kabanata : 3 Selos

609 17 1
                                    

"R rosh kanina ka pa ba diyan?" Ang utal na tanong ko.

"Ahhh hindi kakarating ko lang ano ba yung pinag uusapan niyo?"

"Ahh ehhh wala secret lang kasi yun rosh" ang sabi ni shaine.

Biglang may nakita na maliit na notebook si rosh at bigla kong inagaw ang notebook dahil nadoon nakasulat ang sekreto ko.

"Patingin ako ano ba yung nakasulat diyan?" tanong ni rosh.

"Wala kana dun"

"Weeeehhh... Pag hindi mo ipapakita yung nakasulat sa notebook ay hahalikan kita" ang sabi saakin ni rosh.

"Bakit kaya mong gawin? Bawal mo itong makita dahil maraming nakasulat dito na hindi pwede malaman ng kahit sino" ang sabi ko.

"Oo nga tanging kami lang ang nakakaalam ng nakasulat sa notebook ni renz" ang sabi shaine.

At bigla akong nagulat ng biglang hawakan ni rosh ang aking mukha at bigla aking hinalikan sa labi agad ko siyan tinulak papalayo saakin.

Bigla ko siyang inambahan ng suntok.

"Bakla ba ka ? Gago pre hindi tayo talo" ang pasigaw na sabi ko kay rosh.

Biglang umalis si rosh

Buong klase kami na walang pansinan.

Nakita ko si rosh at si mika na nag haharutan pero bakit ganun ang sakit nagseselos ako lumala ng lumala ang selos ko sa tuwing may kaharutan siyang iba.

Lumapit saakin si Josh

"Renz alam mo bang may gusto sayo si rosh" ang sabi niya saakin.

"Hahaha baliw ka ba pre niloloko kalang nun kalalaking tao ni rosh para magkagusto sa lalaki" ang sagot ko.

"Hays sabi nga ni Vice Ganda maraming lalaki ang gustong mag mahal ng bakla pero natatakot lang silang mahusgahan" sabi niya.

"Gago ka ba pree ehhh hindi naman ako bakla" ang sagot ko.

"Bakit parang napaka defensive mo?" Sabi niya.

"Ahh ehh wala galit lang ako kay rosh nag away kami kanina dahil bigla niya akong hinalikan"

"Yyiiee... Kunwari kapa alam ko naman na gusto mo ehhh wag ako renz sa mga pananalita mo at kilos mo tuwing kasama mo si rosh ay nakikita ko na nahuhulog ka sakanya alam ko yung pakiramdam na yan dahil nangyare na yan saakin" sabi niya.

"Oo gusto ko" ( bulong ko sa isip)

"Hahaha wala nga akong gusto wag mo ipilit saakin ang isang bagay na hindi ko naman gusto" ang sagot ko.

"Baka kainin mo yang mga salita mo" ang sabi ni Josh.

"Guys makinig kayo bukas ay graduation day na kayo set tayo ng swimming sa linggo natin gaganapin sa splash island"

Agad sumang ayon ang lahat

Kanibukasan ay nag handa na ang lahat at nag aayos na biglang lumapit saakin si rosh na nag sosorry at makikita mo kanyang mukha ang pag mamakaawa.

(Bigla ko siyang niyakap)
"Oo na pinapatawad na kita"

Biglang hinigpitan ni rosh ang yakap saakin at bigla siyang nag pasalamat.

"Sorry din rosh sa pag sapak ko sayo"

"Ahh hindi wala na yan kasalanan ko rin naman" sabi niya.

Maya maya pa ay nag simula ang graduation.

Nang natapos ang graduation ang nag selfie selfie muna ang lahat.

Pag sapit ng linggo ay nagkita kita ang lahat para sa swimming.

"Guys sobrang exited na ako sige pasok na tayo sa loob magbabayad lang muna ako ng entrance at cottage" natin sabi ni Mario.

Nagbabad na ang lahat sa tubig

At bigla ako nilapitan ni rosh at hinawakan ang kamay ko habang nasa tubig kami

"Ahh rosh may sasabihin ako sayo"

"Ako rin renz may sasabihin rin ako sayo matagal ko na itong tinatago" sabi niya.

"Pwede bang ma....."

"Uyy tara na guys ahon muna kayo jan Kain muna tayo"

At hindi natuloy ang saabihin ni rosh.

Pagkatapos kumain ay nagyaya saakin si rosh na pwede ba mag usap kaming dalawa at pumayag din naman ako.

Nang mag uusap na kaming dalawa ay biglang may yumakap saakin ang aking kababata na si Jane.

"Uyy nandito ka pala Jane"

"Oo nag swimming kami dito nila Dad kasi birthday ko ngayon" sabi niya.

"Ayy Oo nga pala nakalimutan ko happy birthday jane"

"Ahh sino siya?" tanong saakin ni Jane.

"Ahh si rosh classmate ko"

"Renz tara punta muna tayo kanila mama dahil matagal din kayong hindi nagkita" pag aya saakin no Jane.

Biglang umalis at tila naging matamlay si rosh.

"Oh hijo kamusta na?"

"OK lang po tita ang tagal ko na pong hindi kayo nakikita saan po ba kayo galing?" Tanong ko.

"Ahh galing kaming Australia kakauwi lang namin nung isang araw" sabi in tita.

"Renz tara na" tawag ni shaine

"Ahh sige po tita tinatawg na po ako ng classmate ko next time nalang po bye tita at tito" pag papaalam ko.

"Sige hijo mag ingat ka" ang sabi ni Tito"

"Kayo rin po ingat din po kayo"

"Uyy sino yung babae na yumakap sayo kanina" tanong ni josh.

"Ahh si Jane kababata ko" sabi ko

"Alam mo ba kina usap ako ni rosh" sabi niya.

"Ano naman sabi niya?" Sabi ko.

Biglang dumating si rosh at umakbay kay josh.

"Tara na josh swimming na tayo"

Kaya hindi nasabi ni josh ang saabihin niya

Buong araw akong hindi pinapansin ni rosh at iniiwan niya ako.

"Rosh bakit hindi ka namamansin?" tanong ko.

"Ahh sige alis muna ako sumama pakiramdam ko" sabi niya.

Parang tinusok ang puso ko sa sobrang sakit dahil hindi ko kaya na iwasan ako ng taong mahal ko.

Nang natapos ang swimming ay nagsi uwian na kami nakita ko parin ang mukha ni rosh na matamlay lumapit ako kay rosh.

"Rosh ano ba yung sasabihin mo dapat kanina?" ang tanong ko.

"Ahh wala , wala yun wag mo na isipin doon kana sa girlfriend mo na si Jane" sabi niya.



Itutuloy..........

The Unexpected Loving You(COMPLETED)Where stories live. Discover now