Chapter 40

10K 172 15
                                    



"Bakit mo sinabi iyon?!" angil ko kay Zion nang maunang pumasok si Daddy.

He looked at me and the side of his lips rose. Mas lalong tumalim ang tingin ko sakanya.

"Relax, baby."

I scoffed. Palibhasa kasi ay hindi siya ang mapapagalitan! Umirap ako at naunang maglakad sakanya.

Hindi pa ako nakakatatlong hakbang nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. I looked at him and saw him still smirking.

Pagpasok namin sa loob ay naabutan ko si Daddy na nakaupo sa sofa. I smiled nervously and walked closer. Naupo ako sa kabilang sofa at ang gagong si Zion ay talagang tumabi pa sa akin. I nudged him, hoping that he'd realize I want him to transfer but he didn't even looked at me.

"Estevan, magaan ang loob ko sayo. Sa mga nagdaang taon ay napalapit ka na rin sa akin. But I just want to ask, why is my daughter sleeping with you? Ni hindi ko man lang nalaman na nagkaayos kayo," my father said.

Maayos naman ang pananalita niya kaya nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Dad's not that strict but I get why he's like this.

Bago pa makasagot si Zion ay nagsalita na ako dahil baka kung ano lang ang sabihin niya at mas lalo lang akong mapahamak.

"Dad, kagabi lang po kasi kami nagkaayos. That's why hindi ko din nasabi sayo kaagad na okay na kami. I fell asleep last night after crying kaya hindi ha ako umuwi," I explained.

Hinawakan ako ni Zion sa siko. I ignored him and watched my father's reaction.

"Kagabi lang?" baling niya kay Zion.

"Yes, Tito. I'm sorry po kung hindi ko nasabi sainyo. I was busy winning her back," pagdadahilan niya kay Daddy.

Halos matawa ako. Kung wala lang si Daddy sa harap namin ay natawa na ako sa sinasabi niya. Busy winning me back, huh?

Tumango si Daddy sa paliwanag niya. Bakit parang nang si Zion ang nagsalita ay ang bilis niyang kausap? Siya ba yung anak? Tss.

"But still, I don't want it to happen again. Malaki na kayong dalawa pero hanggat nandito sa akin nakatira si Addison ay susundin niya ang mga patakaran ko. You get it?"

I'm planning to move out but you just don't want to allow me, gusto kong isagot. Pero siyempre ay nanahimik ako.

"Sorry po," muling paumanhin ni Zion.

Tumango tango si Daddy at huminga ng malalim. His gaze landed on me. I smiled awkwardly at my father.

"Addison, alam kong malaki ka na at-"

I cut him off. "Dad, don't worry, susunod po ako."

He raised his brow at me. I tried to soften my face and smiled. "Promise," dagdag ko pa.

He sighed softly and nodded kaya napangiti na ako. I just realized now that ever since Mom left the house, Dad became warmer to us. He's not too tight and stiff, unlike before.

"Kumain na ba kayong dalawa?" tanong niya sa amin ni Zion.

Tumango ako. Dad nodded too. Parang may biglang dumaan na anghel. Mabuti at natanaw ko si Kuya na papunta sa amin.

"Oh. Anong ginagawa niyo dito?" he asked.

Halos mapairap ako. Hindi ba ako pwedeng umuwi sa bahay namin?

"Hinatid ko lang," sagot ni Zion kay Kuya.

"Hatid lang?"

"Kuya?" tunog iritado kong sabat.

Rules Of AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon