27th Part

781 26 0
                                    

Ziporrah Blake Soriano's Pov

Papunta na ako sa AVR, kung saan sabi ni Zach doon daw kami magkita. Weird right? Like pwede naman sa canteen or sa classroom. Bakit sa AVR pa??

Paliko na ako papuntang AVR nang hinarang ako nila kuya Carlos at Philip.

"Bakit?" Nakangiting tanong ko sa kanila.

Pinagpapawisan sila at hindi mapakali.

"A..ano. san ka pupunta? Ha ha!" Sabi ni kuya Carlos.

"Sa AVR bakit?" Tinitigan nila ako at ilang beses silang lumunok. "Excuse me" dadaan na sana ako sa gilid nang harangin na naman nila.

"Zi! Ano kase! Ano... aray! Aray! Yung pulsuhan ko kase masakit!" Sabi ni kuya Philip. Natawa naman ako sa pag-arte niya.

"Ok fine! You're funny na, padaan lang kasi kikitain ko pa si Zach eh" sabay ngiti ko sa kanila.

Di na ako nag patinag at dumaan na with all my power.

"Zi wait! Sandali-" di na nila natapos ang sasabihin nila nang mabuksan ko na ang pinto ng AVR.

"Zach!" Ang kaninang nakangiti kong mga labi ay nawala dahil sa nakita.

Halos mamanhid ang buong katawan ko sa nakikita ng mata ko.

"Zach?" Naluluha na ang mata ko.

He's making out with someone else

Nang makita niya ako ay blanko lang ang mukha niya at walang expresion. Binulungan niya ang babaeng ka-make-out niya at lumabas ang babae sa AVR. Tinignan ko ang babae.

Maganda, maputi, makinis, balingkinitan ang katawan, matangkad.

Natawa ako sa sarili. Walang-wala ako.

Pairap ko siyang tinignan. Blanko pa rin ang mukha niya. Naka-upo siya sa lamesa.

Nanginhinig ang kamay kong inabot ang mga mata ko para punasan ang mga luha ko.

"Zach pa'no?" Kalmadong tanong ko.

Di siya sumagot at lumingon siya sa gilid niya.

"Zach? Akala ko ba ako lang ha?" Di niya pa rin ako sinasagot.

"Babe, nag tiwala ako. Pa'no mo naman 'to nagawa oh!" Iyak ko sa kaniya.

"Zach pa'no mo 'to nagawa!?" Hagulgol ko.

Tinignan niya na ako pero ganoon pa din, walang ekspresiyon.

"You know what? I just realized na my dad's right." Nag smirk siya.

Natigil ako sa pag hikbi ko.

"Dahil ba sa dad mo? Pinag hihiwalay niya ba tayo? It's ok! I can wait! Pero wag naman ganto oh!" Hagulgol ko ulit.

How the heck could you do this to me.

Napaupo ako habang umiiyak.

"I'm sorry but you don't desrve me. You desrve so much better than me."

Umalis siya sa harap ko at iniwan akong umiiyak.

Ilang minuto na ang lumipas tulala na ako pero nandoon pa rin ako naka-upo at di ko na maramdaman ang katawan ko. Hikbi lang ako ng hikbi.

"Zi! Zi!" Rinig kong sigaw bago ako mawalan ng malay.

~♡~

Nagising na ako at pagdilat ko mukhang na sa clinic ako.

Ba't ako nandito?

Dumilat ako nang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina.

Kinagat ko ang labi ko at hinawakan ko ang noo ko sabay pikit.

Grabe. Ganto pala feeling ng mabroken. Nakakatawa ka selp. Naaawa ako sayo at the same time.

"Ok ka na?"

Nagulat ako sa nag salita.

"W..warren? Ba't ka nandito?" Gulantang na tanong ko.

May hawak siyang mineral water na na sa bote. Umupo siya sa upuang katabi ng kama.

"Kanina hindi. Ngayon medyo ok na" nakangiti kong sabi.

"Namamaga mata mo oh! Ano bang ginagawa mo sa AVR?" Tanong niya habang nakatingin sa magang mata ko.

Hindi mo pala alam.

Binigay niya ang tubig na hawak niya.

"Wal na kami ni Zach" ngumiti ako pero di ko rin mapigilang umiyak.

Hayst. Di ba nauubos ang luha ko?

"Ano?!" Gulat niya. "Kaya ka nandoon?" Kunot noo niyang sabi.

Marahan akong tumango.

"Bakit daw?"

Nagkibit-balikat ako.

"I saw him making out with someone else." Sabi ko sabay inom ng tubig.

I laughed sarcastically.

Tatayo na sana siya para lumabas ng clinic pero tunawag ko siya.

"Warren" tawag ko sa kaniya habang nakatulala sa sahig.

Umupo ulit siya sa tabi kong upuan.

"I didn't know na ganto pala kasakit." Nakangiti kong sabi saka tumawa.

Tinignan ko siya. I can see in his eyes na nag-aalala siya. Hinawakan ko ang pisnge niya.

"Bakit 'di na lang ikaw ang minahal ko? 'Di sana ganto kasakit ngayon"

Warren Oliver Madrid's Pov

"Bakit 'di na lang ikaw ang minahal ko? 'Di sana ganto kasakit ngayon"

Gago ka talaga Zach.

Pano mo nagawa 'to kay Zi.

Lumabas ako ng clinic at agad na hinanap si Zach.

Paglabas ko ng building nakita ko sila Carlos. Agad akong lumapit at kinuwelyuhan si Philip.

"Na saan si Zach?" Madiin na tanong ko.

Hinawakan naman ako ni Carlos para awatin.

"Na sa gym"

Nang marinig ko iyon pumunta agad ako ng gym. Naka sunod naman sa akin sila Carlos.

Pagpasok namin ay bumungad agad sa paningin ko si Zach may katabing ibang lalaki. Pumunta ako sa harap ni Zach. Tulala lang si Zach at naka yakap sa kaniya yung babae. Tinignan ko ng masama yung babae at saka naman ito umalis.

Hinila ko si Zach patayo at hinawakan sa kwelyo.

"Anong pumasok sa kukote mo at nagawa mong mambabae? Hah?!" Tumawa lang siya at tinignan ako.

"Di ka pa ba na sanay?" Nakangising sabi niya.

Di ko na napigilan at sinuntok ko na siya sa mukha dahilan ng pag tumba niya. Hinawkan ako sa braso ni Philip at tinulungan naman ni Carlos si Zach makatayo.

"T*ngna Zach! May girlfriend ka oh!"

"Warren wala kang alam kaya manahimik ka na lang!" Sigaw niya pabalik.

"Walang alam? Ang alam ko sinasaktan mo ngayon si Zi" madiin na sabi ko.

"May dahilan lahat ng ginagawa ko, ok?! Wala kayong alam." Umalis siya at iniwan kami dito.






If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now