-12- Claiming What's Not Hers

85.1K 2.2K 135
                                    

***12***

"Ano na naman ba ang pumasok sa isip mo at pinapunta mo dito si Blue, Yasmin?" 

Uminit ang ulo ko sa ginawa niya. Una, dahil akala ko ay okay na silang dalawa ni Carlene--- na wala na siyang gagawin na ikakasama ng loob nito. Pangalawa, dahil hindi man lang niya ako sinabihan na iimbitahin niya ang lalaking yan gayung hindi naman namin ito sarili bahay. Nakakahiya sa may-ari. At pangatlo, naiinis ako sa presensya ng lalaking iyon dahil inaabuso niya ang pagkagusto sa kanya ni Yasmin para lang makuha ang gusto niya. 

Guess I have to control myself not to tell him to grow up his own balls. Dammit.

"Problema mo ba? Ako na nga itong nagmamaganda--- este, nagmamagandang loob tapos papagalitan mo pa ako? At aray ha! Ang sakit ng hila mo sa akin."

Hinila ko kaagad si Yasmin dito sa kitchen noong pagkapatuloy na pagkapatuloy niya kay Blue sa living room. I didn't give a darn even Carlene was left with him there. Basta ang unang pumasok sa isip ko ay kausapin ang may pasimuno nito.

"Yasmin--"

"Ano? Oo na. Kasalanan ko na, 'tol. For the sake of Christmas, nagiging mabuting kaibigan lang ako kay Carlene. Masyado akong naging hard sa kanya kaya naisip kong pagbatiin nalang sila. Okay na ba 'yung paliwanag ko?"

Umiwas ako ng tingin at napailing nalang sa inis. Inis dahil hindi ko talaga kayang masabayan ang takbo ng utak niya. Akala ko ba matalino siya pero bakit baluktot yata ang mga plano niya?

I pulled a chair for myself and sat on it. "Ewan ko sa'yo. 'Wag mo nang uulitin ito."

Umupo rin siya sa tabi ko at nangalumbaba rin. "Aba, hindi na talaga. Once na nagkabati na sila, after Christmas, i-pupush ko na ulit yung agenda ko."

Tinignan ko siya nang nagtataka. "Agenda?"

"Oo, agenda ko."

"At ano 'yon?"

Ngumisi siya--- isang ngising alam mong may binabalak na naman siyang baluktot na plano. "Kailangan kong magpaka-goodshot kina Blue at Carlene. Para naman tulungan ako ni Carlene kay Blue, at para naman magustuhan din ako ni Blue. Oh, diba?"

I mentally frowned at her idea. Ano ba talaga ang nagustuhan niya kay Blue at nagkandabaliw-baliw na siya sa lalaking 'yon?

"Ano, ayos diba? Naisip ko kasi na kailangan dapat na 'one step at a time' lang. Kumbaga, 'slowly but surely'." She said it with her dreamy eyes.

Napa-'tsk' nalang ako't napailing ng ulo. Habang abala siya sa pag-iisip kung pa'no niya mapapaibig si Blue, ako naman 'tong nag-iisip kung pa'no siya magigising sa kahibangan niya.

"Tara na nga! Puntahan na natin ang dalawa sa labas," yaya niya pero mabilis ko siyang pinigilan sa balikat. "Oh, bakit?"

"Let them talk. Sabi mo, gusto mo silang magkaayos. Edi hayaan muna natin silang dalawa roon." Tumayo ako at pumunta sa kitchen counter. Nararamdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. "Dito muna tayo. May dinner na ba?"

"Wala pa. Magluluto ka?"

"Hindi ako marunong magluto."

I heard her soft chuckle that made me look back at her. Tumayo siya at tinabihan ako sa kitchen counter. "'Di ka pa pwedeng mag-asawa. Hindi ka marunong magluto e."

""Yon ba ang batayan sa pag-aasawa?" tanong ko.

Umiling naman siya at medyo natawa pa. "Hindi, pero 'yon ang unang dapat mong matutunan. Nga pala, hindi na natin kailangang magluto. Dadalhan daw tayo nina Yaya Ana mamaya ng pagkain."

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon