Prologue

4.6K 456 320
                                        

Inayos ko ang mga tambak na gamit sa table ng opisina, bago inayos din ang sarili dahil derecho uwi na ako mamaya pagtapos makipag-usap kay Migs. Pag-uusapan namin ang new project na offer niya.

I tied my hair in a bun and put some makeup on my face. I also removed my coat because I was getting hot. Nang magandahan na sa aking sarili, lumabas na din ako ng office.

Merong limang palapag ang building at parehong nasa apat na palapag ang opisina namin ni Migs. Nang dumating ako sa tapat ng office niya nakita kong nakabukas ang pinto kaya dumerecho na ako sa loob. I saw him sitting in his swivel chair. I immediately walked over towards him.

"Hi boss Migs! So what's the project?"

"Boss amputa!" inis na sinabi niya.

Alam kong nauurat siya kapag tinatawag na boss. Syempre masaya ako na makita siyang nauurat kaya ayon ang tawag ko sa kanya! Sinenyasan akong umupo sa tapat niya kaya sumunod ako, merong upuan sa tapat ng table at doon ako umupo.

He explained right away about the project na agad kong nagustuhan. It's going to be planning and designing a new building in cavite. We provide all kinds of services related to the planning and design of a building. Therefore, without hesitation, I accepted the offer.

"I'll let you talk to the client by next week," he said after his long explanation.

"Okiedokie!" I grinned.

Muli kong hinawakan ang folder at binasa ang pangalan ng kumpanya. It's ECC, it sounds like I've heard it before but I just can't remember where. Well, I'll see them next week and I'm excited to meet them. 

"What does ECC stands for?" I curiously asked Migs while looking at the folder.

"That's Estaniel Construction Company," he said simply, his eyes still on the laptop.

I stopped for a second and eyes narrowed, trying to process everything he just said.

I faced him. "Estaniel?"

"Oo. Wag kang mag-alala, si Shaira Estaniel ang magiging client mo," natatawang sagot niya.

Agad na kumulo ang dugo ko sa narinig.

"Shaira Estaniel!?" I shouted in shock and my eyes widened.

I can't believe that he just mentioned my ex best friend's name.

"Oo, hindi naman halata sayong gulat ka,"

Umiling ako. Hell no! Muling bumalik sa akin ang lahat ng nangyari sa nakaraan. They are the people who ruined me! Sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon sinusubukan ko pading bumangon! Ayoko ng magkaroon ng kahit anong ugnayan muli sa kanila.

"I'm rejecting your offer," mariin na sabi ko at padabog na binalik sa table ang folder.

"Wala ng bawian. In-accept mo na kanina 'e!" he said while laughing.

Nauurat ako sa tawa niya kaya kinuha ko muli ang folder sa table at hinampas sa kanya.

"Ayoko na! Kay Leo nalang 'yan!"

"Gara naman! Alam mo namang nahihiya ako kay Shaira kaya kayo agad ni Leo ang naisip ko," he said while trying to pull the folder out of my hand.

Alam ko naman na may nakaraan sila ni Shaira pero sana inisip niya din na may nakaraan kami ng kuya ni Shaira! My goodness! Ayoko na silang makita. Galit na galit ako sa kanila. Baka hambalusin ko lang silang dalawa kapag nakita ko.

"Ayoko! Wala ba silang Architect at dito pa talaga sa atin kumukuha!?" galit na tanong ko.

Dahil imposibleng wala silang Architect dahil construction company sila!

"Meron, ako ang nag alok kay Shaira. Alam mo na, nagpapalakas ako. Hahaha," he explained.

"What!? Akala ko ba nakamove on kana kay Shaira!?" gulat na tanong ko.

Ang babaw ng dahilan niya! At tae idadamay pa ako sa kalandian niya! College pa 'yun at alam kong hindi naman naging sila ni Shaira.

"At ikaw akala ko nakamove on kana din?" he asked back.

Natahimik ako sa tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Ayon ang alam nilang lahat! I always tell them I've moved on from the past, but deep inside I'm still healing. I'm struggling with upsetting emotions, memories, and anxiety that won't go away. I am haunted from time to time by painful memories.

"Be professional, Architect Servalles," he said.

I laughed sarcastically after hearing what he said. "Wow! Coming from you ha!?"

He bursts into laughter that made me so upset. Nakakainis! Tumayo na ako at kinuha ang gamit bago siya harapin muli.

"Hindi ko talaga matatanggap 'yan," giit ko.

"Sino ba boss dito?" he smirked.

Ayan! Ginagamit na ang pagiging bossy niya, palibhasa alam niyang wala na akong magagawa kapag gumaganyan na siya.

"Migs naman!" I said with so much irritation.

"You'll accept the offer," he stated like it was a final decision.

"Tangina naman!" I shouted angrily.

Hindi ko na siya hinintay magsalita at mabilis akong lumabas ng office. Padabog kong sinarado ang pinto. Nakailang mura ako hanggang sa makasakay sa loob ng aking sasakyan. Hinaruot ko agad ito paalis ng Villa Corp Building.

Sariwang sariwa padin sa akin ang mga nangyari sa nakaraan kahit ilang taon na ang nakalipas, tila parang kahapon lang ito. Malinaw pa lahat sa aking ala-ala.

Tumulo ang luha ko ng mapatingin sa mga singsing sa aking mga daliri. Tandang tanda ko pa kung paano niya ibinigay sa akin iyon at ang kanyang mga pangako.

"Arghhhh!" sigaw ko sa sobrang galit at frustration, marahas kong hininto ang sasakyan.

I rested my head on the steering wheel while the ache in my chest returned. Hinayaan kong tumulo ang aking mga luha. Bakit ako lang ang nagdudusa? Bakit ako lang ang nahihirapan? Dammit!

Bakit kahit galit ako, mahal ko pa rin siya?

Save The Us (Completed)Where stories live. Discover now