Epilogue

803 44 24
                                    

Demi’s POV

“Saan ka na naman pupunta?”tanong sa akin ni Kassandra habang nagaantay ako ng taxi sa labas ng dorm.

“Kakadating mo lang, aalis ka na naman?”dugtong pa niya.

I sighed. “Naiwan  ko ‘yung libro ko sa bahay, kailangan kong balikan”

“Samahan na kita!”

Pinara namin ‘yung taxi na dumaan at habang pauwi kami ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan at hindi mapakali. Ano bang mali?

Ilang araw na rin ang lumipas noong huli akong umuuwi ng bahay. Sa dorm na kasi ako natutulog, kaya wala ng tao sa bahay. Tinulungan ako ni Jeremy magdala ng gamit noon, hindi ko naman namalayan na maiwan ko pala ‘yung mga libro ko sa kwarto.

Sa mga lumipas na araw ay busy ako mag-ayos ng mga gamit ko, hindi ko alam kung bakit nagiging perfectionist ako pagdating sa pag-aayos.

“Keep the change, kuya”inabot ko ‘yung 1000 pesos sa driver at bumaba na kami.

“Demi!”sigaw ng kapit bahay namin.

“Bakit?”tanong ko sa kanya habang binubuksan ko ‘yung gate namin.

“Ano ‘to?”may nakita ako na bouquet ng roses sa loob ng gate namin.

Kanino naman galing ito?

“May pumunta ika na lalaki di ne, hinahanap ka!”nagtaka ako sa sinabi niya dahil wala naman akong kilala na lalaki na pumupunta dito sa bahay bukod kay Jeremy. Magkasama naman kaming dalawa palagi kasi magkatabi lang ang dorm naming dalawa.

“Sakanya ba galing ‘to?”tanong ko sa kanya.

“Oo!”sagot niya.

“Kanino galing?”tanong naman ni Kassandra.

“Ano'ng itchura?”tanong ko sa kapit bahay namin kasi siya ang nakakita.

“Matangkad, kulot, moreno, seryoso ‘yung mukha, pero ang gwapo! Ang kaso, eh, inglishero!”nanlaki ang mata ko nang idescribe niya iyong lalaki na pumunta dito.

“Si Jeremiah, Demi! Umuwi siya! Pinuntahan ka niya dito!”sigaw ni Kassandra.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. 

Pinuntahan niya ako?

“Girl! Tawagan mo!”sigaw pa ni Kassandra. Parang mas kinikilig pa siya kaysa sa akin.

“Jowa mo ba ika iyon? Akala ko ang jowa mo, eh, iyong kasama mo noon”tanong pa sa akin ng kapitbahay namin habang dinadial ko ang number ni Jeremiah sa cellphone ko.

“Iyon ang jowa niya ate! Ang gwapo noh!”sabi ni Kassandra.

Ilang beses kong tinatawagan si Jeremiah pero hindi niya sinasagot ‘yung tawag ko. My hands were fucking shaking. Damn, Jeremiah! Sa ‘yo ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam!

“Si Ave! Sigurado ako na kasama niya si Jeremiah!”tinawagan ko si Ave at agad naman niya itong sinagot kaya nakahinga ako nang maluwag.

Hello, Ave?”(Demi! Bakit ngayon ka lang nagparamdam!)

Busy ako sa dorm, si Jeremiah? Kasama mo ba siya?”(Nahatid na namin sila sa airport! Ngayon ang flight niya! imessage mo baka maaubutan mo?!)

Shit. Anong terminal?”(Terminal 3!)

Okay! On my way!”(Bilisan mo girl para maabutan mo pa siya!)

What If I Fall?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora