Darlene.
Tumingin sa kanya ang babae. “Al,..” (。 טּ_טּ 。) Tila nanghihina at ilang na tawag nito. Mangiyak-ngiyak ito at halatang gustong-gusto nang umalis sa lugar. Ngunit dahil puno ng tao ang tinatayuang lugar ay hindi makaalis ang babae.
Hindi ba niya kaibigan ang mga ito? Bakit tila ayaw nyang makipag-usap sakanila? Aaminin nyang medyo naiinis siya dahil tila kinukuha nila ang atensiyon ng kaibigang babae and they kind of annoyed him but, for some reason, he envies her. Ang daming taong gustong makipagkaibigan sakanya. Ang daming taong lumalapit at kumakausap sakanya. Sana ay siya rin, magkaroon ng mga kaibigan.
“Ano bang sinasabi mo? Di ba magkaibigan na tayo?”
Ah tama, may kaibigan na siya. Ang una niyang kaibigan. Ang unang babaeng hindi man lamang siya iniwasan o kinatakutan.
“Darlene, halika na.”
Tumingin ang lahat sa nagsalitang lalake at namutla. Tila may dumaang anghel at natahimik ang paligid. Lahat nakatitig kay Al, hindi makakilos na parang naka-glue ang mga paa sa sahig.
Kinuha ni Al ang kamay ng babae and dragged her away from the crowd.
Lahat ng naiwang estyudante ay walang nagawa kundi tumitig sa dalawa habang papalayo.
“Thank you.” Mahinang wika ng babae habang hatak-hatak parin ng kaklase.
Isang seryosong ngiti naman ang gumuhit sa labi ng lalake habang hinahatak papunta sa classroom ang una nitong kaibigan.
____________________
“Kyaaaaa! Go Daniel! Go Daniel! Go Daniel! Kyaaaaa ang gwapo gwapo mo!” Tili ng mga babaeng nanunuod ng basketball.
“We love you Daniel!”
ヽ\(≧∇≦)/\(≧∇≦)/
May practice game kasi ang basketball team nila at team ng kabilang eskwelahan. Sa school din nila ito ginanap kaya maraming estyudante sakanila ang nanunuod ngayon ng laban. Syempre, karamihan dito ay ang mga fans at kaibigan ni Daniel.
“Pff. Bakit ba puro nalang Daniel ang sinisigaw nila? Nandito naman ako.” (⊂•⊃_⊂•⊃)
“Ayos lang yan. Galingan mo nalang.” Sabi ng team captain.
“Kahit isang sigaw lang ng pangalan ko,..”
“Dean! Pag hindi mo ginalingan, puputulin ko paa mo!!!” Sigaw ni, sino pa ba? Sigaw ni Marianne.
BINABASA MO ANG
Red String
Teen FictionSabi nila, lahat daw ng tao ay may nakatadhang kapareha para sakanila na balang araw ay maari nilang makilala at makatuluyan. Ngunit paano mo malalaman kung siya na nga ang nakatadhana para sa iyo? Ito ba ay may mga signs? Paano kung nagmahal ka per...
Chapter 3
Magsimula sa umpisa
