Kabanata : 27 Lumaban ka!!!

229 12 3
                                    

"Hahahahaha" ang narinig kong tawa na mala demonyo.

Wait parang kilala ko yang boses na yan ahhh, hindi ako pwede magkali dahil siya yung umagaw sa babaeng mahal ko noon.

"M - mark?" Utal kong sabi.

"Hahaha magaling buti kilala mo ako kahit may takip ang mata mo" sabi niya.

Tinanggal niya ang takip saaking mga mata. Nakita ko ang aking na may takip na. Sa tingin ko papahirapan pa yata ako bago patayin. Huwag naman sana. Nag aalala na saakin si rosh. Nakakainis naman.

"Ano ba kasalanan ko sayo? Tanong ko. "Please pakawalan mo ako" ang pagmamakaawa ko.

"Malaki ang kasalanan mo saakin, simula nang nakipagkita ka kay jenny nakipag break siya saakin at iniiwasan niya na ako. Dahil yun sayo!" Sabi niya na galit na galit.

"Nakipag kita siya saakin dahil gusto niya makipag balikan pero tumanggi ako sa kanya dahil hindi ko na siya mahal." Sabi ko.

"Hindi totoo yan sinungaling siya, sabi ni jenny si renz daw ang nakikipag balikan. Kaya wag ka maniwala diyan sa baklang yan" sabi ng babae na nakatakip ang mukha.

Unti unti niyang tinanggal ang maskara niya at nakita ko nanaman ulit ang demonyong babae, walang iba kundi si riza.

"Oo totoo yun gusto niya makipag balikan saakin. Pinag bantaan niya pa ako na papatayin niya ako pag hindi ako makikipag hiwalay sayo." Ang sabi ni jenny na lumitaw sa eksena. Takte naman tong babae na to playing victim.

Agad ako sinapak ni mark sa mukha ng limang beses at sampung beses sa tiyan. Halos maisuka ko na lahat ng dugo ko dahil sa sobrang lakas ng suntok niya.

"Hayop ka!!! Kaya pala ako hiniwalayan ni jenny dahil sa pagbabanta mo!!! Gago ka!!!" Galit na galit na sabi ni mark.

Kung hindi lang ako nakatali dito babalian ko talaga siya ng buto. Siraulo siya nag papaniwala sa mga manloloko.

Umalis na si mark at riza sa kwarto kung saan nila ako tinatago. Naiwan dito si jenny na nakangite.

"Kung hindi ka magiging akin mad mabuti pang papatayin nalang kita hahaha" sabi niya.

Pinilit niya akong halikan sa labi ngunit iniiwas ko ang aking labi. Manyakis pala ang babae na to.

"Jenny pumunta ka na rito!!!" Sigaw ni riza galing sa labas ng kwarto.

Dali daling umalis si jenny ng kwarto. Salamat at hindi niya nahalikan ang labi ko dahil para lang kay rosh ang labi ko.

Makalipas ang ilang oras ay bumalik si mark sa kwarto. Lasing na lasing dahil pasuray suray na ito. Ni lock niya ang pinto. May dala siya baril.

Shit mukhang ngayon niya yata ako papatayin huwag naman sana.

Lumapit saakin si mark at hinawakan ng mahigpit ang aking panga. Hinalikan niya ako sa labi ngunit iniiwas ko ito. Lalo niya pang hinigpitan ang paghawak sa panga ko kaya nagtagumpay siya na halikan ako.

Gumapang ang kamay niya sa kung saan saang parte ng katawan ko. Pinilit kung pumalag para hindi niya magawa ang masamang balak saakin ngunit bigo ako dahil nakatali ang kamay ko.

May biglang sumagi sa isip ko na tinuro ng teacher ko nung elementary pa lamang ako "kapag mayroong balak na gumahasa sa inyo huwag na huwag muna kayong pumalag, hayaan niyo munang halikan kayo, dahil pag pumalag ka ng pumalag mauubos ang lakas mo, hintayin mo na gamitin niya ang kanyang pagkalalake bago ka pumalag, bayagan mo at pag nanghina siya bayagan mo ulit at tumakbo kana ng mabilis." Sabi ni maam saakin dati. Pero ewan ko kung gagana ba. Kasi depende sa sitwasyon kung magagamit mo yun.

The Unexpected Loving You(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt