Prente akong umupo sa aking swivel chair. Ipinahinga ko ang magkabila kong braso sa armrest nito. Nanatiling nakatayo sa aking harapan si Sera. Tulala pa din.

"My bad. Take your seat Ms. Serrano" nakangising alok ko sa kanya ng upuan sa harapan ng aking table.

Naglapat ang kanyang mga labi. She is so tensed but still manage to go on. "Tao akong pumunta dito Kenzo. Wag mo sanang gamitin laban sa akin yung..." hindi ko na siya hinayaan pang mapatapos ang sasabihin niya.

The hell.

Muli akong napangisi, nagtaas ako ng kilay. "Tao din kitang tinanggap, hindi ko na kasalanan if you feel uncomfortable with my presence. Baka guilty ka, i have nothing to do with that" laban ko pa aa kanya kaya naman mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Tumaas ang gilid ng aking labi. Nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata.

"And Our past has nothing to do with this. Naka move on na ako Ms. Serrano sana ikaw din" mapangasar na sabi ko bago siya tinaasan ng kilay. Nanginig ang kanyang kamaong nakapatong sa aking lamesa.

Napadila ako sa aking labi para basain iyon ng makita ko ang marahas niyang pagpunas sa tumulong luha. Inalis niya ang tingin sa akin at tsala muling itinuon ang pansin sa folder na hawak.

"Gusto sana naming makuha ang endorsement mo para sa aming bagong product" muling paguumpisa niya ng makabawi at tsaka iniabot sa akin ang folder na may list ng mga bagong gamot.

Sandali ko lamang iyong tiningnan. Mulinh lumipat ang tingin ko sa kanya galing sa folder. Tamad niya akong tiningnan.

"What?" mataray na tanong niya sa akin.

Napangisi ako. "Wag ako ng tingnan mo Kenzo, hindi ako ang gamot" paalala pa niya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay bago ko mabilis na isinara ang folder na ibinigay niya. Marahan ko iyong inilapag sa mesa at tsaka itinulak pabalik sa kanya.

Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Ngumuwi ako. "Hindi ko nagustuhan, pasencya na Ms. Serrano" sabi ko sabay tingin ulit sa aking laptop. Kita aa gilid ng aking mga mata ang pagkabato niya.

Hindi ko napigilang tingnan niya. Nangingilid ang panibagong luha sa kanyang mga mata. "You are our last resort" paos na sambit niya. Nawala ang lahat ng tapang na mayroon siya kanina. Lumabas ang tunay na Sera, mahina.

Nagtaas ako ng kilay. Muli akong napaayos ng upo sa aking swivel chair. Prente kong isinandal ang likod ko duon. "Hindi lang naman ako ang Doctor sa Pilipinas, madami pang Hospital. I wish you luck" kunwaring concern na sabi ko pa sa kanya.

Tiningnan niya ako. "Please review it again. Basahin mong mabuti" pakiusap niya. Napatingin ako sa suot kong orasan. Kita ko ang pagsunod niya ng tingin duon.

"I have a lot of meetings today" pagsisinungaling ko.

Muli siyang nataranta, ngunit nagkaroon ng pagasa sa kanyang mukha. "I Can wait kung anong oras ka matapos. Para mareview mo ulit yung product namin" pagprepresinta niya. Mariin kong pinagaralan ang kanyang mga galaw. She is desperate na makuha ang endorsement ko.

"Well then, ikaw ang bahala Ms. Serrano" nakataas ang aking kilay.

Kaagad napako ang tingin ko sa kanya habang nagpapalaam siya sa akin na babalik muna siya labas para duon maghintay. Sa sobrang pagkataranta ay naihulog pa niya ang ilang folder sa sahig. Napailing na lamang ako nang tuluyang sumara ang pintuan.

"Fuck" habol hiningang asik ko ng marealize kong halos hindi ako makahinga ng maayos habang kausap ko siya kanina.

Ilang oras pa akong naglagi sa loob ng aking clinic bago kumatok si Linda. "Doc papadalhan ko po kayo ng Lunch galing sa canteen or mag order po ako?" tanong niya sa akin na ikinabigla ko kaya naman muli akong napatingin sa aking suot na orasan at nakitang alas dose na. 

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن