Chapter 10

259 56 2
                                    

Yumi's Pov

Nasa may kwarto ako ngayon habang naka indian sit sa kama at kausap sa kabilang linya si Kryzelle. Naikwento ko na rin sa kanya ang tungkol sa pagpasok ko sa Monterial highschool at tuwang-tuwa namang proud na proud sya.

[Grabe bess ah. Ang suwerte mo. Isipin mo makakapasok ka sa mahahaling school na 'yon tsaka makakasama mo pa yung mga mayayamang studyante doon,
basta pagdating ng pasukan balitaan mo na lang ako, huh?]

"Oo na" sabay ngiti ko.





After a few days

Inihatid na ko ng driver ni miss Christine dito sa Monterial school at ang gaganda ng mga sasakyan na pang service ng mga studyante dito. Bago ako makababa ng sasakyan ay nauna munang bumaba sakin si Manong fred at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Lakas makasocial ah.

"Good lock, hija" aniyang nakangiti sabay nag goodlock sign sakin.

Ngumiti ako sa kaniya at pumasok na siya sa sasakyan. Bago pa man niya paandarin ang kotse...

"Sige po Manong Fred, salamat" yumuko ako ng bahagya.

Sumabay na lang ako sa mga studyanteng naglalakad. Napansin ko ang kakapal ng mga make up ng ibang mga babae, akala mo naman may pupuntahang party. Psh! Ganyan ba talaga sila dito?

Naglalakad-lakad ako sa may hall way, habang tumitingin-tingin kungsansan ng biglang may sumigaw na babae.

"Kyaaahhhh!!Ang hot boys"

Kumaripas ito ng takbo papunta sa lugar na sinasabe niyang hot boys at ganoon din ang mga babae na nagsisitilian habang nagsisitakbuhan.

Siguro mga artista yon, mapuntahan nga din. Nakita ko ang apat na lalaki, kaso hindi ko makita yung mukha nila dahil ang daming mga nakaharang na studyante tapos yung iba sa kanila ay mga nagsisitabihan para makadaan yung apat.

Lumipat ako ng ibang puwesto, para makita sila. Ang arogante ng mga dating nila at ang gagwapo pa, kaya pala grabe kung magsitilian ang mga babaeng 'to.

Biglang tumigil sa paglalakad ang apat ng biglang may humarang na babae sa tapat nung isang lalaki na nasa unahan. Mukha siyang masungit, dahil halos magletrang 'V' na ang noo nya, dahil sa salubong nitong kilay.

"Binake ko yan para sayo, Kenzo. Sana magustuhan mo"

Tiningnan lang nung Kenzo yung box bago tumingin ng masama sa kaniya.

Nagulat yung babae sa ginawa nung Kenzo na mas ikinagulat din ng lahat ng biglang nitong kinuha ang box at itinapon sa trash can.

"Papatayin mo ba 'ko?" sabi ni Kenzo na ikinataka nung babae.

"H-huh?A-anong ibig mong sabihin?"

"T*nga ka ba?! Hindi mo ba alam na allergic ako sa peanuts?" diin niyang sabe.

"S-sorry, Kenzo hindi ko alam"

"Sa susunod kasi bago mo planuhin ang gagawin mo ay alamin mo muna kung tama ang gagawin mo, dahil kung hindi baka nakapatay kana sa huli" sarcastic niyang pagkasabe.

Sa hiya ay napayuko na lang yung babae na napapaiyak na at tumabi agad para makadaan yung apat. Grabe! Ang sama niya anong klase siyang tao para gawin niya 'yon sa babae? Tss. Akala mo kung sino.

Gwapo nga ang sama naman ng ugali at dahil sa ginawa niya hindi ko yon palalagpasin.

"Sandali!" sigaw ko na ikinatigil nila.

Nilapitan ko sila at hinarap yung Kenzo at napansin ko na mukha siyang nagulat ng makita niya ko.

"At sino ka naman?"

Hindi ko siya sinagot, dahil wala rin namang kwenta kung sasabihin ko pa sa kaniya ang pangalan ko.

"Ikaw!" sabay turo ko. "Bakit mo ginawa 'yon?"

Napakacold ng aura niya at nakakatakot, pero hindi at bakit naman ako matatakot?

"Gagawin ko ba yon kung hindi ko ginustong gawin?"

Tss pilosopo.

Napasinghal ako. "Anong klase kang lalaki para gawin mo yon sa babae, ha?! Grabe, hindi ko inaasahan na ganun ka maging desente! Pero subukan mo naman maging magalang sa babae, hindi yung babastusin mo siya ng ganun. Alam mo na naman palang may peanut yung binake niya para sayo, pero bakit kailangan mo pa siyang murahin ng ganun?! Hindi naman nya alam na allergic ka sa peanut ah! Sino ka para itapon mo yung ginawa niya?! Ang sama ng ugali mo!" diin ko.

Nakatingin lang siya sa 'kin na para bang walang pakiealam sa sinabe ko.

"Tapos ka na ba?" sarkastikong aniya. "Kung ganun maaari ka ng umalis"

Anong umalis? Sira ba siya? Bat ako aalis, eh dito ako nag-aaral.

"At ba't naman ako aalis?!"

"Tinatanong pa ba yan? Hindi mo ba alam na nakaharang ka sa dadaanan namin?!"

Nakita kong natawa yung tatlo. Tumabi naman agad ako, para makaadaan sila.

Haish, kainis! Napahiya tuloy ako.

"Hey" bigla ako napaangat ng tingin.
"I remember you, I think we met before" sabe nung isa sa apat na lalake. "Ah, tama. Ikaw yung... nakaaway ng gf ko sa Mall, dba?"

Don ko lang natandaan mukha nya ng maalala ko nangyari sa Mall nung nakaraang araw.

"Ah oo natatandaan kita"

"I can't expect na dto ka pala nag aaral, sige una na ko" aniya at nginitian ako bago umalis.

Nikwento ko lahat kay Kryzelle ang nangyari kanina at halos kiligin ang luka tungkol sa mga sinabe ko don sa apat na tinatawag nilang hot boys.

[Grabe! Ibig sabihin ganun nga talaga sila ka gwapo at ka-hot, edi kung ganon matutupad lang pala ang pangarap ko kung makikita ko rin sila. Haaayyy! Ang swerte mo bes]

"Anong swerte ka diyan?Nakakainis nga eh. Bwisit na lalaki na yon akala mo kung sino!"

[Eh bess. baka naman sadyang mainit lang talaga ang ulo, kaya niya nagawa yon]

"Wow, ha! At talagang pinagtatanggol mo pa yon"

[Hindi naman sa ganon. Malay natin bad mood lang yung araw nya, kaya niya nagawa ang bagay na 'yon, malay mo mabait pala talaga siya]

Basta bahala na , hindi ako naniniwala na mabait ang kumag na 'yon. Bakit pa kasi nilalang yun na gwapo, eh ang sama-sama naman ng ugali.

You're Still The One (COMPLETED) Where stories live. Discover now