Chapter 10: Unexpected Visitor

161 7 0
                                    

Chapter 10: unexpected visitor

Alicia's POV

"They'll judge me, like what you do without knowing who really i am."

"Wah ang arte arte mo eh ayun lang naman yung nakikita ko sayo, andito na pala tayo!" Sabi ko sabay takbo hehe nasa likod pala nang academy yung pinuntahan namin.

"Una na 'ko!" Sigaw ko tapos nauna na.

"Hoy! Mali yang dinadaanan mo!" Agad akong napabalik. Wahh antanga ko naman.

"Tara sundan mo ko." Saad nya tapos hinawakan ang kamay ko nagulat ako pero di ito pinahalata.

Wah? Bat ka ba ganyan? Baka mahulog ako sayo!

Buong gabi ulit akong hindi nakatulog hays. Pwede na akong ipalit sa Walking Dead yung mga zombie dun talo ko pa dahil sa sobrang nakakalerki ang mukha ko!

"Alicia?" Agad naman akong napaupo sa bench at nagtakip nang mukha gamit ang libro na hawak ko.

"Hays anlabo talaga nang babaeng toh." Sabay alis ni Wade. Hays buti na lamang at hindi na sya nangulit at umalis na.

Lumakad na lamang ako at pumunta na sa klase ko. Arghh kaasar lumipas ang ilang oras ay walang dumating na kaibigan ni Stephen at maging sya ay wala din.

Hays saan kaya sila nagpunta? Huhu miss ko na si healer!

"Yes Ms. Sy?"

"P-po?" Wahh bakit ako tinawag ni ma'am?!

"Ang sabi ko ay kung sino ang may tanong sa foundation week? And any ideas kung paano kayo hahatiin and nagtaas ka nang kamay." Agad na namula ang mukha ko sa hiya! Sa sobrang kalutangan pati real world iniwanan.

T^T

"Ah nakalimutan ko po kase kung kailan magsisimula?" Wahh ang galing kong magpalusot kaya ang galing kong aktres pag nagkataon!

"Ahm next next week kaya i gu grupo ko na kayo ngayon para makapaghanda na kayo para sa booth na gagawin nyo." Nagtilian naman ang iba dahil sa naiisip nilang mga booth. Hays

"Ah hehe thank you po ma'am." Tumango ito at bumalik na sa harapan.

"Walang anuman Ms. Sy." Saad nito at babalik na sana sa unahan nang biglang pumasok na nga ang mga hinihintay ko at nangunguna na si Azy.

"Ah hehe ma'am alam nyo naman po diba?" Saan nito tapos nagpa-cute pa.

Napa 'ahh' naman  yung ibang mga lalaki dahil sa ginawa ni Azy na agad namang sinaway ni ma'am.

"Sige Ms. Yeon, maaari na kayong maupo sa kanya kanya nyong silya." Agad naman silang umupo tapos tumabi sakin si Azy. Kaya chinika ko na sya.

"Bakit ang tagal nyo naman?" Malungkot kong saad.

"Heheh alam mo namang foundation week na diba? Kaya ayun pinatawag kami at kami ang magiging lead sa first day and last day dahil may parada tayo."

"Anong parada?" Kunot noo kong tanong.

"Ay hehe, Oo nga pala ‘ganito kase yan. First day of foundation week is Parade at Outside of Academy. And each section have a two representative na nasa unahan nila habang sila ay naglalakad and know what?" Kinikilig na ani niya.

Aokigahara Academy : School Of The Fallen Vampire's Where stories live. Discover now