Chaptah Wan

52 11 14
                                    

Chaptah Wan

Happy New Year!

Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga fireworks na kumukulay sa alapaap. Mga pahabol na fireworks na hindi nasindihan kanina.

Mula dito sa bintana ay kitang-kita ang mga ito. Nasa pangalawang palapag kami nakatira kaya mas maganda ang view.

Bagong taon, bago rin sa pakiramdam ang panahon na ito para sa akin. Napakagandang regalo sa pag uumpisa ng taon.

Ilang buwan ko ring hinintay ang pagkakataon na ito para mapagpatuloy ang pag-aaral. Hindi ako agad nakapag college pagkatapos ko ng Senior High dahil sa maraming rason, pero heto na nga at hindi pa rin ako makapaniwala.

Tahimik na ang paligid matapos ang ilang paputok kanina, malayong malayo sa kaninang maingay at maliwanag na kapaligiran. What a truce!

Ako na lang gising sa amin, tulog na sila Papa at si Concon nakababata kong kapatid. Katatapos ko lang ligpitin ang mga pinagkainan namin. Hindi ko alam kung matutulog pa ba ako o hindi na. Maaga rin naman akong aalis para mag asikaso ng mga papeles.

Dahan dahan akong tumungo sa may ref at kinuha ang isang tupperware ng graham balls. Hindi ko kasi ito gaanong natikman kanina. Paborito ko pa naman 'to.

Pasado alas dos na at medyo malamig na rin dito sa loob ng bahay dulot ng pumapasok na hangin mula sa nag-iisang bukas na bintana sa sala. Mas malamig sa labas kaya naman pumunta ako sa terrace.

Pagkadampot ko ng dalawang graham ay tumunog naman ang phone ko. Kinain ko muna ang hawak kong graham balls bago ko tinignan ang phone.

Stranger Things

Sasagutin ko ba? New Year naman.

"Goodmorning po, " sabi sa kabilang linya, boses ng lalaki "andito na po yung inorder nio sa shoppee, nasa labas po ako ng bahay niyo " pagkatapos ay may mga mahihinang tawanan pa akong narinig. "Sabihin mo, salamat shoppee" , dugtong nito

Wait, What? Shoppee? May inorder ba ako? Baka may inorder si papa?

Nasa labas kaya ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

Ang totoo'y di ko talaga kilala ang isang 'to. Pinangalanan ko na lang ng Stranger Things dahil halos may isang buwan na rin siyang nag te text sa number ko. Araw gabi, walang palya. At dahil magalang tayong tao, sagutin na natin.

"Pasensya na po pero wrong number po kayo" maayos at magalang na sagot ko.

Inulit lang naman niya ang sinabi niya kanina patungkol sa lazada kaya naman inulit ko na lang din ang sinabi ko at pinatay na ang tawag.

Am I too rude? Hindi ko alam kung naligaw lang yun o trip lang o ano pero gusto ko pa rin ipakita kung gaano kabuti dapat ang isang tao kaya naman nag text na lang ako at sinabing wrong number talaga siya.

From: Stranger Things
Uy Qen, di mo ba ako kilala

Pano niya nalaman ang pangalan ko?

From: Stranger Things
Hahaha this is Seb

Seb? Seb what? Sebuana? Lhuiller?

Di pa man ako nakakasagot sa mga text niyang wala naman akong planong sagutin ay nag text ito muli.

From: Stranger Things
'Di ba sinabi ni kuya mo sayo?

Si kuya? Dali dali ko namang in dial ang numero ni kuya para sabihin sa kanya ang tungkol dito. Siguro nama'y nasa kanya pa rin ang phone niya dahil tumawag naman ito kanina.

Ascendance Where stories live. Discover now