Kabanata : 11 Baril

352 15 6
                                    

Nandito na ako ngayon sa café kung saan ako makikipag kita jay jenny.

"Ano ba kailangan mo?" Mabilisan kong tanong kay jenny.

"Diba dati nililigawan mo ako at binastid kita......" Paputol niya.

"Diretyahin mo nga ako? Ano ba talaga ang sasabihin mo?" Sabi ko "kung wala kang sasabihing importante ay aalis na ako." Dagdag ko.

"Gusto kitang maging boyfriend Renz , ngayon ko lang narealize na mahal pala kita" madamdaming sagot niya.

"Sorry pero hindi ako handa pumasok muna sa isang relasyon. Kailangan ko muna ayusin ang sarili ko" sagot ko sa kanya.

"Edi ayusin mo ang sarili mo na kasama ako" agad niyang sagot na para bang nagmamakaawa.

"Sa maraming taon jenny na lumipas nawala na yung pag mamahal ko sayo. Hindi mo alam kung gaano kasakit noon na makita kang kasama si mark". Sabi ko sa kanya.  Kapal ng mukha ng babaeng to matapos sabihing study first tapos makikita ko may karelasyon na.

"Oo alam ko pero hayaan mo akong ibalik yung pagmamahal na yun" sabi niya saakin.

"Pasensya na pero hindi ko pa kayang mahalin ka" sabi ko.

"Naiintindihan ko pero please pag bigyan mo ako renz , mahal na mahal kita " pag mamakaawa niya saakin habang nangingilid ang luha.

"Sorry jenny , wala na akong magagawa" sabi ko.

Nag lakad ako papalabas ng café.
Nakita ko papasok si rosh at riza, masakit man makita silang mag kasama pero tapos na kami. Umakto lang ako ng normal na para bang walang nangyare. Nakasalubong ko sila at nakita ako ni rosh pero nag lakad ako ng palabas na para bang hindi sila nakikita.

Pag labas ko ng café ay biglang bumalik ang lahat ng mga nangyare. Biglang tumolo ang luha ko at nag lakad akong durog na durog sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sabi nga nila gawing kalakasan ang sakit ng nararamdaman dahil ito yung bubuo ng bagong ikaw.

"Oh renz bakit ka umiiyak?" Tanong saakin ni lance na nakasalubong ko.

"Nakita ko si rosh pati yung babae, bumalik kasi yung sakit" sagot ko sa kanya.

Nasaan mo sila nakita?  Tanong niya saakin habang seryoso ang mukha niya. Ano maya gagawin ni lance wag niyang sabihing pipilayan niya si rosh?

Bakit anong gagawin mo? Tanong ko sa kanya.

"Basta malalaman mo wag ka mag alala hindi ako manggugulo" sabi niya.

"Sa café" maikling sagot ko.

"Tara samahan mo ako umakto ka lang na parang walang nangyare, mag papanggap ako na ako yung bago mong  boyfriend" nakangising sabi niya saakin.

Pumusok na kami sa loob ng café at hindi ko na nakita si jenny. Napansin kong nakatingin saakin si rosh. Bigla akong inakbayan ni lance. Nakita ko ang reaksyon ni rosh na para bang nabigla at hindi natuwa sa kanya nasaksihan.

Umupo na ako na umorder ng kape si lance. Nag lakad papalapit saakin si rosh at seryoso ang mukha.

"Sino yung kasama mo?" Tanong niya saakin na tila hindi natutuwa teka lang ano naman pakialam niya kung may kasama akong iba.

"Kaibigan ko bakit?" Sabi ko sa kanya.

"Kaibigan at manliligaw ni renz" sabat ni lance narinig niya pala yun.

Nilapag na ni lance ang dalawang kape sa lamisa.

"Sino ka ba pre?" Tanong ni lance tila nag aangas.

"Boyfriend ako ni renz" mabilisang sagot ni rosh.

"Ex boyfriend ko siya" sabat ko sa kanila.

Tumayo na ako para umalis  pero bigla akong hinalikan ni rosh. Tinulak ko siya.

"Ano bang problema mo rosh? Hindi pa ba sapat sayo ang salita ayaw ko na. Rosh naman masyado na akong nasaktan dahil sayo". Sabi ko sa kanya.

"Anong problema ko?!Ha?!Gusto mong malaman?! Ang problema yung nakikita kita na kasama mo yang lalake na yan. Bakit ito yung dahilan kaya ka nakipag hiwalay saakin?!" Sabi niya saakin na tila nanunumbat.

"Wow! Ang  kapal naman ng mukha mo para sabihing si lance ang dahilan para makipag hiwalay ako. Gago ka ba! Kaya ako nakipag hiwalay sayo dahil manloloko ka! Wala kang kwenta mahina ka para ipag palit ako dahil lang sa nagkukulang ako sa oras" sumbat ko sa kanya.

Umalis ako ng mabilis at sumakay ng kotse para makalayo ako kay rosh. Habang nagdadrive ay umiiyak ako. Hindi ko na alam kong saan ako pupunta dahil hindi ko na alam kung nasaan ako dahil hindi ko na ako kung saang daan na ang aking tinatahak.

Sa kalagitnaan ng aking pagmamaneho ay may nakita akong lalake na nakahiga sa kalsadang dadaanan ko. Bumaba ako ng kotse upang alamin kung buhay pa ba ang lalake.

Pag lapit ko sa lalake ay parang natutulog lang siya , kasing tangkad ko lang ang lalake at may konting hawig ito ng aking mukha.

Bigla siyang tumayo at tinutok saakin ang baril na kinuha niya galing sa kanyang likuran.

Akin na yung susi ng kotse mo! Sigaw saakin ng lalake.

Lalapit sana ako para kunin sa kanya ang baril ngunit bigo ako dahil pinutok niya ang baril saakin tiyan. Binigay ko nalang ang susi pag bigay ko ng susi ay bigla kong inagaw ang baril at tinapon sa malayo. Nag labas siya kaagad ng patalim. Tumakbo ako ng mabilis kahit tumutagas ang dugo saaking tiyan na tinatakpan ng aking kamay.

Sumakay siya ng kotse para habulin ako. Lumiko ako ng daan at tumago ako sa mga damohan. Ang bilis ng patakbo ng lalake at bigla itong sumalpok sa isang truck na may tangki na may nakalagay na flammable.

Pagsalpok niya ay tumagas ang laman ng tangke. Agad na nakababa at tumakbo papalayo ang driver ng truck. Maya maya pa ay sumabog ang kotse ko at abg flammable tank.

Lumabas na ako sa aking tinataguan. Sa tingin ko hindi na halos makikilala ang lalake na nasa kotse ko dahil sa pag sabog.

Habang nasa gilid ako ng daan ay nahihilo na ako dahil patuloy pa rin sa pag tagas ng dugo sa parting nabaril.

Nanlabo agad ang aking paningin at nawalan ako ng lakas kaya bumagsak ako.

"Renz! Wag ka mamamatay! Renz gumising ka" narinig kong salita bago ako tuloyang mawalan ng malay.

Sino kaya ang taong liligtas sa buhay ni Renz please comment your answer.

Maraming twist ang kwento na ito at sana support niyo yung story na ginawa ko.

Ano kaya ang magiging bagong yugto ng buhay ni Renz.

Kanino kaya magiging masaya ang puso ni Renz.

Abangan ang bawat Kabanata ng magiging kwento sa buhay ni Renz.

The Unexpected Loving You(COMPLETED)Where stories live. Discover now