Ang iba naman ay tila natuluan ng hot sauce ang kanilang mga mata ng makitang ang kasama nito ay si Darlene.

Magugunaw na ba ang mundo at ang tila anghel na si Darlene ay kasama ng lalakeng halimaw?

Ano bang pumasok sa isip ng babae at kinakausap niya ito? Hindi ba ito natatakot na baka may mangyaring masama sakanya? Baka anong gawin sakanya ng lalake?

Pumito ang referee, hudyat na tapos na ang time-out at magsisimula na muli ang laban.

Habang naglalakad ay tumingin sa itaas si Daniel at doon nakita nito si Darlene habang hinahaplos na parang bata ang ulo ng bagong estyudante. Unti-unting nawala ang ngiti nito at seryosong nakatitig sa dalawa bago ito tumakbo at naglaro.

____________________

“Darlene?” Inosenteng tawag ni Al ngunit wala itong nakita sa locker area. Napansin nitong nakabukas ang locker ng kaibigan at nakitang nasa sahig ang librong dapat ay kukunin nito para sa susunod na subject.

Pinulot nito ang nasabing libro at duon nakita nito ang isang papel. Binasa nito ang nakasulat sa papel at saka ito nilukot at tumakbo.

Kung ayaw mong may masamang mangyari sa babaeng hinahanap mo, pumunta ka sa rooftop bago matapos ang klase.

 

***Itutuloy***

Joke.

____________________

Unti-unting bumukas ang mga mapupungay na mata ni Darlene.

“Ah, nagising na siya.” Wika ng lalaking kalbo.

Umupo si Darlene at napansing nakatali ang mga kamay at paa niya. Anong nangyayari? She blinked to see everything clearly and noticed that she’s on the rooftop.

“Kamusta ang tulog mo?” Tanong ng lalaking nakaupo sa harapan niya.

Tumingin ito sa lalaki at nakita ang iba pang mga estyudanteng nakatayo sa likuran niya. Isang gang. Dinukot siya ng isang gang. The hell? Bakit naman dudukutin siya ng mga delinkwenteng estyudante? May nagawa ba siyang kasalanan sakanila?

“Uhm,.. pwede bang pakitanggal ang tali sa kamay ko?”

Tumawa ang lalake. “Nagbibiro ka ba?” Tanong nito bago muling naging seryoso ang expression niya. “Okay.” Wika nito. “Pakitanggal ang tali sa kamay niya.”

| ; ˚ –˚|

 

Sinunod naman siya ng mga kasama niya.

“So,… uhm,.. bakit ako nandito?” Tanong ni Darlene matapos kalasin ang tali sa kamay at paa niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Red StringWhere stories live. Discover now