Chapter 31

6.5K 120 40
                                    



I went home after that meeting with Zion. Parang naubos lahat ng energy sa katawan ko pagtapos ng paguusap namin. It only lasted for a while but it was enough to make me weak. It was enough to make my hopes high again.

My next days were spent thinking about Zion. That guy. It's been years and here I am, still madly in love with him. Sa mga nagdaang taon, parang hindi naman nagbago ang nararamdaman ko sakanya. O kung may nagbago man, siguro ay mas lalo ko lang siyang minahal. My love for him consumes me. And how wonderful it will be when he says he loves me again.

I miss the feeling of being loved by him.

"Makikita ulit natin si Mr. Sannisteban," I heard Trixie said. Kausap niya ang isa pang babae na kasama din namin sa team.

"Oo nga!" she squeeled. I tried my best not to roll my eyes. Kung pwede ko lang sana ipagyabang na boyfriend ko si Zion, gagawin ko. Kaso ex na nga lang pala ako.

"Shhh!" Mark hushed them and glanced at me. Tumingin din ang dalawa sa akin kaya ngumiti ako sakanila.

I know they're all curious why I cried after the presentation last time. Siguro ay mayroon na silang idea pero nagdadalawang isip pa rin. They saw me broke down after Zion left so maybe they already had a hunch that Zion and I have a past.

"Hala. Sorry po," Trixie apologized.

"It's okay. Be ready na lang. Ten minutes and we'll head to the conference room," I told her.

Today is the final presentation of the designs. Maayos na ang mga iyon. Architect Cruz already reviewed it and he said that it's good to go. I think this presentation is just for formality at para na rin maipresent sa lahat ang final design ng mga room.

I calmed myself before going inside. Inumpisahan ayusin ng team ang set up gamit ang laptop ko. The presentation is scheduled at ten am and we're fifteen minutes early kaya nagulat ako pagpasok dahil nandoon na si Zion!

"Uh, good morning, Mr. Sannisteban," I greeted him formally dahil ayaw ko naman na dito pa niya ako sitahin sa harap ng mga kasama ko. It's bad enough that they saw me crying last time. Ayaw ko nang dagdagan pa ang rason nila para pagusapan ako.

I panicked but I didn't let it show. Isa pa, mukhang nataranta ang mga kasama ko kaya kinailangan kong umayos at hindi na dumagdag pa. Maya maya ay pumasok ang kapatid ko kaya sinalubong ko siya.

"Why is he so early?! Gosh! Kala ko ba busy siyang tao? 'Di pa kami nakakapag-set up!" I whispered.

He looked at me. Mukhang wala siyang pake sa sinasabi ko kahit halos mahimatay na ako sa kaba. "Ayaw mo nun, mas mahaba ang oras na makikita mo siya? Stare all you want, little sis." He laughed and walked to his seat.

Pinanood ko silang magbatian ni Zion. Umirap ako sa kawalan na agad kong pinagsisihan dahil nahuli ako ni Zion. Shit! Baka isipin niya bitter ako. Well, I know I'm not kaya bahala siya magisip. Ang problema ko muna ngayon ay matapos ng maayos ang presentation namin.

Sunod sunod na dumating ang mga tao kahit maaga pa kaya mas nataranta ang mga kasama ko. Ano ba tong mga 'to? Nakakastress. I don't wanna sound bad but they should act professionally in times like this. Kinakabahan din naman ako pero 'di ko yun pinapakita. Sana sila din.

"Take your time, guys. Sorry at napaaga lang talaga kami. Nataranta pa ata kayo," a woman said when she saw one girl from our team struggling because of nervousness.

Laptop ko ang gamit namin kaya tinype ko ang password para magbukas ito. I was about to open the file for our presentation pero tinawag ako ni Mark at may tinanong kaya inutos ko na kay Trixie ang paghahanap at pagbubukas ng file.

Rules Of AttractionWhere stories live. Discover now