Chapter 99

93 7 0
                                    

Chanelle's Pov


Habang nagbabiyahe ako ay may biglang tumatawag sa cellphone ko. Nakaearpuds ako kaya dun ko na sinagot.

[Where are you?] Mommy.

"Papunta ako ngayon kay Kenzo. Why did you call me?"

[Dumating na ang ate mo, kaya umuwi ka ngayon]

"I'm sorry, Mom. Baka bukas na ko makauwi"

[And why? Hindi mo man lang ba sasalubungin ang pagdating ng ate mo?]

"Mom, may be tommorow na lang. Hindi naman malaking kawalan kung hindi ako pupunta, hindi ba? Sige po, bye" aniko at binaba na ang tawag.

Kahit ang pagdating ni ate ay spesyal para kay Mommy, yung magpeprepare sya ng mga favorite food ni ate pagkatapos ay ipapabago nya yung theme at ayos ng kwarto nito. Samantalang nung dumating man lang ako galing France ay wala sya.

Ang daming nagsasabi na mas paburito daw ng mga magulang ang bunso at mapapansin mo ay laging nasa bunso ang kanilang atensyon, pero si Mommy at Daddy ay pakiramdam ko parang mas favorite nila si ate, lahat ng bagay na nagagawa ni ate ay lagi nilang ikinatutuwa.

Yun bang wala ka man lang makikitang pagkakamali sa kaniya na ikinagalit nina Mommy at Daddy.

Kaya kung minsan ay hindi ko magawang mainis kay ate, dahil lagi na lang akong ipinagkukumpara sa kaniya nina Mommy at Daddy. Na kunsan lagi kong napapansin na para bang ako na lang lagi yung mali at si ate yung tama.

Sa inis na nararamdaman ko ngayon ay napahigpit ang hawak ko sa manibela at sa kalagitnaan ng aking pagmamaneho ay mabilis kong pinatulin ang takbo ng kotse ko. Hindi naman talaga ako pupunta ngayon kay Kenzo, dahil pauwi ako ngayon sa Condo ko. Dinahilan ko lang yon kay Mommy, dahil ayoko talaga na makijoin sa kanila sa dinner kasama si ate.

Lumipas ang ilang minuto, habang tinatahak ko ang daan ay para bang may babae akong naaninaw mula sa malayo. Hanggsa mapagtanto kong si Yumi pala iyon at para bang may kausap sa kabilang linya.

Tingnan mo naman ang pagkakataon.

Nakatigil sya sa gitna ng daan, walang masyadong sasakyan na dumadaan dito bukod sakin at isa pa wala katao. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang iyon pumasok sa isip ko, alam kong mali na gawin pero dahil gusto kong mawala sya sa buhay namin ni Kenzo ay mas mabuti sigurong gawin ko.

Pinatulin ko ang takbo ng sasakyan at ng mapatingin sya sa direksyon ko ay para lang syang t*nga na nakatingin dito at naistatwa sa kinatatayuan niya. Hanggsa sa sadyain kong bungguin sya.

Tumigil ako at pagkatapos niyon ay huminga ako ng malalim bago nag-angat ng tingin. Sinilip ko muna sya sa window front bago lumbas ng sasakyan. Tumingin muna ako sa paligid para makasiguradong walang tao o nakakakita.

[Yumi! Yumi, what happened. Sumagot ka]

Nang marinig ko ang boses ni Kenzo ay napatingin ako sa cellphone na hindi man lang nagkadamge, kung gano'n si Kenzo pala ang kausap nya kanina. Huh! Talaga ngang wala syang balak na tigilan ang fiancé ko ah.

Duguan na ang noo at kamay ni Yumi, pilit niyang inaabot ang cellphone ngunit bago pa man niya makuha iyon ay humakbang ako at tinapakan yon. Nagulat ako ng mag-angat sya sakin ng tingin ngunit agad din syang nawalan ng malay.

You're Still The One (COMPLETED) Where stories live. Discover now