Kotse ni Nethon, sumakay pala ito ulit? hindi ko napansin.

"Kaya ba hindi mo ko kinukulit buong linggo?"

"Love is not what you think"

"I saw you"

"Kasi ikaw" nagulat naman ako nang sabihin niya iyon.

"Simula nung tumira ka sa mga Kyril nag iba ka na! no I mean simula nung bumalik si Nethon! nag iba ka na! akala mo hindi ko napapansin? nakay Nethon palagi ang atensyon mo! kahit na magkasama tayo"

Hindi ko napansin na nasampal ko na ito.

"How dare you, kasalanan ko ba ngayon na nakita kitang nakipag halikan sa iba?"

"And you're cheating with me!"

"Yes I am! and you too, we're cheating to each other I think we need to stop this relationship!"

Mabilis naman akong sumakay sa kotse ni Nethon.

Tahimik lang si Nethon habang ako naman ay nakatingin lang sa bintana habang nangingilid ang luha.

Napakagat naman ako sa labi ko at pinigilan ang sarili kong umiyak.

Kahit naman kasi ganon, minahal ko si Nemlear, he's too good for me I will never ever! imagine that he will cheat!

"Gusto kong puntahan si Belle" mahina kong sabi, narinig ko ang pag buntong hininga nito pero wala akong narinig na salita sakanya sinunod niya lamang ang sinabi ko.

"Achelois" bati saakin ni Belle nang makababa ako sa kotse ni Nethon.

Mabilis akong yumakap sakanya at umiyak.

Di ko alam kung may karapatan ba akong umiyak dahil sa nakita ko ngayon o wala dahil kahit ako mismo, I cheated on him so why should I cry?

Pero hindi ko mapigilan na umiyak at masaktan.

"I think we need to go inside. Gabi na mahamog" tumango naman ako, pinunasan ko ang mga luha ko, niyakap lamang ako ni Belle sa bewang ko at sabay kaming pumasok sa loob.

"What happen?" tanong saakin ni Belle nang makaupo kami sa couch.

"I saw Nemlear kissing another women"

"You what?!"

"I never ever expected Nemlear will cheat Belle"

"Me too, pero Ache may sasabihin ako sayo"

"Ano ba yun?"

"Naalala mo ba nung araw na sinabi ko sayo akala ko hiwalay na kayo ni Nemlear?" tumango naman ako bilang sagot.

"I saw him last time with other women and I thought both of you is done because he's dating"

Napatingin naman ako kay Belle, nag simula naman tumulo ulit ang mga luha ko, niyakap niya na lamang ako.

-

Tamad naman akong bumangon sa kama ko at lumabas ng ako ng kwarto ko.

"Ache"

"Belle you're here"

"Kumain ka muna" umiling ako bilang sagot, wala akong gana kumain ngayong araw.

Kumuha lang ako ng tubig at ininom ko ito.

"You should take care to yourself, para naman kayong tanga eh!"

"Ashton?"

"Yes Goddess I'm here, naiinis na ako sainyong dalawa ni Nethon!"

"Nethon?" Right Nethon! muntik ko na itong makalimotan, nilibot ko ang paningin ko sa sala pero si Belle at Ashton lang ang andon.

"Yes Nethon my cousin, Nethon Kyril if your forget his name"

"Asan si Nethon?"

"Isang linggo na kayong ganyan." tamad na sabi ni Ashton, kinuha niya naman ang dala ni Belle at hinanda sa mesa.

"Asan siya?"

"He's in HQ for whole week, wala itong planong umakyat at mag painit, hinahatiran ng pagkain di naman kinakain, o di kaya dalawang kutsara lang ang nakuha. Kumain ka dito" seryosong sabi ni Ashton.

Umupo naman ako pero bigla akong nakaramdam nang pag baliktad sa sikmura nang maamoy ko ang dala nilang pagkain.

Mabilis akong tumayo at dumiretso sa sink para sumuka.

"Wala kang kinakain, o kung meron man maliit lang pero araw araw kang nasusuka" nakinig lang ako kay Belle pero busy ako sa pag suka.

"Kumain ka ng marami baka may laman na yang bata ang tiyan mo" lumaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Belle.

"A-ano?"

"I'm just guessing" kibit balikat nitong sabi.

"Utosan nalang natin si Ashton bumili ng PT kumain ka muna"

-

Kinakabahan akong nakatayo ngayon at tinitigan ang sarili sa salamin habang hinihintay ang resulta ng tatlong PT.

Kinuha ko naman ito at napakagat sa labi ko.

"Gagong Nethon" napaiyak nalang ako habang mahigpit ang hawak sa mga pt.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now