Chaptah Treh

25 11 0
                                    

Chaptah Treh

Hindi ito tulad ng inaasahan ko. Wala man lang silang maayos na pasilidad para pagdausan ng enlistment. Ganito na siguro katipid ang gobyerno. Hindi na nakapagtataka kung bakit nilalangaw ang mga lamesa sa harapan sa sobrang dalang ng mga nagpupunta rito para magpa-enlist.

Nasa abandonadong building ang enlistment at kitang kita ko na ngayon mula sa kinatatayuan ko dahil sa mga ilaw sa loob nito. Syudad na ito, paano pa kaya sa probinsiya? Sa gubat na?

Pasalamat na lang sa mga iilang gumagana at pakindap kindap na street light na nadaanan ko kaya nakarating pa ako dito kung hindi ay baka hindi ko pa mahanap ito sa sobrang dilim. Dumiretso lang ako sa paglalakad hanggang matungo ito.

May ilaw naman sa loob ng building at may floor lamps din, may malaking industrial fan din na nakapatay. Malamig naman kasi ang panahon, at baka nga umulan pa maya maya ayon sa forecast kagabi.

Mukhang nilinisan na parang hindi. Mababatid pa rin ang mga bakas na makakapal na alikabok sa sahig na parang nadaanan ng walis. Marami ring mga agiw sa itaas na mapagkakamalang mga bulak sa sobrang kapal.

May mga tarpaulin na nakasabit sa paligid na may mga impormasyon kung hanggang kailan pa ang pagpapalista. Kung hindi dahil sa amoy ng umuusok na kape at noodles sa may lamesa, mas lantad pa siguro ang amoy ng alikabok sa paligid.

"Himala" Napatigil ang paglibot ng mga mata ko sa paligid at lumingon sa pinanggalingan ng boses nang marinig ang salitang 'yon.

Pansin na pansin ang pagkamangha sa boses nito. Siguro'y nagulat siya na sobrang aga ko sa pagpapalista. Ala singko bente y kwatro pa lamang kasi at ala syete pa ang umpisa.

Mula iyon sa isang babae. Di ko nga lang gaano makita ang mukha niya dahil medyo malayo pa rin ako sa may lamesa. Di gaanong katangkaran ngunit mukhang may mataas na posisyon na parang itinapon lang sa lugar na ito para parusahan. Plantsado ang dress jacket nito na nakasinturon sa bewang ngunit kitang kita pa rin ang panloob nitong black jeans at kulay beige na pantaas.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin 'yon o magsasalita ba ako para magpakilala pero nagsalita muli ito.

"Pasok ka, ganto lang 'to pero ganito talaga ee" sambit nito na parang natatawa pa sa kanyang mga sinabi sabay higop sa kape na hanggang ngayon ay umuusok pa. Hindi kaya siya mapaso?

Mula sa kinatatayuan ko ay naglakad na ako para tuluyang makapasok kahit na nasa loob naman na ako kanina pa. Mukhang iisa pa lamang ng babae dito. Nakapagtataka, di ko man lang napansin kung saan siya nagmula sa sobrang abala sa pagmamasid sa lugar na ito.

"Aba'y ibang klase talaga 'to si Richieboy, nagawa pang mag noodles. Di man lang nahiya." Paupo na ako sa mga silyang nakaayos nang magsalita na naman ang babae.

"Alam na niyang diet ako ee tapos mag n noodles pa sa harap ko" madali niyang in pony tail ang lagpas balikat na buhok saka inayos ang bangs na nagulo. Bakas sa boses niya ang pagkairita na may halong selos.

Marami pa siyang binubulong bulong pero di ko na gaanong pinakinggan nang mahawakan ko ang mga upuan. Di ko gaanong napansin kanina na maalikabok din pala ang mga ito dahil nakatingin pa ako sa babae. Naglabas ako ng tissue mula sa aking backpack at pinunasan muna ito bago umupo.

Nag aayos ang babae sa lamesa kahit na mukhang maayos naman ang mga folder na nandoon. Wala pa lang siguro talaga siyang magawa. Tahimik lang ako na nakaupo rito at pinipigilan ang sarili na hindi madikit sa mga katabing upuan na hindi ko naman nilinisan.

Napasinghap na lamang ako ng tahimik nang makita ko na nilalantakan na nang babae ang noodles na kanina lang ay pinagmamaktolan niya. Diba diet siya?

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: May 31, 2020 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Ascendance Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ