuntong hininga. Hindi na ako nagpalagpas pa ng minuto at lumabas na din..

Akala ko ay ang mga bata ang kumakatok kaya nang si Harvin ang bumungad sa akin ay bahagya pang napaawang ang labi ko.

"Let's go..." Hindi ko alam kung namamalikmata lamang ako o... may multo talaga ng ngisi sa labi n-niya.

Hindi ko lang nakumpirma dahil kaagad ng nanlaki ang mata ko nang hinawakan ni... Harvin ang kamay ko at bahagya na akong hinila palabas.

Ramdam ko ang init ng palad niya na nagdadala ng kakaibang kiliti sa kalamnan ko at nagiging dahilan upang maghurumentado ang puso ko. 

Na... nagugutom na yata ako kung ano-ano na ang nararamdaman ko.

Nanatili akong tahimik maging siya ay ganu'n din. Magkahawak lang ang kamay namin habang naglalakad.

Ngunit patagal ng patagal nararamdaman ko na ang pamamawis ng palad ko. Nakagat ko ang ibabang labi. Akmang aalisin ko na ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ngunit imbis na pakawalan ay mas lalo pa niya itong hinigpitan.

"Ba.."

Hindi ako makapagsalita ng maayos, hindi ko maisatinig ang gusto kong sabihin kaya tinikom ko na lang ang bibig.

Nakarating kami sa sala. Bumungad sa amin doon ang tatlo niyang anak. Si Harson ay walang reaksyon nang makita kami ngunit ang dalawa, si Hissey at Helsey ay nanlaki ang mga mata, nagtakip pa sila ng bibig.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya unti-unti ko ng binawi ang kamay, pinakawalan na naman ito ni Harvin.

"Ah..." tumikhim muna ako, "Aalis kayo?" napagtagumpayan kong makapagtanong.

Bukod sa gusto kong ilihis ang atensyon sa ibang bagay ay kuryoso din ako kung bakit mukhang aalis sila base sa mga ayos nila. 

"Sa mall po, mommy! Magbu-buy daw po tayo ng handa for Christmas 'di ba po?" sagot ni Hissey.

Napaawang ang labi ko, "K-kasama ako?"

Masiglang tumango ang dalawang bata sa'kin.

Ganu'n nga ang nangyari. Kasama ako ng maga-ama sa paglilibot sa mall. Hindi naman ako masyadong lutang pero okupado ang isip ko tungkol sa pamilya ko. Hindi pa kasi nagre-reply si Nanay sa message ko na hindi ako makakauwi sa bahay.

"Mommy! I like that one po. Tsaka that one din po."

Napabaling ako kay Hissey nang humawak ito sa laylayan ng damit ko at bahagyang hinila ako papunta sa damit na gusto niya.

hire as their momTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon