8 - Akala

90 5 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang lahat sa akin sa bago kong work. I did not have to adjust a lot since I normally do the same things back in the Manila branch. Actually, mas magaan somehow yung workload. Probably because there are lesser employees here compared sa Manila branch, which is the biggest and has the most number of staff.

Every day, sumasabay ako kay Tonie on the way to the office. I just sometimes pay for gas. Yeah, sometimes, because Tonie doesn't really want me to pay but I insist. Mas madalas nga lang na siya talaga ang gumagastos. What I would do naman is I would buy his favorite coffee or sometimes treat him for lunch. Hindi na siya nakakatanggi 'pag nakabili na ako. He knows, though, that paraan ko yun para makabawi sa libreng sakay ko papuntang office. May mga times din na sabay kaming umuuwi pero meron ding mga araw na hindi, because he meet with his boyfriend after work.

As for Colton, there were times na nakakasalubong ko siya sa office. And that's it. Wala naman kaming naging gaanong interaction. I mean, we say hi kung magkakasalubong kami pero yun na yun. May mga times pa din na inaasar ako ni Tonie about him but after some time, natigil na din kasi wala naman talagang nangyari. I mean, he did not make a move or anything. Kahit nga si Tonie naisip na nagkamali ata kami ng hinala this time. This was the first time that we thought someone is interested in me but looks like it was a false guess. Nonetheless, I am okay with it. Wala naman talaga akong planong ma-involve sa kahit sinong lalaki.

Today is Friday and my shift will end in just a few hours. After work, I plan to go to the mall to relax and buy some groceries as well. All tickets are closed currently and wala pa namang bagong nag-eemail or nagrereport about any computer issue. Since we are all idle, nagkukwentuhan lang kami ng mga ka-team ko. This time, it was Joan who was telling a story about her crush. She is the youngest in the team, only 24 years old.

"Sa 8th floor siya. Leader siya ng isang system analyst team," kwento ni Joan na may kasama pang pag-tawa, halatang kinikilig.

"Wait. System analyst lead, 8th floor. Don't tell me Colton name niya?" tanong ni Kat.

"Yes! Siya yun. Colton Philip Vincenzo. Di ba pangalan palang ang pogi na. Teka, bakit kilala mo siya? Crush mo din? Dibs na yun!" mejo napalakas pa ang pagkakasabi ni Joan at tinuro pa si Kat.

Colton? Is he the same Colton I know? Yung team lead ni Tonie? Napansin ko naman ang ginawang pagsiko ni Kuya Don kay Raf, mga kasama ko din sa team.

"Sira! Hindi ko crush yun dahil di ko siya pwedeng maging crush no. Pinsan ko yun. Vincenzo middle name ko." sagot ni Kat sa tanong ni Joan.

Natuwa naman si Joan sa nalaman. Napatayo pa nga sya at niyugyog pa si Kat sa balikat.

"Ateeeeee.... baka naman pede mo akong ipakilala. O kaya ibigay mo na lang sa akin number nya."

Natatawa naman ako sa mga sinasabi ni Joan. May paglundag pa siya habang pinipilit si Kat na ibigay ang number ng pinsan niya. Iba-iba din talaga ang mga babae no. May mga babae na gaya ni Joan na kaya nilang sila ang gumawa ng first move. I see nothing wrong with that though. Actually, hanga ako sa mga taong may ganong confidence. On the other hand, meron din namang naghihintay ng magkakainteres sa kanila.

"Aray naman, makayugyog. Masakit ha! At saka maka-ate ka wagas. Dati naman di ka nag-aate sa akin ah. Nalaman mo lang na pinsan ako ng crush mo, may ganyan ka na." ang sabi ni Kat habang tumatawa sabay tulak kay Joan para lumayo sa kanya.

"Eh sige na ate Kat. Ang tagal ko na kayang crush yun. Simula nong pumasok ako sa company na 'to crush ko na yun eh. Isang taon na yun ate! Isang taon ko na siyang crush." pagpilit pa ni Joan.

"Bakit di mo muna kaya alamin kung taken na siya. Kahit maibigay ko sayo number eh kung may gf naman, nganga ka lang din."

"Ay..... may gf na ba. Kainis naman.... Syempre hanggang crush na lang ako. Nakaw tingin nalang." Napabalik naman si Joan sa upuan nya pagkatapos sabihin yun. Halata mo ding nalungkot siya dahil sa balita. Natawa din ako at si Kat dahil sa pagtamlay ni Joan. Kung kanina ay akala mo'y bulateng nabuhusan ng asin, ngayon nama'y natahimik ito bigla.

"Actually.... wala naman siyang girlfriend. NGSB nga yun si Colton eh. Kahit kaming magpipinsan nagtataka. May itsura naman yung pinsan ko at madaming nagkaka-crush dun pero never siyang nagka-gf. Lagi din siyang basted. Meron siyang niligawan dati dito sa admin, si Erica. Tagal nanligaw nun, 6 months ata."

Oh. So totoo ang sinabi ni Tonie na laging nababasted si Colton. Actually, may itsura naman talaga siya. I mean, he is not the typical boy next door type pero may appeal siya.

"Gustong-gusto niya yung Erica na yon. Medyo may issue pa nga yung sa panliligaw kay Erica kasi nalaman nalang namin, kaya pala siya nag-stop manligaw doon ay dahil may bf pala yung babae. Di naman daw talaga aware si Colton noong una na may boyfriend na pala. 2 years na ata sila noong bf. Ayun, naka-anim na buwang panliligaw din yung pinsan ko. Imbyerna nga ako sa babaeng yun. May jowa tapos nagpapaligaw sa iba. Pag nakikita ko iniirapan ko talaga."

Napataas din ang kilay ko sa kwento ni Kat. Para sa akin mali din yung Erica. If you are already committed to someone, don't entertain anyone anymore. Somehow I think it counts as cheating to your partner and I loathe cheaters.

"Grabe, ganda si ate ghorl? Sasamahan kita sa pag-irap sa kanya ate. Kilala ko din yung Erica na yun dahil nagreport yun dati ng sira ng PC nya at ako ang gumawa. Ang arte-arte kaya nung babaeng yun."

"Naartehan din ako sa babaeng yun. Nung nalaman niya na pinsan ako ni Colton, feeling close si ghorl sa akin. Akala mo eh tagal na naming magkakilala at kung umasta akala mo friends kami. Imbyerna na ako dun tapos nung nalaman ko yung may bf na siya tapos nagpaligaw sa pinsan ko, mas lalo akong nabuwisit sa pagmumukha noon. Buti nalang at nagkusa na si Colton mag-stop sa panliligaw. Naturn-off din siguro."

Halata ang inis ni Kat sa Erica na tinutukoy niya. Kahit siguro ako ang nasa posisyon niya, maiinis din ako dahil ang dating ay pinaasa niya lang si Colton.

"Ang nakakainis pa, ang sinasabi niya sa kakilala at nakakaalam na nililigawan siya ng pinsan ko eh binasted daw niya si Colton. Kapal ng mukha. Kasing kapal ng foundation niyang di naman pantay sa leeg niya! Minsan gusto kong sabihan na lagyan nya din ng makeup leeg niya para di siya mukhang nakalutang na ulo!"

Sumabog naman ang tawanan namin dahil sa mga sinabi ni Kat. Kahit si Kuya Don at Raf na tahimik lang sa mga upuan nila ay napatawa sa sinabi niya. Kagaya ko, nakikinig lang din sila sa mga kinukwento ni Joan at Kat.

Maya-maya pa ay napatayo ulit si Joan at bumalik ang sigla sa mukha niya.

"Eh di wala na siyang nililigawan ngayon. Wala din siyang girlfriend. Eh di pede na kami!"

Napailing naman si Kat dahil sa sinabi ng bunso namin sa team. Nagkatinginan naman ulit sina Kuya Don at Raf. Okay? I can sense something here. Actually, medyo napapansin ko na 'to unang linggo ko palang sa team. I am just not giving it a lot of thought. Sa tinginan palang ng dalawang lalaki, alam mong may iba na. Napapailing na lang si kuya Don at tinapik pa sa balikat si Raf. Ngumiti nalang si Raf, ngiting di umabot sa mata.

"Hmm..... Pano ba.... Ganito kasi, noong last weekend, birthday noong isa naming pinsan. Noong nagkakwentuhan ng tungkol sa lovelife, natanong si Colton kung meron bang bago."

"Oh, tapos?"

"Sabi niya, he is interested with someone pero wala pa siyang ginagawa. Medyo busy daw siya ngayon at madaming need asikasuhin sa team nila pero, plano nga daw niyang ligawan yung babae."

"Hala. Sino yun? May idea ka ate?"

So Colton is interested with someone? Mukhang sa unang pagkakataon ay mali nga talaga ang hinala namin ni Tonie na interesado siya sa akin.

"Wala siyang sinabing name eh.... pero bagong kilala lang daw niya. Ang kwento niya ay aksidente lang ang meeting nila nung babae. Hmmm.... pano ba..."

Kat paused for a bit at mukhang ina-alala muna ang kwento ng pinsan. Ako naman ay napapaisip din kung sino ang babaeng gusto ni Colton. Siguradong 'pag nai-kuwento ko ito kay Tonie ay maku-curious din ang bruha.

"Ang sabi ni Colton, napagkamalan daw siya nung babae na sundo niya sa airport. Tapos, hinatid ata niya sa condo ng pinsan. Parang ganon ang kwento niya."

Literal na napatigil ako sa paghinga dahil sa mga sinabi ni Kat. Bumilis din ang tibok ng puso ko at parang nanikip ang dibdib ko. I can also feel butterflies in my stomach right now. Ang buong akala ko sa unang pagkakataon ay mali ang hinala ko.

Airport? Mistaken him for someone? Hinatid sa condo ng pinsan?

Shit!

Next to You (COMPLETED)Where stories live. Discover now