Halos maghahating gabi na pero hindi parin ako makatulog dahil iniisip ko parin ang nangyari kanina. Sino ba yun?, ang gwapo ha! tsaka napaka puti!. dapat malaman ko ang pangalan ng lalakeng night and shining armor ko! . Nagtatrabaho din kaya siya dito?, dapat ko siyang pasalamatan dahil sa pagliligtas niya saakin kanina.
"Ano ba fatima matulog ka na nga." suway saakin ni mama habang kinakamot pa ang ulo niya at inaantok na ang mga mata.
KINAUMAGAHAN kahit na ayaw ko munang gumising dahil inaantok pa ako ay wala rin akong magagawa dahil kailangan namin ni mama na maglinis kong hindi, nako! baka hampasin pa ako ni manang selya ng tungod niya, alam niyo naman yun parating galit.
"sige na anak pumunta ka na sa garden para maaga kang matapos sa paglilinis doon" nakangiting sabi ni mama saakin. Agad naman akong nagtungo doon at nagsimula nang magwalis, pero habang nagwawalis ako doon ay biglang sumulpot si manang selya, nagulat pa nga ako dahil sa expresyon niya na parating magkadugtong ang dalawang kilay.
"m-manang selya, magandang umaga po" nakangiting bati ko kay manang selya paraa naman noh matutunan niyang ngumiti ngiti paminsan minsan. Chos
"bakit nandito ka? dapat inaasikaso mo na si sir ethan!" halos mabingi naman ako nang sabihin ni manang selya saakin yun. Magkalapit lang kaya kami noh!. Parang nabasag ata ear drum ko dun ah. Habang chinecheck ko ang tenga ko, nagsalita na naman si manang selya.
"Ano ba kilos na! K
pumunta ka na sa kwarto ni sir ethan. Maglinis ka rin doon kasi sigurado ako magulo na ang kwarto ng batang iyon."
"Dumating na po pala si sir ethan, bakit d ko po siya nakita kahapon?" D man lang ako na-inform na nandito na pala alaga ko.
"wag ka nang magtanong pa. Asikasihun mo na ang senorito." hindi na ako nagsalita pa at agad nalang na pumunta patungo sa kwarto ni sir ethan. Cute kaya ang alaga ko? Mabait kaya siya? sana naman mabait ang bata na aalagaaan ko, kasi naman nakikita ko sa tv na masusungit ang mga anak mayaman.
kumatok ako sa pinto ng kwarto ni senorito ethan, pero halos nakatatlong katok ako pero wala paring bumubukas ng pinto. Tulog pa siguro ang senorito. Nung nalaman ko na open naman pala ang door knob ay pumasok nalang ako.
"jusko ano bang nangyari dito bakit ganito kagulo?, parang dinaanan ng bagyo ang kwartong toh." napakalat ng kwarto ng batang ito, ang daming libro, magazine, pop corn, junk foods, at soft drinks na nakakalat sa sahig.
"what are you doing here?" napalingon naman ako dahil sa boses na narinig ko. halos lumuwa naaman ako ng makita kong sino ang nagsalita na yun.
mahabaging langit!
agad kong iniwas ang aking tingin dahil nakasuot lang siya ngayun ng tuwalya pang-ibaba!. Siya yung lalake na nagligtas saakin sa pool! teka lang bakit nandito siya? anong ginagawa niya sa kwarto ni senorito. Napakakapal naman niya noh! dito pa siya natulog!. Pero baka magkaibigan sila ni senorito.
"dika ba magsasalita?. Bingi ka ba?!" huh! grabe sinisigawan niya pa ko ha! wala siyang karapatan naa sigawan ako dahil d ko siya amo noh! kapal naman ng mukha ng lalakeng toh! agad akong humaraap sa feelingerong toh!
"excu---" napatalikod naman ako kaagad ng maalalang wala ngaa pala siyang isuot na pang itaas!. jusko naman nakapanghi-hina naman kong makakakita ako ng ganyang katawan.
"ano ba?! bakit parati mo nalang ako tinatalikuran" seryoso niyang tugon. eh kasi naman e, magdamit din kaya siya noh para makaharap na ako sa kanya.
"magdamit ka kaya noh! bago ako humarap sayo" reklamo ko sa kanya. Akala niya siguro natatakot ako sa kanya at okay lang na sigaw sigawan niya ako, huh! no way dimagiba yata apilyedo ko!.
YOU ARE READING
Dear, Cold Blooded Boss
Teen Fiction🖤 Will a cold hearted boss can turn into a soft hearted one?
