Chapter 60

126 5 0
                                    

3rd Person Pov

Pauwi na ngayon si Yumi habang naglalakad sya ay biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso sa kaba ng maramdaman nya na para bang may kanina pang lalakeng sumusunod sa kanya at dahil don ay binilisan nya ang kanyang paglalakad. Mailaw naman ang daan dahil sa mga ilaw sa poste ngunit walang katao-tao para hingian ng tulong.

Nagkataon namang naglalakad si Kenzo sa kabilang street at ng makalagpas sya sa street na 'yon ay agad nyang nakita si Yumi sa di-kalayuan at nakita nyang nagmamadali ito sa paglalakad na parang takot na takot. Biglang nabaling ang tingin nya sa lalaking nakasumbrelong itim na nakasunod kay Yumi at dahil don nag-isip sya ng gagawin para maisahan yung stalker.

Alam nyang malalagpasan sya ni Yumi dahil 'yon ang diretsong daan papuntang Villa Solair, kaya agad syang nagtago sa may pader para hintayin na makadaan doon si Yumi at ng makadaan ito ay agad nya itong hinila. Iniba nya ng daan si Yumi kunsaan sya dumaan kanina at dali-dali silang tumakbo.

"Bilisan mo!" ani Kenzo at nakita nyang hinahabol na sila nung lalake.

Malayo na ang natakbo nila, habang hawak-hawak parin ni Kenzo ang kamay ni Yumi. Lumingon si Kenzo at ng makita nyang hindi na nakasunod sa kanila yung stalker ay agad silang nagtago sa madilim na pasilyo.

Patuloy sa pagtakbo yung stalker hanggang sa makalagpas na ito sa pinagtataguan ng dalawa at sa pagod sa pagtakbo ay agad silang nagpakawala nang malalim na paghinga. Tiningnan ni Kenzo kung nakalayo na yung lalake at nakita nyang wala na ito, kaya lumabas na silang dalwa ni Yumi sa pinagtaguan nila.

"Sa susunod kasi 'wag kang lumalabas ng mag-isa paggabi, kababae mo pa namang tao. Malay mo kung sinong adik dyan sa kanto ang pagkainteresan ka"

Hindi makatingin at makaimik sa kanya si Yumi. Kinakapos na ito sa paghinga dahil sa pagod nito sa pagtakbo kanina. Alam ni Kenzo na may hika ito at mukhang hindi na nito kakayanin pang maglakad ng malayo papuntang Villa.

Umupo sya. "A-anong ginagawa mo?" tanong ni Yumi.

"Umangkas ka sa likod ko?"

"A-ano?"

"Alam kong pagod ka na at hindi mo na kayang maglakad pa papuntang Villa tsaka isa pa may hika ka, kaya sige na umangkas ka na"

"Ah e hindi na kailangan, k-kaya ko pa naman maglakad tsaka mabigat ako"

Napairap na lang si Kenzo sa inis. "Wala akong pakielam at puwedi ba umangkas ka na lang sa likod ko at 'wag nang makulit"

Nararamdaman narin ni Yumi ang pagod at dahil don napilitan na lamang syang umangkas na lang sa likod ni Kenzo.

"Salamat ah. Salamat at tinulungan mo 'ko, pero... pa'no mo pala nalamang sinusundan ako ng stalker na 'yon?"

"Nakita kitang nagmamadali at takot na takot, kaya naisip kong isahan sya"

Malayo na ang nalalakad ni Kenzo, kahit na ang totoo ay pagod na din sya.

"Ibaba mo na 'ko, alam kong pagod ka na din"

"Wag mo 'kong alalahanin"

Nakahiga na si Yumi sa kanyang higaan at napangiti nalamang sya nang maalala nya ang ginawang pagtulong sa kanya ni Kenzo. Ngunit agad rin napawi ang ngiting yon nang mapagtanto nya sa sariling nakangiti sya.





3rd Person Pov

[Ano na?]

"Nakatakas po Ma'am"

[Ano?! Natakasan ka pa nya?]

"Oo, Ma'am may bigla kasing lalaking tumulong sa kanya]

[At sino naman ang lalaking 'yon?]

You're Still The One (COMPLETED) Where stories live. Discover now