26th Part

1.1K 37 11
                                    

Ziporrah Blake Soriano's Pov

"How's my future Engineer?" Sabi ko sabay lapag ng binili kong pagkain para sa kaniya.

Napahilamos naman siya sa mukha niya, dahil siguro sa ginagawa niya. Nandito kami sa balcony ng bahay nila. May mga ginagawa siyang schoolwork.

Maga-ala-una na 'di pa daw siya kumakain ng lunch kaya dinalhan ko na.

"Ok ka lang?" Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ko ang ulo niya.

"Need to recharge" sabi niya at bigla niya akong niyakap.

Ito na lang ang time namin para sa isa't-isa. Ang gumawa ng projects at homeworks nang magkasama. Busy na kasi kami pareho sa school dahil syempre college na kami.

4 years na kami. Akalain mo yun? Kinaya namin.

Nagulat ako nang bigla siyang humikbi. Hinawakan ko ang pisnge niya at hinarap sa akin. Pumikit siya ng mariin at doon tumulo ang luha niya. Pinunasan ko naman iyon gamit ang hinlalaki ko.

"Ok ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong ko. Tumango lang lang siya at isinubsob ulit ang mukha sa tiyan ko at humigpit pa lalo ang yakap niya.

"Is there something you want to talk about?" Tanong ko habang hinahaplos ang ulo niya at nakatingin sa malayo.

Naramdaman ko siyang umiling.

Kumalas na kami sa pagkayakap at umupo na ako.

"Kumain ka na ng lunch then rest." Sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

Umiling na naman siya.

"Zach, don't stress yourself too much."

Napabuntong hininga siya at nagsimula nang kumain.

"Na saan pala mga kapatid mo?" Tanong ko habang kumakain siya.

"I don't know. Sa kwarto nila?" Sabay kibit balikat niyang sabi.

~♡~

Someone's Pov

"Son" napatayo ako pagkapasok ni dad sa kwarto ko.

"Yes dad?" Seryosong sabi ko.

"We will be leaving the country next week"

Nanlumo ako sa narinig.

"Next week? Already?" Di makapaniwalang sabi ko.

"Don't worry. Everything's ready just pack your things." Sabi ni dad at sumandal sa pinto ng kwarto ko.

"What about her? Should I tell her 'bout thi-"

"No! I already told you. I don't want her to know about this. What if she only likes you kasi mayaman tayo? Hmm?"

"Dad, she's not like that!" I defend.

"Really?" Nagcross-arm siya. "Then kung talagang mahal ka niya kung sino ka talaga, dapat 'di niya malaman ang tungkol sa pag-alis mo ng bansa."

Pa'no yon?

"What?" Halos pabulong na sabi ko.

"I want her to hate you. Then pagbalik mo let's see kung mahal ka talaga niya."

"And what if I didn't do what you want me to do?" Tinaas ko ang isa kong kilay.

"You can only pick one, son. It's either that girl or our company."

It's simple I choose my girl but....

"But if you choose that girl over our company, all your connection from our family and relatives will be cut."

Napapikit ako sa kundisyon na sinabi niya. Di na niya ako hinintay magsalita at umalis na doon.

I know my dad very well. Pag sinabi niya ay kayang-kaya niyang gawin dahil sa pera niya.

'Di naman pwedeng dumepende ako sa girlfriend pag pinili ko siya. Isa pa mawawala ang mga pag-aari ko pag tinalikuran ko ang kumpanya. Kayang-kaya ni dad kuni lahat ng pera niya sa akin, dahil 'di ko naman pera yon dahil pinagtatrabahuan niya iyon.

Walang pami-pamilya pag dating sa pera niya.

I'm so sorry my love. I'm going to do this for our future.

Pag hawak ko na ang kumpanya, babalikan kita, ako mismo ang bubuhay sa ating dalawa.

I promise, I'll come back for you.

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now