Nagbuntong hininga si Gino at walang nagawa kundi magpatuloy sa pagkain.

“Kyaaaa!!! Kinain ni my loves yung bigay kong brownies!” Kilig na kilig na sigaw ni Blue at tsaka nagtatalon, hawak hawak parin ang kanyang pink na binoculars.

( ≧ ∇ ≦ ) /

Napatingin si Al kay Blue. Ang iba naman ay patuloy parin sa kanilang pagkain at tila sanay na sila sa ganitong pagkilos ng kaibigan.

Darlene giggled. “Ganyan talaga si Blue, masanay ka na sakanya. Dakilang stalker kasi siya ni Miko Asuncion.”

Tumango si Al.

“Admirer. Hindi Stalker.” Blue corrected and then nagpatuloy sa kanyang hobby- ang pagtingin kay Miko her loves mula sa malayo gamit ang kanyang pink na binoculars.

Tumawa lang si Darlene.

Pansamantalang tumingin ng seryoso si Al sa magkakaibigan.

Nagtatawanan. Nagbibiruan. Nakangiti. Nagaasaran. Pero masaya parin.

“Ganito pala pag kumakain ang magkakaibigan.” Seryosong wika nito. Tumingin naman si Darlene sakanya. “Sana,.. ako rin,.. magkaroon ng kaibigan.”

Muling hinawakan ni Darlene ang ulo nito. Ang magulong buhok ay tila lalo pang nagulo ngunit tila walang pakialam dito ang lalake at tanging tumitig lamang sa kanyang kaklase.

“Ano bang sinasabi mo? Di ba magkaibigan na tayo?” Tanong ni Darlene at tsaka ngumiti.

Tila namang tinamaan ng kidlat si Al at wala itong magawa kung hindi tumitig sa babae.

“Hahaha.” Isang tawa ang narinig nito mula sa babaeng may maikling buhok, Leila ang tawag nila dito. “Tama nga si Darlene, kakaiba ka nga. Hindi mo pa ba nahahalata? Kasama ka na sa tropa.”

(  ˚  Д ˚) “Ha?!” Tanong ni Dean. Pinalo ni Marianne ng nakatiklop na pamaypay sa ulo si Dean. “Aray! Nakakarami ka na ha! Akala mo kung-“

Isang masamang tingin ang ibinigay nito kay Dean. (►_◄) “May problema?”

“A-akala mo ba hindi masakit yon. ( ب _ ب )Ang sakit mo kaya manghampas.” Iyak nalamang nito.

Habang ang lahat ay masayang nagaasaran, kumakain at nag-uusap, isa sakanila ang seryosong nakatitig sa lalaking kinakatakutan ng lahat. Tahimik nitong pinagmamasdan habang kumakain ang bawat kilos ng lalaki lalo na tuwing kausap nito si Darlene.

____________________

“Gooooood moooorning, Darlene. ω” Bati ni Al.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Red StringWhere stories live. Discover now