✧ 047

353 29 18
                                    

AREUMI'S

Uwian na at katulad noong mga nakaraang linggo, si Inhong na ang kasabay ko pag-uwi.

Pinanood ko lang na lumabas classroom si Dahyun habang dala-dala yung mga libro niya papuntang locker. Siguro nandoon na si Junghwan. Tutal, lagi naman siyang hinihintay ng lalaking 'yon don.

"Ang tagal mo naman." sabi ko kay Inhong na kanina pa nag-aayos ng bag niya.

Sanay na din naman ako jusko, ewan ko ba dito at ang tagal ayusin yung gamit niya sa bag. Di naman din nagdadala ng kahit anong libro, pft.

"Teka lang ma'am." at saka niya tuluyang sinuot ang backpack niya. At naglakad na kami papaalis ng room.

"Areum-ah!" parehas kaming napatigil sa paglalakad ni Inhong.

Pagkalingon na pagkalingon ko ay agad na yumakap sa akin ang isang presensya ng lalaki.. Mahigpit niya akong niyakap.

Halos hindi naman ako makakurap sa sobrang gulat.. At kilig?

Amoy pa lang niya, alam ko na agad kung sino. Hindi ko din ineexpect na yayakapin niya pa ako ng ganito ulit.. Lalo na ngayon na nandiyan si Dahyun para sa kanya.

Humiwalay siya sa yakap namin at ngumiti sa akin, ramdam ko namang may bakas pa din ng gulat sa mukha ko. Tumingin siya sakin sa mata.

Ginulo niya ang buhok sa tuktok ng ulo ko at saka tumawa.

"Parang di ka makapaniwala na ako 'to ah HAHAHA! Ang tagal ko bang nawala, Areum ko?" pang-aasar niya.

Tinaboy ko agad yung kamay niya ng maramdaman kong unti-unti ng umiinit ang mukha ko at saka tumalikod.

"H-Hindi naman.. Sige na, mauuna na kami ni Inhong. Ingat kayo ni Dahyun." nauutal na imik ko. Hinila ko agad si Inhong papaalis.

Hindi naman na kami sinundan ni Junghwan. Hindi ko na din pinili na lumingon ulit sa kanya.. Baka makita ko pa si Dahyun sa tabi niya.

"Areumi.. Si Junghwan.." bulong ni Inhong. Tumigil kami sa paglalakad pero napansin kong nakatingin lang siya sa may pulso niya na hawak-hawak ko pa din. Tinanggal ko kaagad pagkakahawak doon.

"Bakit? Anong meron kay Hwan?"

Hinintay ko siyang sumagot pero nanatili siyang tahimik.

"W-Wala.. Halika na, umuwi na tayo." at saka niya ako hinawakan sa braso, katulad lang ng ginawa ko sa kanya kanina.

Problema nito?

INHONG'S

Sorry, Junghwan.. Kahit na sinabi mo na sa aking sasabay ka sa amin pauwi, hindi ko pa din pinigilan si Areumi na umalis ng hindi ka kasama.

I'm sorry.. Kahit ngayon lang..

Ako naman muna.

Ako naman muna

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
LOVE MAZE 'ʲᵘⁿᵍʰʷᵃⁿWhere stories live. Discover now