"Make it double, Nay." - nagulat naman ito at agad na napatingin sa tabi nya.

"Ay, pasensya na hindi ko nakitang may kasama ka pala." - sinuri naman ng ginang ang kasama nito. She and Champ stilled. Please, please, please, no. She silently prayed na sana hindi ito makikilala ng ginang.

"Hindi kita nakita rito." - agad siyang nakahinga ng maluwag. Dahil sa sinabi nito.

"First time nya po rin, Nay. Dinala ko po siya rito para matikman ang masasarap mong paninda." - natatawang saad nya.

"Aba, binobola mo pa akong bata ka." - sinuri ng ginang ang dalawa. Napangiti naman ito ng nakita niya may suot ang mga ito ng isang pares ng singsing. Wedding ring.

Jeva always wore her ring kaya nagtataka siya kung bakit hindi siya tinatanong ng mga kaibigan niya tungkol dito. And for Champ, he only take it off at work because his star-manager said so.

Napansin naman ni Champ kung saan nakatingin ang ginang. Kaya tumayo siya mula sa pagkakaupo. He offers his hand to introduce himself.

"I'm Champ. Her husband." - he was known as Vladimir not Champ. Kaya kung magpapakilala sya as Champ ay mas safe ito.

Jeva smirked. He's already showing off. Little by little. Jeva's thinking that her operation is already progressing. Sus! Napakadali lang naman pala.

The woman accepted his hand. "Ako pala si Aling Maria. Pwede mo akong tawaging nanay. Yun din naman ang tawag ng asawa mo."

Jeva grinned. Asawa. Sounds good. It sounds so good to be recognized as his wife.

"Oh sya, sige. Umupo ka na ulit maghahanda lang ako." - the woman lean forward to her. "Bakit ba balot na balot ang asawa mo?" - she whispered at natawa naman sya.

"He's just shy." - she whispered to her.

Natatawang umalis naman ang ginang at nagtatakang tumingin ang lalaki sa kanya.

"Swerte mo daw sakin." - she teased him while he rolled his eyes.

"Anyways, you told me that the foods that you usually order are your favorite." - she hummed while nodding her head. Champ look around. This place is so ordinary. Hindi sa minamaliit nya but the place is for commoners.

Ni sa panaginip niya hindi niya maimagine na pupunta sa ganitong lugar ang babae dahil sosyalera ang dating nito at only daughter ng dalawang sikat at mayayamang doctor.

"Tambayan namin ito noon ng mga kaibigan ko. We love the foods here." - she paused. "My mom doesn't allow me to go in this kind of places. She wouldn't know, though." What a rebel and a hard-headed girl. "Afterall, malapit lang ito sa pinapasukan ko noong highschool. I studied in a public school."

"Seriously?" - hindi makapaniwalang tanong ng lalaki. Ang unica hija ng mga Villaflor ay pumasok sa isang public school.

"What's with the shock face?" - natatawang tanong niya sa lalaki. "Maganda kaya sa public school. I had so much fun. My highschool life was one of my unforgettable moment of my life." - she drank a water from the water bottle. Kumakain siya ng street foods pero hindi sya umiinom ng hindi mineral or distilled water.

"I'm happy that my parents allowed me to go to a public school before. I know ayaw nila but since, Mari and Gwyn were with me, pumayag sila." - he knew it. Hindi basta-basta papayag ang mga magulang nito na pag-aralin siya sa public school lalo na ang tatay nito. Geez! That one is so strict.

If Kyza and Shylane are childhood friends. Ganun din sina Mari, Gwyn at Jeva.

"How about you?" - napanganga naman ang lalaki sa tanong ni Jeva. "I mean, you'll know all my favorite foods later. So, I guess I should know yours too." Knowing each other after two years of marriage. So lame. But Jeva took this opportunity to know things about her husband.

RENOWN SERIES 1: Doubtlessly Mine ✔Where stories live. Discover now