Chapter One

19 0 0
                                    

Kaya mo bang magmahal sa isang taong walang kasiguradohan? Kaya mo bang mahalin ang isang taong pwede kang makalimutan .

Ako si Noel, meron akong advanced Alzheimer's disease. Hindi ko alam kung saan ito nagmula o kung saan ako nagmula. Basta ang alam ko pinilit kong lumayo mula sa aking mga mahal sa buhay kahit hindi ko na sila kilala.

Dahil sa totoo lang wala na akong alam tungkol sa buhay ko noon, marahil kinalimutan ko na lahat sa hindi ko nalalaman na rason. Basta ang alam ko lumayo ako mula sa kanila na ang dala ay ang aking mga damit at credit card.

Namumuhay na ako ngayon ng payapa at malayo sa ciudad. Kung tutuosin maswerte ako dahil sa aking hinala mayaman ako noon, base sa aking credit card. Kaya naka bili ako ng lupa dito sa probinsya dahil sa perang nasa credit card ko.

Hindi naman sa pagmamayabang pero medyo malago narin itong pataniman ko. Umaani ako buwan buwan ng mga masasaganang prutas.

Sa aking araw araw na pag gising lagi kong binabasa itong librong ginawa ko. Dito nakalahad lahat ng detalye ng aking sakit at lahat ng pinagdadaan ko simula ng lumayo ako.

Linagyan ko pa nga ito ng sign na "MUST READ EVERYDAY" kung sakaling dumating ang araw na makalimot ulit ako.

Pero nakakapanghinala na merong mga pahina sa libro kong ito na parang pinunit. Mahalaga para sa akin ang libro kong ito dahil lahat ng alaala ko ay ang sa ngayon nalang, wala na talaga akong ideya mula sa aking nakaraan.

Kung tatanongin niyo ako masaya naman ako sa buhay ko ngayon. Pero dumadating parin naman ang panahon na napapaisip ako kung ano nga ba ang buhay ko noon.

Kung paano ako namuhay at kung sino sino ang mga taong naging parte ng aking buhay. Pero naisip ko rin na mas maayos na tong malayo ako kesa naman na nadun nga ako pero walang kasiguraduhang makikilala ko pa sila bukas.

Ngayon sa probinsyang aking tinitirhan, iilan lamang ang aking kakilala. Alam kong medyo matagal na rin ako dito pero mas pinili ko nalang na hindi kilalanin ang mga tao para hindi narin maging isyu kung balang araw ay makalimutan ko sila.

Pero meron naman akong mga taong kakilala dito sa aming bayan. Katulad ng aking suking tindera sa mercado na si aling marta.

Si aling marta ay nagtitinda ng mga karne sa palengke at tinuring na niya akong suki. Hindi rin mawawala ang kanyang asawa na si mang lino, si mang lino naman ang taga ani ng aking taniman. Hindi ko na sila makakalimutan dahil ang mga pangalan nila ay nakatatak na sa aking libro.

Ngayon tinatahak ko na ang daan papunta sa palengke gamit ng aking sasakyan. Nung dumating na ako sa palengke at katulad ng dati tinawag agad ako marta bilang kanyang suki.

Nang matapos na akong mamili sa mga paninda ni aling marta inabot ko an sakanya ang aking bayad. Habang nag iintay sa sukli ko, napalingon ako sa aking paligid at napansin ko ang isang babae patungo sa akin.

Ang mga mata niya ay nakapako sa akin, hindi ko alam kung papaano sabihin pero ang ganda titigan ng kanyang mga mata. Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya.

"Nako kung yelo ako natunaw na yata ako sa maiinit mong tingin sa akin" sabi niya

Habang nagsasalita siya hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang mga labi, na para bang nag iimbita itong halikan ko. Napatango na lamang ako at tumalikod mula sa kanya

"Uy! Uy! Kuya naman wag kang snob jan. Ako nga pala si Ella." Inabot niya ang kanyang kamay na tila bang nag hihintay sa aking sasabihin. Pero mas pinili ko nalamang manahimik.

"Okay, so pipi ka ba? Nako hindi pa naman ako marunong mag sign language kuya." Base sa mga kikilos niya ay isa siyang dayuhan dito.

"Noel iho, ito na ang sukli mo" pagputol naman ni aling martha

A Memory of You (Short Story)Where stories live. Discover now