"Just brace yourself. Mainit ang ulo niya ngayon dahil maraming pasaway na studyanteng kagaya mo na lumabag sa school rules." pananakot niya.

Effective naman 'yon dahil talagang nagsisimula na akong matakot. I feel like anytime, tatawag na si Mom at papagalitan na ako. Ayoko pa naman siyang ma-disappoint.

Multiple beeps were heard from my phone kaya kinuha ko. It's a notification from our group chat. I tapped for it to open.

Liv Virtudazo:

Bruha @Einradelle Versozo asan ka? Bigla ka nalang nawala!

Quinn Audreanne Fuero:

Hey, i-seen mo.

Suzette Matrix Cañesarez:

Maybe she got bored? Or ayaw sumama sa'tin na makihalubilo sa ibang players dahil...you know. Audrey's cousin proved her wrong.

I bit my lower lip. Ganti ba 'to ni Suzy sa'kin? Ayaw ko na tuloy mag-reply dahil nahuli ako. Itatago ko na sana ang cellphone ko nang nag-beep muli ito.

"You're talking to your cousins?" tanong ni Clyde.

Nag-angat ako ng tingin bago tumango. Hindi na rin naman siya nagtanong afterwards kaya yumuko ulit ako at tinignan ang cellphone.

Quinn Audreanne Fuero:

Hey! Seener!

Suzette Matrix Cañesarez:

Are you home already?

Liv Virtudazo:

Bruha ka, hindi bagay sayo maging seener.

Umirap ako kahit hindi nila iyon kita. I typed for a reply.

Einradelle Versozo:

Send help. Kakausapin ako ng GuidCoun. Punishment is coming. Pakisampal ang pinsan mo @Quinn Audreanne Fuero para sa'kin. Sabihin mo isa siyang malaking "bad luck".

Hindi ko na nabasa ang sunod na chats dahil bumukas ang pinto. Mabilis kong tinago ang phone ko at umayos sa pagkakaupo. Tumikhim si Clyde at inayos ang suot na sunglasses.

Miss Patriana, on her uniform, stood in front of us. Nakakunot ang kaniyang noo at nakataas ang kilay. Ramdam ko na ang iritasyon niya ngayon.

"Einradelle Versozo. Grade 10. My student in history. Right?" sabi niya habang may tinitignan sa dala niyang clearbook.

Lumunok ako bago tumango at sumagot sa mahinahong boses. "Y-Yes po, M-Ma'am..."


Every passing seconds is a torture. Walang nagtangkang mag-ingay sa amin ni Clyde. Parang anytime kasi ay sasabog na si Miss Patriana.

She closed her clearbook in a loud manner, kaya nagulat ako. She was now glaring at me bago nameywang. Nagkatinginan kami ni Clyde. Ngumiwi siya at nagkibit-balikat. Lumunok ako at binalik ang tingin kay Miss Patriana.

"You're my favorite student dahil sobrang galing mo sa mga dates. Pero hindi ko naman pala alam na marunong kang gumawa ng gulo." she said icily.

Tinignan ako ni Clyde na parang nagaalala. Yumuko nalang ako.

"Three offenses in just one day? Such a disappointment."

I bit my lower lip and closed my eyes so firmly to prevent my tears from falling. I am so fragile when it comes to that word. Ayaw na ayaw kong makarinig ng ganiyan.

Somewhere in the Avenue (Velez Cousins Series #1)Where stories live. Discover now