Fried chicken na baon ni Darlene.
Fried chicken ni Darlene na kahit kelan hindi niya natikman.
‘Kahit na take-out lang yon gusto ko pa ding matikman yon!’
Pero hindi iyon ang point.
“Alam mo naman kung gaanong nakakatakot si Halimaw eh.”
Then, he saw Darlene giggling.
(-_- )
Pambihirang babae to, seryosong seryoso siya tapos tatawanan lang siya. Ganito ba talaga kahirap kausapin ang mga babae?
“Daniel! (TT_TT) ” Tawag nito.
Tumingin ang tinawag na lalake sakanya.
Nginitian lang siya ng loko.
Nagbuntong hininga ito.
Hinawakan ni Darlene ang balikat nito.
Namula ang muka niya.
“Wag kang magalala, mabait si Al promise.” Sabi ni Darlene. “Actually, I think magkakasundo kayo.”
What?
Magkakasudo?
Nagbibiro ba siya?
“Nagbibiro ka ba?”
Muling tumawa ang babae.
“Tara na kumain nalang tayo. Haha.”
Muling umupo ang dalawa sa dati nilang lugar kung saan naroroon ang mga kaibigan nila.
“Darlene gusto mo ng barbeque chicken ko? Masarap. ( ^ ω ^ ) ” Tanong ni Al.
Umiling ng nakangiti ang nabanggit na babae. “Okay lang sige kainin mo na yan, busog na ko eh.”
“Okay. :3”
Ngumiti si Darlene at hinaplos ang ulo ni Al ng parang bata.
(○^ω^○)
Tumingin si Gino kay Dean.
Umiling si Dean.
YOU ARE READING
Red String
Teen FictionSabi nila, lahat daw ng tao ay may nakatadhang kapareha para sakanila na balang araw ay maari nilang makilala at makatuluyan. Ngunit paano mo malalaman kung siya na nga ang nakatadhana para sa iyo? Ito ba ay may mga signs? Paano kung nagmahal ka per...
Chapter 3
Start from the beginning
