FOUR//

1.9K 50 8
                                    

CAN'T YOU LOVE ME AGAIN?

Short Story by PollyNomial

CHAPTER FOUR

< HAZELLE AGONCILLO >

“Waaaah! Hazelle! Ganto itsura ng gown ko oh!” excited na sigaw sa akin ni Joy habang patakbo siyang lumalapit sa akin. Winawagayway pa niya ang papel na hawak niya.

“Asan?” sa totoo naman ay hindi ako interesado na makita ang design na pinapakita n Joy sa akin. Ayaw ko lang na masamain niya kaya tiningnan ko nalang yun at kunyaring natuwa rin. “Ang ganda ah.”

 

“Sabi na nga ba eh! Pina-design ko lang yan sa pinsan ko. Sana lang masunod pag nagpatahi na ko. Ang ganda kasi talaga eh.”

 

“Oo nga.”

“Huy!” bigla nalang akong tinapik ng malakas ni Joy sa balikat ko. Wala lang akong reaksyon dun.

“Ayan ka nanaman eh. Ang tamlay mo nanaman.” Napansin niya siguro na wala akong ganang pag-usapan ang tungkol sa prom na yan kaya nasabi niya yan.

“Sorry. Alam mo naman kung bakit di ba? Allergic na ko sa mga ganyan eh.”

 

“Ay naku friend. Oo alam ko naman yun, pero hindi ka pa rin ba makaget over? Tagal na nun oh. It’s almost four years since mangyari yun.”

“Ewan ko ba. Hindi ko na ka ata makakalimutan yung araw na yun.” umiwas na ko ng tingin kay Joy. Ayoko na rin kasing madugtungan pa ang pinag-uusapan namin.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa sa akin noon si Ross. Wala naman talaga siyang kasalanan dun. Ako lang naman etong umasa. Ni hindi na niya sinabi na isasayaw niya ako sa graduation ball namin nung grade six.

Inakala ko lang talaga na sa dahil sa ginawa nila Joy ay mangyayari ang matagal ko nang hinihiling. At yun ay ang mapansin niya kahit saglit lang.

But I guess, things are just not meant to be during that time.

Or he just chose not to dance with me.

Masakit yun para sa akin. Pero hindi yun naging dahilan para tumugil ako sa nararamdaman ko sa kanya. Ewan ko ba. Hindi ko talaga magawang kalimutan yung lalaking yun. Kahit ngayon, hanggang ngayon… Mahal ko pa rin siya.

“Hazelle! May date ka na ba sa prom?” biglang nawala ako sa malalim na pag-iisip nang tanungin ako ni Paolo. Umupo siya sa may platform. Tinabihan ko siya.

 

“Wala pa. Tsaka hindi rin naman ako pupunta diyan kaya hindi na kailangan.” Sagot ko sa tanong niya.

Can't You Love Me Again? [Short Story]Where stories live. Discover now