Chapter 7: Ishiro & Iria

191 10 0
                                    

Chapter 7: Ishiro & Iria

Alicia's POV

"Are you ready? Katawan mo lang ang kailangan dito sa susunod ay may kagamitan na." Anyabang nya talaga. Porket ba sya ang training partner ko ay gaganyanin nya 'ko?!

"Nyenyenye." Pang-aasar ko pero bulong lang.

"One...."

"Two......"

"Three....!" Bigla nya akong inatake pero mabilis akong nakaiwas. Inaasar ko sya gamit ang mukha ko tapos kumunot ang noo nya at tumakbo sya ulit papunta sakin kaya umiwas kaagad ako pero akala ko aatake sya nang bigla na lang tumalon sya nang hindi kataasan pero lagpas lang sakin at pagbaba nya ay ramdam kong aatakihin nya ako kaya umupo ako at pinatid ko gamit ang mga paa ko pero tumalon sya take note: ambilis nyang gumalaw. Pagbaba nya ay hindi ko na alam ang gagawin kaya tumakbo ako.

"Ganyan kaba pag may kalaban? Tatakbo ka lang? Hindi iyon maaari dahil habang buhay hindi ka makakapagtago." Saad nito habang hinahabol ako. Nang magtagal ay hindi nya na ako nasundan kaya tumigil ako. Maya maya ay naramdaman kong may sumakal sa akin patalikod.

"Hindi mo ako matatakasan."  Saad nito. Agad ko itong siniko but walang talab. Humihigpit ang kanyang pagkakasakal sa akin.

Ang mga paa ko ay itinaas ko patalikod at finorce ko ito hanggang sa maabot ko ang kanyang alas. Naluwagan ang pagkakasakal kaya hinawakan ko ang braso nya at siniko sya.

"Wow! Nagawa ko yun!" Nagtatalon ako sa tuwa haha chamba lang yun bigla kaseng nagpop-up sa utak ko. Akalain mo yun?

Paglingon ko sa likuran ko ay nakita ko ang mapupulang mata nya at halata mong galit na galit ito.

"Wah!!!" Sigaw nito. Halata mo ang galit sa kanya. Maya-maya ay naramdaman ko na lamang na nakasandal na ako sa pader at hawak hawak nya na ang aking leeg. Hindi ako makahinga.

Ewan ko ba kung namamalik-mata lang ako dahil tumulo ang luha sa kanan nyang mata nya at may narinig akong binulong nya.

"Bakit nagbalik ka pa?"

"Okay ka lang? Ano nang lagay mo? Mukhang nagkainitan kayo ah?" Saad ni Kevin. Kanina pa ako nakatulala tapos iniisip yung sinabi nya kanina...

Ginagamot ni Azy ang sugat ko ganun daw talaga si Stephen pag sya ang nagmarka sayo nyan hindi yan mawawala at magiging peklat na lang. Ganun din daw sila Yoshiro, Kevin, Xyd, and Hans pero kung mapapagamot mo kaagad sa mga fallen vampires na healer ay mawawala yan sa loob nang ilang oras.

"Yeah but i don't know why." I said.

"Baka naman may ginawa kang ikakagalit nya." Napaisip ako.... Wahhh!! Oo nga pala! Inaasar ko sya kanina tapos hindi ako nakikinig sa kanya.

≥,≤

Malay ko bang big deal sa kanya yun?!

"A-ah eh..." Napalingon sila sakin.

"So meron nga?" Sabi ni Yoshiro. Tumango ako at yumuko. Wahhh nakakahiya.

"pfft. Huwag kang mag-alala magiging ayos din kayo nun." Xydryth's said.

"Salamat." Saad ko. Hindi na din ako nakapag-training sa special power training dahil ginagamot ako ni Azy.

"Ayan! Ayos na hehe after 6hrs mawawala na yan at hindi yan magkakaroon nang peklat." Sabi ni Azy. Sa noo ko sa may bandang kanang kilay ay may benda.

Aokigahara Academy : School Of The Fallen Vampire's Kde žijí příběhy. Začni objevovat