Chapter 6: Far from Daunted

40 1 0
                                    

Mixed berries with mint, ang nagtatangis kong bagang ay tila pinakalma ng amoy na iyon. It was the smell of his breath. Even his perfume was too destructive. It stayed into my nostrills. His scent was like the aromas found in the forest. A fresh, strong, pungent fragrance, an absolute reminiscent of winter holidays, made the atmosphere alive. Sa init ng panahon ang simoy niyon ay naghahatid ng lamig at ginhawa sa pakiramdam. A sudden thought of Al Blanc crossed my mind.

There were minimal little beads of sweat coming out of his pores. Ngunit kahit ganon, napakapresko pa rin niyang tingnan. YoshI shouldn't be swayed. I looked at him with rage.

"Habang nakakapagtimpi pa ako ay kusa mo nang alisin ang kamay mo. Hindi natin pareho gugustuhing gumawa ng eksena rito. Kung nalilimot mo ay nasa paaralan tayo. Bukod doon ay malapit nang magsimula ang klase, umalis ka sa daraanan ko." I just gave him the most deadliest glare I could muster. But instead of doing what was told he just grinned.

"Is that a threat?" Tumaas pa ang isang kilay nito nang itanong iyon.

I swear I know, my face fumed red from how pissed off I was! Napaisip ako kung ang kausap ko ba ay matino. Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?

"You're blushing, again." Dagdag niya. Hindi pa rin nawawala ang ngiting naglalaro sa kaniyang labi.

Pinili kong kumalma kasabay ng pagkuyom ng aking kamao. Hindi maganda ang magiging resulta kung dadapo ito sa taong kaharap ko lalo't nakakaagaw na kami ng atensyon lalo na ng mga kababaihan. Bakas ang admirasyon sa mga mata ng mga babaeng iyon at hindi ko sila masisi. Holy Crap!  Isinisigaw ng pigura at hitsura niya kung gaano siya kalapit sa perpeksyon or maybe he really is. Pero siya rin ang taong mabilis nakakapagpainit ng ulo ko. Maging ang simpleng presensya niya ay nagbibigay ng biglaang pagkainis sa paraang hindi ko maintindihan.

Sumulyap ako kay Riouin, nakakunot na ang noo nito. Wala sa sariling napisil ko ang hinliliit kong daliri.

As if sensing the level of tension, Heena walked towards us and held my shoulder.

"Aqui," masiglang tawag ni Heena sa taong nasa harap ko.

"Ms. President," tugon nito pero ang paningin ay nasa akin pa rin.

"Lubayan mo na ang kaibigan ko o pare-pareho tayong ise-send sa guidance counselor mamaya. Ha Ha Ha!"

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa biro ni Heena, sapagkat kung iisipin ay hindi imposibleng mangyari iyon.

"Really?" He looked amused and had his brows furrowed. Saglit pa niyang iniksamen ang aking mukha bago alisin ang kamay na nasa aking ulo.

"You have no idea. Ha Ha Ha!" She laughed hysterically.

"Guess, I have a slightest hint." Mahinang wika niya.

Iiling-iling na iniwan ko ang dalawa. Nagmartsa ako papuntang vendo dahil nakaramdam ako ng uhaw.

Habang iniinom ang lemonade soda ay natigilan ako. Yosh! So, dito nga nag-aaral ang taong iyon. Apat na araw na rin ang lumipas buhat nang magtagpo ang landas namin sa Al Blanc pero ngayon ko lamang siya nakita. Tsk, mas mabuti sana kung hindi na! Kabilang siya sa mga taong nais kong iwasan bukod sa hindi ko gusto ang presensya niya, hindi rin maganda ang epekto niya sa sistema ko.

"Erra," malamyos ang boses ng taong nagsalita. It seemed a little bit of remorse and sadness too.

Tumingin ako sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako tinatawag sa first-name basis.

"Riouin," halos bulong na lang iyon lumabas sa bibig ko. Having talked about people I wanted to get rid of, he's one of them. Napisil kong muli ang hinliliit kong daliri.

Tuwing may gusto akong iwasan ay parang mas domodoble ang engkwentro ko sa kanila. Yosh!

"Kamusta?" Iniangat niya ang isang kamay at bahagyang hinaplos ang likuran ng kaniyang ulo--- isa sa mga kilos na ginagawa niya sa tuwing hindi siya komportable. Awkward... So he was feeling awkward around me.

Maging ako ay hindi rin piho ang sasabihin. But the thing I am sure of was that I don't want to mess with anything concerning them at all. Sapat na ang mga nakita ko. Hindi na dapat ako magpaapekto sa mga bagay na lumipas na.

"Not that you have reason to worry about me, yet somehow I felt genuinely at ease that you asked me." I won't lie, matagal ko rin namang hinintay na marinig muli ang boses niya na ako ang kausap. Kahit anong isipin ko, I remained nostalgic about the good old days. Matiim kong tinitigan ang mga matang hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinakasan. "But Riouin, I feel much better now." I'm not, in a way, the same person you used to know. Gusto ko sana iyong idagdag pero pinili kong isarili na lamang.

Questioningly his eyes looked at me and then he spoke, "What do you mean?"

"We are both doing well, kahit wala ang isa't-isa, we keep going." Sinimulan ko nang maglakad at sumabay siya. "Mayroong mga magagandang bagay na nangyari sa nakaraan, and I want it to stay there."

May himig ng lungkot nang siya ay magsalita, "Ang ibig mo bang ipahatid ay kalimutan ko na ang mga iyon?"

"We are humans Rio." Siguro dahil nakakapag-usap na kami ng mahinahon kaya't natawag ko siya ng ganoon. "And it is only we, who can control what we should feel and do."

"So you leave me behind..." saglit siyang tumigil at nang makahuma ay nagpatuloy magsalita, "...with the memories of the day you left, us." He sounded totally defeated. My instinct, as I normally did before, wanted to grab his arm, but I managed myself. It would possibly give another meaning. Natatanaw ko na si Kaine na nakaabang sa labas ng aming classroom.

Tumango ako, "In my case, I chose to stay in the present. No matter what the future holds, alam kong ang desisyon kong ito ay makakaapekto roon. But I am used to the feeling of being lost." Ngumiti ako ng payak. "Magpapatuloy ako kung paano tayo kahapon at hindi kung paano tayo noong nakaraan. Bukod pa roon, may taong naghihintay sa iyo." Kaine looked a little nervous as she sat biting her nails, hindi niya pa rin siguro kami nakikita.

Mas binilisan ko ang paglalakad. I have said what I need to and I would like it to end there.

"Erra," tawag niyang muli.

Thinking about a better way of shifting the subject, I gazed at him.

"I never knew you were playing piano," I muttered, almost to myself. Alam kong narinig niya iyon. He stood there dumbfounded. "Nice piece, anyway." And I smiled and ran off.

Yosh! Bakit napakahaba ng oras ngayon? Sabagay, forever could be just a second.

The Depths of TimeWhere stories live. Discover now