Ikaapat na Yugto

459 110 355
                                    

Dedikasyong laan kay:
ecwrenn

PINIPIGILAN ko ang sarili ko mula sa pagtakbo pero kahit anong pagpupumilit ang gawin ko ay hindi ko talaga magawa. Parang may ibang kumokontrol sa mga paa ko na everytime na sasalungatin ko ay nanghihina lang ako.

Nilalamon na ng dilim ang buong kalangitan at parang bumibilis pa ang takbo ng orasan. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin ngayon at wala muna akong balak alamin 'yon dahil ang gusto ko lang ay makabalik na sa bus namin.

Basang-basa na rin ako dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan. Nadagdagan pa ang lamig na nararamdaman ko nang umihip ang malayelong hangin. Hindi ko man lang nabalitaan na uulan pala ng ganitong katindi.

Baka hinahanap na ako nina Celine, sigurado akong nag-aalala na silang lahat sa akin. Imbes na nag-e-enjoy sila ngayon ay baka mamroblema pa sila nang dahil lang sa akin!

Gustong-gusto ko nang tumakbo palabas ng Fort Santiagong ito pero ayaw talaga sumunod ng katawan ko.

Hawak-hawak ko ang susing nakuha ko doon sa guard pero hindi ko alam kung bakit ko ito kinuha! Nababaliw na talaga yata ako! Hindi na normal 'to!

Kahit ang pagpili ko pa sa susing gagamitin pangbukas sa gate ay hindi ko alam kung paano ko nalaman.

Bago ako pumasok ay sinilip ko ang walang malay na guard hanggang sa mahagip ng tingin ko ang mga poste ng ilaw na nakatayo. "N-nasaan yung mga puno kanina?!"

Sigurado akong maraming mga puno doon! Saan napunta ang mga 'yon?!

Hindi ko na nasundan iyon nang humakbang na ako pababa sa isang makipot na hagdanang gawa sa bato.

Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko ang maliit na pasilyong aking nilalakaran. Napakainit dito sa loob at pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hangin.

Wala man lang kabinta-bintana at puro nakasinding gasera pa ang nakasabit sa bawat sementong dingding. Mabilis nagsilabasan ang pawis ko sa katawan.

Nagtatakha lang ako kung bakit parang alam na alam ko kung saan dapat ako pumunta kung gayong wala naman akong natatandaang nakaapak na ako dito. Noong huling pasyal namin dito nina Mama, hindi pa naman bukas ang Dungeons na ito para sa mga turista.

Nanlaki ang aking mga mata nang bigla akong makakita ng dalawang lalaki na naka-armadong uniporme. Kapwa sila may suot na patatsulok na sumbrero habang nakatayo sa magkabilang gilid ng panibagong hagdanan.

Napakatikas ng kanilang mga tayo at pareho silang may kapit na napakahabang baril sa kanang kamay nila.

Saglit akong nabuhayan ng pag-asa dahil naisip kong may guard na akong mahihingan ng tulong para makabalik sa bus namin pero bigla kong naalala ang ginawa sa akin ng isang gwardiya.

"B-baka pagalitan lang din nila ako.." nag-alala kong bulong habang pinagkikiskisan ang mga daliri ko.

Napapikit ako ng mariin. "Pero pwede ko namang sabihin ang totoo! Na wala akong binabalak na mali at magpapatulong lang ako sa kanilang makabalik sa bus namin." dugtong ko. Minulat ko ang aking mga mata at tumango. "Tama.."

Wala dapat akong ipagalala dahil wala naman talaga akong ginawang masama para pagalitan nila!

Huminga ako ng malalim at tatakbo na sana ako papunta sa kanila nang bigla akong mapatigil. Nanlaki ang mga mata ko at tila dumikit ang aking mga paa sa sahig.

Blanco Carnation [Mus-alonlymAward20]Where stories live. Discover now