Brent University is a prestigious school in this country at malamang ay alam ng lahat na puro mayayaman lang ang nakakapasok doon. Feeling ko ay iniisip na ng mga 'to kung bakit namamasahe lang kami at hindi nakakotse kung sa Brent kami nag-aaral. Hindi ko akalaing mararanasan ko 'yung mga nababasa ko sa libro. Pasimple akong bumuntong hininga at nagkatinginan kami ni Ella na napabuntong hininga nalang din.

Hindi rin siguro sila makapaniwala dahil nakacivilian lang kami ngayon. Wash day ngayon at hindi rin mahigpit ngayong araw kaya kahit naka-civilian lang ay ayos lang. Hindi ko naman masisisi ang mga estudyanteng 'to dahil totoo namang dapat ay nakasakay kami sa kotse dahil iyon 'daw' ang 'signature' ng bawat estudyante sa university.

Pareho kaming may kaya ni Ella pero hinayaan kami ng mga parents namin na manatili sa iisang apartment na mukha na ding condominium without any luxury. Kami ang gagastos sa lahat at tanging monthly allowance lang ang binibigay sa'min. Means we have to manage it. Senior high school pa lang ay sinanay na kami sa ganito kaya wala ng kaso sa'min. At ngayong college na kami pareho ay mas naging malaki ang responsibilidad namin.

Nang huminto ang kotse sa isang daan na papunta sa school ay bumaba na kami ni Ella. Sinipat ko ang relo ko at nang makita ang time ay naitulak ko palabas si Ella.

"Aray!" hiyaw niya at nang balingan ako ay inis na inis na siya.

I made a peace sign at pinakita ang relo ko sakaniya. Nanlaki ang mata niya at sa isang iglap lang ay tumatakbo na kami pareho. "Sabi ko sa'yo, maaga ka dapat gumising eh!" sigaw niya habang tumatakbo kami, hindi pinapansin ang mga nakakakita sa'min. Napatigil lang ako sa pagtakbo nang may marinig na nahulog.

"Hoy!" sigaw ni Ella pero di ko siya pinansin at hinanap kung ano ang nahulog dahil narinig ko talaga na tumunog 'yon. At parang--

Nanlaki ang mata ko nang makita na book 'yon! Book ko! Medyo malayo sa pwesto namin ngayon kaya tinakbo ko ulit para makalapit 'don. I was about to get it pero may nauna nang yumuko saakin at kinuha ang book. Hinihingal pa ako but I managed to speak.

"Ah, that's mine," wika ko habang naghahabol nang hininga nang makita ang lalaki na sinisipat 'yung libre. Umayos siya ng tao dahil kanina ay medyo nakabend siya kaya naman ang taas na niya saakin.

Male-late ako nito.

"Can I—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang inabot saakin ng lalaki ang libro, kasabay n'on ay pagharap niya sa'kin dahilan para makita ko na ng buo ang mukha niya. Para akong mabubulunan sa sarili kong laway nang makita ang itsura niya.

The hell, ang gwapo!

Wala sa sariling inabot ko 'yon habang nakatulala sakaniya. "You also like books, I guess," wika niya na lalong nagpatigil sa'kin. Even his voice was husky! Damn! He even smiled at me. Maya maya pa ay napakurap nalang ako at nabalik sa wisyo. I faked a cough and looked away.

"T-Thanks." Gusto ko ng sapakin ang sarili ko nang mautal ako sa pagsasalita. Bobo, Kiara.

"Hoy! Tara na," napalingon ako sa likuran ko. Napapikit ako ng mariin. Oo nga pala, late!

Humarap ulit ako sa lalaki na nakapamulsa na ngayon sa harap ko at bahagyang nakatungo dahil sa height ko. "Salamat, I have to go!" wika ko at wala ng sabi sabing tumalikod at tumakbo na ulit kasama si Ella papasok ng school. Nang makarating ako sa room namin ay napatingin ang mga kaklase ko sa'kin.

Pumikit ako at nagpasalamat na wala pa ang Prof namin. "Umaga pa lang hulas ka na Kiara," puna ng isa sa mga kaklase ko, si Faith na katabi ko sa upuan. Hindi ko muna siya pinansin at inayos ang bag ko sa upuan pagkatapos ay umupo, kinalkal ko ang polbo, suklay at salamin at inayos ang sarili.

LET GO (BTS SONG SERIES #1)Where stories live. Discover now