Chapter 73

16 2 0
                                    

Qiel Augustus POV

"Kuya Timothy naman eh!" palo ni Claire sa kanya.

Tawanan naman kami nila Mama.

"Hahamon-hamon ka kasi, tingnan mo sayo  din ang buhos" inis ni Kuya Timothy kay Claire.

Naglalaro kami ngayon ng Uno sa salas. Kaming apat lang ang nag-lalaro, pinanunuod lang kami ni Mama na nakatabi kay Kuya Timothy.

Nakikitawa naman si Mama saamin, tuwang-tuwa habang pinanunuod kami.

"Uy Qiel ikaw na!" kalabit saakin ni Axel.

Nagbaba naman ako ng card.

"Nako sino kaya iniisip niyan Xandie?" Biro ni Kuya Timothy.

Sumimangot naman saakin si Claire at pinalo lang si Kuya Timothy.

"Huwag ka nga, napakapamwisit mo talaga" sabi ni Claire sa kanya.

Tinawanan ko lang naman silang dalawa.

Naglaro lang kaming apat.

Kamemerienda lang namin, naisipan namin maglaro nalang muna dahil wala kaming magawa.

We need fun times too.

Walang nagbago sa kulitan namin, parang walang nagdaan na problema. Bumalik yung sigla ng lahat.

It feels good.

Kaninang maga medyo awkward pa pero we get along. Nag-iinisan na sila Xandie ngayon.

Masaya ako at magkakasundo na kaming tatlo ngayon, nakikita ko rin sa kanila na we feel the same. Mas lalo naming nakikilala ang isa't isa nung mga nagdaang araw.

Masakit dahil kailangan pangmangyari muna toh bago kami magkasama-sama at magkasundo.

Pero ilalaban parin namin si Mama.

May pagkukuhanan na kami ng pera pangsurgery ni Mama.

Hindi namin siya isusuko kahit na ayaw na niya lumaban pa.

She deserves to be in this moment with us more longer.

"Uno!" sigaw ni Axel.

"Pasahan niyo ng plus, pasahan niyo ng plus" kantyaw ni Mama.

Pinasahan ko naman siya ng plus dahil ako ang nauna sa kanya.

"Sorry bro" sabi ko.

Tawanan naman sila.

Nagtuloy lang yung laro namin hanggang sila Claire at Kuya Timothy nalang ang natira.

"Ang talo idadare" sabi ko.

"Tama tama" sabi ni Kuya Timothy.

"Napaka! Alam mo lang na matatalo ako eh  napabuset mo di tayo bati!" naiinis na sabi saakin ni Claire.

"Oh huwag mo na babawiin" sabi saakin ni Axel.

"Uno!" tuwang-tuwa na sabi ni Kuya Timothy.

"Wala na talo nako, pinagtutulungan niyo lang ako eh!" bato ni Claire sa card sa lamesa.

"Ano kaya magandang Idare?" pang-iinis pa ni Kuya timothy sa kanya.

"Huwag kang tatabi saakin mamaya" banta niya saakin.

Lagot na talaga.

Tinawanan naman ako ng dalawa.

~••••••••••••••••••••••••••••••~

"Mga nak, nga pala bumili ako ng ticket sa cruise ship. Next month pa pero 1 week yon, from Manila, to Romblon, Puerto Princesa, at Coron" masayang anunsyo ni Mama.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon