Namutla naman si Dean at iniwasan nalang tumingin sa kaibigan, nagpapanggap na wala siyang narinig.
“Oh ayan may sumigaw na ng pangalan mo.” Sabi naman ng isa nyang teammate sabay tawa.
Nagbuntong hininga na lamang ito.
Naagaw ni Daniel ang bola sa kalaban at mabilis na tumakbo papunta sa kanilang court. Lahat ay nasa likod nito lalo na ang kalabang team na pilit na humahabol. Ngunit kahit anong pilit nila ay hindi parin nila ito maabutan. Sa buong team kasi ay ito ang pinakamabilis.
Matangkad, mabilis, shooter. Siya ang ace player ng team at siya rin madalas ang gumagawa ng puntos.
Nang makalapit ito sa basket ay tumalon ito at saka idinakdak ang bola.
Bam.
Isang slam dunk.
Sigawan ang lahat ng nanunuod lalo na ang mga fans nito.
“Kyaaaaa! Papa Daniel you’re the best!”
ヽ\(≧∇≦)/\(≧∇≦)/
Nagtime-out ang kalabang team.
“Nice shot.” Puri ng kanilang captain at tsaka tinapik ang likod nito.
Habang seryosong umiinom ng tubig si Daniel, si Dean naman ay nakatingin sa kinauupuan ng mga kaibigan.
‘Kahit na laging si Daniel ang bida, ayos lang kasi nanunuod naman si Darlene.’
( o ̄∇ ̄o)
( ⊙_⊙)
Tila lalo itong nawalan ng ganang maglaro ng makita si Darlene na hindi nakatingin sa court at busy-ng pinupunasan ang bibig ng katabi na si Al.
‘Darlene~~~ (ToT) ’
“Para ka palang bata kung kumain ng icecream.” Tawa ni Darlene habang pinupunasan ang bibig ng katabi.
“Ang sarap kasi. Gusto ko pa. ( ≧ ω ≦ )”
Kitang-kita ang barkada nila mula sa court dahil lahat ng estyudante ay nakaupo malayo sakanila. Walang may ibig na tumabi kay Al at ang mga pinakamalapit na estyudante sakanya ay namumutla parin kahit ilang metro na ang layo ng mga ito.
YOU ARE READING
Red String
Teen FictionSabi nila, lahat daw ng tao ay may nakatadhang kapareha para sakanila na balang araw ay maari nilang makilala at makatuluyan. Ngunit paano mo malalaman kung siya na nga ang nakatadhana para sa iyo? Ito ba ay may mga signs? Paano kung nagmahal ka per...
Chapter 3
Start from the beginning
