Kabanata 7

8.8K 351 53
                                    


Kabanata

I couldn't sleep that night because my mind keeps on replaying what happened. Sigurado rin ako na hindi tama na agad nawala ang iritasyon ko dahil lang sa huling sinabi niya.

Is he seriously asking me to care and to mess with his life too?

Paano kapag sinabi ko na mahal ko siya kaya dapat niyang hiwalayan ang girlfriend niya, gagawin niya ba 'yon?

Napailing ako sa naisip. Even the thought of it sounds so wrong.

It's useless to think about it because it doesn't really makes sense. Malinaw naman na hindi niya ako gusto kaya kahit ang mga ganong klaseng salita ay hindi makakapagpabago ng tingin ko.

So instead of wasting my time thinking about it, mas ginugol ko nalang ang oras ko sa pag - aaral para sa darating na midterms.

My goal is still the same.

Mas ginanahan nga ako na mag - aral pa nang mabuti dahil mukhang natuwa naman si Mommy at Daddy nung nabanggit ko ang tungkol sa pagiging Top 1 sa aming batch. As a reward, ako tuloy ang masusunod kung saang bansa kami magbabaksyon para sa darating na Christmas break.

"Talaga? Sana kami rin," si Brynn pagkatapos ko sabihin ang tungkol sa pag - alis namin after midterms.

Nasa Cafeteria kami ngayong dalawa, habang sila Freeda at Sel ay nasa library para mag review. Ngayon kasi ang unang araw ng midterms namin, ang kaso ay hindi confident ang dalawa na enough na ang naaral nila.

Naka review naman na ako these past few days kaya hindi ko na kailangan mag cram. Si Brynn naman, she doesn't really care enough about her grades to skip lunch kaya sinamahan niya na ako kumain.

"I'm sure kasama kayo. Kailan ba hindi?" pagpapagaan ko sa loob niya.

Tumango si Brynn at nabuhayan ng loob.

"Sa bagay! I heard nga na our family business is growing well since last year. May binili kasi sila na bagong lupa sa Bacolod at nagsisimula na itong kumita ngayon..."

Tumango ako.

It's amazing how our parents keeps on expanding our family business. Naalala ko noon ay isang malaking lupain lang naman talaga ang iniwan sa kanila ng mga magulang pero ngayon ay halos maraming lupain na rin ang nadagdag.

Narito sa Iloilo ang main farm ng pamilya. Ito ang pinaka una at pinaka malaki. Isang beses pa lang ako nakapunta doon, at namangha talaga ako sa dami ng nakatanim na prutas at gulay na ine-export sa ibang bansa.

Ngayon ko tuloy nakikita kung gaano ka-importante ang pagsisikap. Your hard work today can result to a bigger blessing in the future.

Just like our business, it started from the first generation, at kung papalarin ay ilang susunod pang henerasyon ang maaring makinabang kung ipagpapatuloy.

"Nga pala, nakita ko si Guison at ang jowa niya kanina." pag - iiba niya ng topic.

Tinignan ko lang si Brynn, I don't really know what should be the appropriate answer to that. Nakita ko ang mapanuri niyang mata na tila tinitimbang ang reaksyon ko sa sinabi niya.

I sighed.

Hanggang ngayon ba ay iniisip niya pa rin na hindi pa ako nakaka move on kay Guison?

"Brynn," seryoso kong sabi. "I never loved Guison..."

Bahagyang umawang ang labi niya.

"Nagustuhan ko siya, oo. But it's not enough to break my heart."

Nobody Compares To You [ Quintero Series #1 ]Where stories live. Discover now