🌹Chapter 7🌹

974 21 0
                                    

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Arcie sa kasintahan.

Kasalukuyang nasa terrace ng kanilang silid sina Marcuz at Arcie. Bitbit ng lalaki ang isang baso ng whiskey. Lumingon siya kay Arcie na kasalukuyang nakayakap sa kanya mula sa likod.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Marcuz. "Mauna ka na mahal. Taposin ko lang 'to," aniya habang tinaas ang bitbit na baso. Tumango lamang si Arcie at ginawaran ng halik sa labi ang kasintahan.

"Good night!"

"Good night!" saad ni Marcuz.

Nang makapasok si Arcie sa kanilang silid binalik ni Marcuz ang tingin sa paligid ng subdivision. Nasagi sa kanyang mga mata ang dating bahay ni Arcie kaya napa isip ulit tuloy ito sa binalita kanina ng kasintahan. Si Atty. Sey ang bibili nito basi sa sinabi niya.

Napabuntong hininga si Marcuz at tumunga ng whiskey. Iniisip nito kung magkataong tama ang hinala niya ay paniguradong si Chessa ang titira sa dating bahay ni Arcie, marahil ay gumagawa ng paraan si Chessa na makalapit sa kanilang anak.

Tinunga ni Marcuz ang huling shot ng inumin bago pumasok sa kanilang silid. Napaisip pa siya sa inabot ni Cedi na envelope kanina nang masagi ng tingin nito ang kanyang bag ngunit tila tinamad si Marcuz kaya napagpasyahan na lang niyang matulog at agad rin na tumabi sa natutulog na kasintahan. Pilit nitong iwinaksi sa isip ang tungkol kay Chessa.

Kinabukasan. Sa opisina hinintay ni Marcuz ang mga ka meeting. Kinuha niya ang envelope na bigay kahapon ni Cedi, namilog ang kanyang mga mata sa nakita at nabasa, napakalaki ng ibinaba ng kanilang sales sa nakaraang buwan halos hindi makapaniwala si Marcuz.

Napaangat ang kanyang tingin ng may bumukas sa pinto ng board room at iniluwa nito si Cedi.

"What is this?" agad na bungad nito sa papalapit na kaibigan,

"Sales report," tanging tugon ng kaibigan,

"I know! What I mean is bakit ang laki ng binaba? Halos 50 percent from our sales on the previous month" an'ya,

"Yeah! Hindi lang 'yon, this month also," saad ni Cedi at inabot sa kanya ang isang document.

"F*ck!!" napamura si Marcuz.

"Tawagin mo ang head ng sales department, I need to talk to her!" utos ni Marcuz. Bumuntong hininga si Cedi.

"She is no longer connected with us anymore. I fired her kahapon," turan ni Cedi at umupo sa harap ni Marcuz.

"What! Why?" napabigla si Marcuz sa sinabi ni Cedi. Naguguluhan na si Marcuz may mga nangyaring hindi maganda sa kompanya niya ng hindi niya nalalaman.

"Because hindi siya nag sasabi ng totoo, sabi niya sa mga previous report n'ya na ayos lang ang sales ng kompanya and look now nalulugi na tayo!" may diin na tugon ni Cedi.

Kunot noong napahawak si Marcuz sa kanyang sentido kasabay ang pag pasok ng mga stockholders.

"Have a seat gentlemen," alok ni Cedi sa lahat.

"What happened Marcuz? Bakit hindi mo kaagad naeresolba ang problemang ito?!" agad na buwelta ng isang matandang lalaki.

"Mr Ho. I'm sorry, ngayon ko lang rin nalaman ito but aayusin ko 'to as soon as possible," kalmadong turan ni Marcuz.

"Masyado ka kasing busy sa lovelife mo kaya hindi mo na naatupag ang negosyo," may kahulugang dagdag ni Mr Ho.

Tinitigan ng masama ni Marcuz ang matanda. "Walang kinalaman ang personal kong buhay sa problema ng kompanya, sadyang may mga taong gusto tayong pabagsakin!" bulalas ni Marcuz. Hindi na sumagot pa ang matanda.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Where stories live. Discover now