Chapter 4

913 0 0
                                    

Chapter 4

Drugs
--
 


 

I always respected the magic of science. How certain things can be explained through sequences and maths. Things that can and cannot be seen. Things that govern our bodies and the universe itself.

But ironic, huh? Ngayong buhay ko na ang pinaglalaruan ng pinakamamahal kong siyensya.

Entropy. The process of a systems trend to disorder or chaos. Pakiramdam ko ay meron akong walang katapusang entropy.

Napapikit ako. Pahihirapan niya ako. I'm sure he will.

Itinabon ko ang hawak na unan sa mukha at doon inilabas ang inis ko.

Nabigla si Belle ingay ko at napa-angat mula sa librong binabasa. She has her glasses and game face on. Nakasalampak siya sa sahig at napapalibutan ng mga libro.

"Bakit?"

"Wala." Irap ko at nagtaklob ng kumot.

I'm so screwed! Aayawan ko na lang ba ang trabahong iyon? Pero ano naman ipapalit ko?! Honestly, that job was perfect. Kaso lang...

Naisip ko ang gwapong pagmumukha ng doctor na iyon. Ang nakakatakot na mga mata. Ang gabi sa bar. Parang sasabog ako sa kahihiyan. Dammit! Luck my ass! I know there's no such thing!

Huhuhuhuhu.

"Hayy!" Frustrated na sigaw din ni Belle at namaywang. Hinubad niya ang reading glasses at nilingon ako. "Ayoko na! Spicy noodles?"

Halos hindi ako makatulog sa gabing iyon. Walang tigil sa pag-isip sa nag-aabang sa'king kapalaran. Kaya maaga ako kinabukasan. Alas syete pa lang nasa hospital na ako. Nakatunganga sa harap ng mga opisina ng mga doctor at balisa.

Anong gagawin mo Jewllian?

I bit my nail and shook my head. Sasabihin ko bang I changed my mind? Err... Nababaliw na ba ako? Kailangan ko ang trabahong iyon. Wala nang mas lalamang pa 'don. Just think about all the perks you'll have! Ang tanging catch lang naman ay ang well... I recall his bloodshot green eyes. Hindi ko napigilang mamula. Umiling ako at napa-face palm.

Bakit? Sa tingin mo ba ay maniningil iyon? Ng ano? Pambayad ng polo?

"Move."

Napatalon ako sa bigla.

Kunot noo akong tinignan ng supladong Doctor. Naka kulay brown na overcoat ito sa itim na polo shirt sa loob. Tinaasan niya ako ng makapal na kilay. Maaga din siya. Huling tingin ko sa oras ay 7:26 pa lang kanina.

"Move." Ulit niya ulit sakin, "bubuksan ko ang opisina ko." Wika niya na parang napaka bobo ko.

Namula ako at mabilis na tumabi. He inserted the key and went inside his office.

T-That darn...

Suminghap ako at napasuklay sa buhok.

Wala akong karapatang magalit. Wala. I repeated the mantra over and over again in my head. Kung hindi ko lang talaga sana kailangan itong trabahong 'to!

I marched inside his office at naabutan siyang naghubad ng jacket at isinabit iyon sa isang rack. Binalingan niya ako ng seryosong tingin.

Pinagcross nito ang dalawang braso at humilig sa mesa. His firm muscles visualized through the thin material of his shirt. His long legs were crossed and he looked at me skeptically. Parang tinatantya ako.

I swallowed the lump on my throat. Biglang na conscious na maliit na espasyo ng opisina niya.

"You have to something say?" Naghahamon niyang sabi.

Psychopath PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon