And with that, Feb left his office.

Naiwan si Storm na iniisip ang pinayo ng sekretarya.

I'll offer Xianne what I can. May it be luxurious or not.

Kinuha niya ang cellphone sa tabi ng computer at binuksan ang group chat nilang magba-barkada.

He frowned when he saw their group chat name. It was changed to 'Crazy Ass Hotdogs'.

Who the fuck changed this?

Pinabayaan niya na lang yon dahil tinatamad siyang mag-back read saka nag-type ng message.

He needs their help. Unfortunately.

Storm Torabilla: Need help.

Akala niya mamaya pa magre-reply ang mga kaibigan dahil busy rin ang mga ito sa kanya-kaniyang trabaho. Pero akala lang niya yon.

Burn Carillo: Ano na namang problema mong hinayupak ka?!

Dylan Sandoval: Busy ako.

Ash Vicencio: @Dylan, tinatanong ba namin?

Dylan Sandoval: @Ash 🖕

Kian Hensler: @Storm, sino nililigawan mo?

Storm Torabilla: @Kian, how'd you know?

Prince Morato: Pustahan tayo... Lalaki o babae ang nililigawan ni @Storm?

Burn Carillo: @Prince may kilala ba yang babae si Storm?

Prime Morato: tanggap ka namin kahit ano ka pa @Storm

Aba't loko-loko tong mga to ah!

Storm Torabilla: mga gago! Babae ang nililigawan ko!

Dylan Sandoval: o tapos? Anong kailangan mo?

Mabilis siyang sumagot sa mga ito kasi baka kung saan na naman umabot ang pinag-uusapan nila. Mahirap na. Baka wala siyang magagawa pag nagkataon.

*****

"Xi! Tara na!" Sigaw ni Tala mula sa may pintuan.

"Ok. Wait." Xianne glanced at herself on the mirror one last time and hurriedly went downstairs.

Nadatnan niyang inaayos ni Faith ang buhok ni Lois. Si Tala naman ay nagsisintas ng sapatos.

Magde-date kasi sila ngayong araw. At kapag nagde-date silang magkakaibigan, walang plano-plano. Kung saan lang sila dalhin ng mga paa nila.

They just wore comfortable shirts and jeans. Nagre-ready lang sa kung ano ang maiisipan nilang gawin sa buong araw. Mahirap kasing gumalaw kapag tight ang suot at limitado naman kapag naka-skirt.

"Let's go!" Aya ni Faith.

Napag-desisyunan nila na sa mall pumunta. Tutal hindi pa naman sila gutom, dumiretso na sila sa World of Fun.

"Babs! Feel ko mag-karaoke!" Di naman halatang excited si Lois.

Tala jumped in delight. "Ako rin! Ako rin!"

"Ok. Sige." Pagsang-ayon ni Faith. "Maiwan kayo Tala at Lois dito. Bantayan niyo ang room 1. Sasama naman sakin si Xianne pagbili ng tokens."

Mabilis na hinila ni Faith si Xianne patungong counter kung saan nabili ng tokens. Samantalang bantay-sarado naman ng dalawang naiwan ang kwartong bakante. Ayaw talagang papasukin kung sino man ang magtatangka.

A Little BraverWhere stories live. Discover now