Chapter 3: Because the pain was drowning me

818 26 1
                                    

Chapter 3:  Because the pain was drowning me

Alleana Tereese Dy

"So, kumusta na kayo ni Lean?" Tanong sa akin ni Pauline. We were both catching up. Simula kasi nung nagkaniya-kaniya na kami dahil sa trabaho namin, minsan na lang kami magkita ni Pauline. Today, nagkaroon kami ng chance na magkita at magkumustahan.

I smiled. Basta marinig ko lang ang pangalan ni Lean, hindi ko maiwasang hindi kiligin. Para akong bata sa hitsura ko ngayon na akala mo nabigyan ng isang milyong kendi sa tuwa. "So far so good. I really want it to be him, y'know? I mean, 3 years pa lang kami and marriage is way too soon pero parang okay lang sa akin. I just want to be with him."

Hinawakan ni Pauline kamay ko, "I know. I am so happy seeing you happy right now."

And I told Pauline everything about me and Lean, and she was really listening. Kinukumusta ko din siya, asking her kung may nanliligaw ba sa kaniya kung saan siya nagtatrabaho. Kinilig naman ako nang malaman kong may nagpaparamdam daw sa kaniya. Para kaming bata ni Pauline sa tuwing magkasama kami kasi puro kami hagikgikan.

When we both felt tired, we decided to call it a day. Naghiwalay din kami ni Pau nung sasakay na kami ng jeep.

And when I arrived in my apartment, nandun si Lean sa tapat ng gate ko nakaupo. Nung nakita niya ako bumaba ng tricycle, he slowly stood up. "Hi, Lean!" Tumakbo ako papalapit sa kaniya para lapitan siya. Niyakap naman niya ako pero parang... ang tamlay niya. "May problema ba?"

Hindi kaagad nagsalita si Lean, he was staring at me. Tapos may tumutulo na ng luha sa mata niya. Natakot ako, hindi ko tuloy maintindihan kung ano nga ba yung nararamdaman ko. Ngayon ko lang nakita ng ganito si Lean. "Lean? Anong meron... Please, tell me."

Humagulgol siya. Nag-iiyakan na tuloy kaming dalawa.

"Allie. I'm so sorry..."

Sa sorry pa lang niya nanghina na ako. Hindi ko pa alam kung anong dahilan kung bakit siya nagsosorry pero bakit ang bigat sa pakiramdam?

"Fuck, Lean. Ano ba kasi?!"

"I'm sorry... Pero, I want a break up."

Heto na nga ba yung ikinakatakot ko sa lahat eh. Yung tipong ang saya ko, pero may tutumbas pa rin talagang sakit. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mukha ng marinig ko iyon kay Lean. Napasandal ako sa pader. "Are you fucking with me right now?!" I asked. Galit ako. Alam kong inappopriate para sa isang elementary teacher ang pinagsasasabi ko, pero anong dapat kong gawin? Everything around me right now starts to shatter.

Umiling si Lean. "I'm sorry, Al."

"W-why?"

Then he told me.

Sinampal ko siya. At yung sampal kong iyon hindi pa sapat. Gusto ko siyang mas saktan pa lalo sa paraang kaya ko kaso kahit ako nanghihina. The pain was drowning me. Hindi ako bigla makagalaw. 

And Probably Not ForeverWhere stories live. Discover now