"Oo nga naman, Vera!" sabi naman ni Eula.

And Jethro is already looking at me like he's waiting for me to say, yes.

I sighed. Seems like I don't have any choice anymore.

"Fine!" I said and rolled my eyes. Kaya natuwa naman silang lahat sa sagot ko.

NANDITO na kami ngayon sa bahay ni na Jethro at namangha naman silang lahat sa laki ng bahay nila. Naipakilala na rin sila ni Jethro kila manang Jean at Selly at masaya nga rin sina manang kasi ito raw ang unang pagkakataon na maraming kaibigan ang isinama ni Jethro sa bahay nila. At kasama nga rin pala namin sina Theodore at Lanny ngayon.

Naupo na si Jethro sa hapagkainan. At magkatabi lang kaming dalawa ngayon. "Come on, let's eat." pag-aaya pa ni Jethro.

Umupo na rin silang lahat. "Tara guys! Ang daming pagkain oh." sabi ni Famcy na namamangha. Basta talaga pagkain ang pag-uusapan magaling silang lahat dito.

"Oo nga!" si Eula.

Napatingin naman sa akin si Jethro ngayon kaya tinaasan ko naman ito ng kilay.

"What?" I asked him.

"You should eat too." at nilagyan na niya ng pagkain ang pinggan ko.

"Tama na 'yan! Huwag mong damihan!" sabi ko dito pero parang wala lang itong naririnig at patuloy na nilagyan ang pinggan ko.

He glared at me. "Just eat it." sabi niya sa akin at nilagyan niya rin ng juice ang baso ko ngayon at nakita ko namang kilig na kilig na sina Famcy at Shia sa amin.

"Sana lahat." sabi naman ni Shia.

"Tumigil ka nga, Shia." suway ko sa kanya. Supportive talaga siya sa amin ni Jethro.

I heard Theo laughed. "Ganyan pala mag mahal ang isang Jethro Ephraim Silvano!" Theo teased Jethro.

"Oo nga! Hindi ka naman ganyan kabait saaming dalawa ni Theo ah." sabi ni Lanny na natatawa.

Umiwas na lang siya ng tingin sa dalawa. "Shut up." sabi ni Jethro sa kanila. Pero nakita kong namumula na ang tenga ni Jethro sa ginagawa nila.

"Someone is shy!" pagbibiro pa ni Theodore kay Jethro. Kaya hindi ko na rin mapigilang matawa.

Tinignan naman ni Jethro si Theo. "Tumigil ka diyan, Theodore. Alam kong under ka rin ni Lanny." at si Jethro naman ang napangisi ngayon.

Hindi naman nakasagot si Theo doon. "Alright! I give up! Hindi na nga kita aasarin." sabi ni Theo.

Kaya napahalakhak naman kaming lahat lalo na si Lanny. Kaya kumain na lang kaming lahat. At masaya kaming nag-uusap ngayon lalo na si Famcy na puro dada! Siya ang puro salita sa amin ngayon dito.

"Grabe Jethro ha! Hindi ko inaakala na mabait ka naman pala." sabi ni Famcy kay Jethro.

Napangiti naman si Jethro. "Why? Kailan ba ako naging masama?" and he chuckled.

"Nako! Hindi naman sa ganun. Palagi ka kasing seryoso eh!"

Tinaas naman ni Lanny ang kamay niya. "That's true! He's always grumpy!"

"Akalain niyo iyon! Si Vera lang pala ang makakapagbabago kay Jethro." sabi ni Kiel.

Jethro stretched his arms at inakbayan ako nito "Well, love is love." and he looked at me. Hindi ko alam kong bakit biglang kumabog na naman ang puso ko ng di sa oras. Kaya agad ko namang kinuha ang kamay niya sa abaga ko.

"Hindi ko naman alam na may tinatago kang sweetness, Jethro!" patawa-tawang sabi ni Theo.

"Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig!" si Shia.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon