Kabanata 41

533 40 24
                                    

Demi:Hey…

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Demi:
Hey…

Kyle:
Are you okay?

Demi:
Tapos na, Jeremy. Hindi na ako masasaktan

Kyle:
Kahit nasasaktan
ka pa rin hanggang ngayon?

Demi:
Mukhang masaya
naman siya kahit wala ako

Kyle:
Paano mo naman nasabi?

Demi:
Hindi naman kasi ako kawalan at saka may Kath naman siya. Hindi pa rin siya maiiwan mag-isa

Kyle:
At naiwan ka
na naman...

Demi:
Ano bang bago?

Kyle:
Dapat kasi hindi ka
na pumayag sa trip
niyo magpinsan,
ano ka na ngayon?

Demi:
Akala ko kasi hindi
ako mahuhulog

Kyle:
Gusto mo siya dati pa, Demi. Bago pa niya maging girlfriend si Kath. Kaya anong hindi mahuhulog ang sinasabi mo ngayon?

Demi:
Tapos na. Wala na.
Tinigil ko na.

Kyle:
Alam mo naman kasi na marupok ka, pumayag ka pa. Konting pakilig lang sa ‘yo bumigay ka talaga kasi si Jeremiah ‘yon e. Crush na crush mo kasi ‘di ba?

Kyle:
Sinabihan kita dati na huwag mong gagawin ‘yung sinabi sa ‘yo ng pinsan mo, anong sinabi mo sa akin? Sabi mo you won’t fall in love with him, itatry mo lang kasi baka this time pwede na. Ano ka ngayon? Iiyak-iyak ka kasi hindi na naman ikaw ang pinili?

Kyle:
Alam mo naman kasi na hindi pa nakakamove-on ‘yung tao, kinausap mo na agad. Ngayon anong pakiramdam na maging rebound?

Demi:
Masakit, sobrang sakit.

Demi:
Gusto lang naman kita kalimutan, pero hindi ko pa rin magawa...

Demi:
At doon akala ko kaya ko rin higitan si Kath sa puso niya, hindi pala. Na umaasa ako na baka tayo naghiwalay noon ay baka kami talaga. Pero kahit anong pagpapasaya pala ang gawin mo sa isang tao, kung hindi ikaw ang gusto nila na magpasaya sa kanila ay balewala ang lahat.

Demi:
Ang hirap pala na walang kasiguraduhan ang lahat kasi hindi ko siya nakikita. Sinasabi niya lang pala iyon at sweet siya sa akin kasi gusto niyang kalimutan si Kath.

Demi:
Heto na siguro 'yung karma ko dahil sa ginawa ko noh? I fell inlove with him and now here i am, facing my karma.

Demi:
Kinarma ako dahil ginamit ko siya para kalimutan ka pero noong nahulog na talaga ako ay ako pala ang ginagamit niya para kalimutan niya si Katherine.

Demi:
Baka hindi pwede ipilit ang bagay kapag hindi talaga para sa ‘yo…

Demi:
Baka hindi talaga.

Demi:Baka hindi talaga

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.
What If I Fall?Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu