✧ 010

356 29 21
                                    

AREUMI'S

"Nakakainis ka kamo." at saka ako sinamaan ng tingin ni Haruto.

At dahil diyan, hindi na talaga kita tatawaging 'oppa'. Ang attitude, di naman kami close.

"Ano ginawa ko sayo?" may bakas ng pagkairita sa tono ko, tinusok-tusok ko lang yung pagkain ko.

"Ang torpe mo kasi! Bakit di mo na lang sabihin ng diretsahan kay Junghwan na gusto mo siya?" demanding ka sir? Napatawa ako ng mahina.

"Gusto mo bang masira pagkakaibigan namin?" tanong ko sa kanya at saka nagsimula ng kumain.

Kain na lang tayo, masaya naman na 'yon sa iba.

"Gusto mo ba magkatuluyan sila ni Dahyun?" tanong nitong kausap ko pabalik.

"Kung doon naman siya magiging masaya, then bakit hindi?" sabay-sabay namang napabuntong hininga ang iba pa naming mga kasama.

Nakita ko pang umiling si Jihoon oppa. A/N: alam kong cringe pero nasa sokor kasi tayo so wala talagang 'kuya' doon hshs.

"Ang bait mo, nakakainis."

"Mas nakakainis makita yung dalawa doon." imik ni Junkyu oppa.

Di ko naman maiwasang hindi mapatingin sa kanila.

Pulang-pula na yung mga tenga ni Junghwan at hindi matanggal sa mukha niya ang ngiti habang nakatingin kay Dahyun. Halata namang masaya silang nagkekwentuhan, napansin kong nagbubulungan na yung mga ibang students habang pabalik-balik ang tingin sa dalawa.

Mukha naman kasing nagmomoment sila, solo nila yung table eh.

Sana lahat.

"Reumi, tama na titig, pagkain mo nilalangaw na." saway sakin ni Hyunsuk oppa dahilan para maiwas ko ang tingin sa dalawa.

Tumango lang ako at saka bumalik na sa pag-kain.

Wala naman akong magagawa.

Wala naman akong magagawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
LOVE MAZE 'ʲᵘⁿᵍʰʷᵃⁿWhere stories live. Discover now