"You're not kidding?"

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Hindi ba halata sa gwapong mukha ko?" He smiled at me, showing his perfect set of whites.

Now I'm confused, kung sa Italy siya lumaki then why would he be here?

"Eh bakit ka nandito?" I saw his hand tightly clenched. May nasabi ba akong mali?

"Bawal ba?"

May nangyari kaya sa pamilya niya kaya napadpad siya sa Pilipinas? Kaya siya naghihirap ngayon?

Almost three weeks na kaming magkasama pero ngayon lang ata ako nagtanong tungkol sa pagkatao niya. Paano ba naman kasi, puro kalokohan ang alam! How am I supposed to have a good conversation with him kung sa bawat sasabihin ko ay sasagutin niya ako ng mga nakakainis na sagot?

Umiling nalang ako. I'm afraid, I might say something that is too sensitive for him. Kasi ganon din naman ako. Lalo na kapag usapang- ina.

"Nagtatago ako sa mga adik, kaya ako napadpad dito. Pero okay na rin, nahanap naman kita. Akalain mo 'yon?"

Kumalabog na naman ang lecheng puso ko.

Sa mga ganyang salita ni Ozi, sigurado akong marami nang nahulog sa kanya. Siya ang perfect description ng pa-fall na tao. Leche!

But I'm not saying that I'm falling for him. No freaking way. Ang sabi ko nga kahit siya na ang natitirang lalaki sa mundo, I'd rather die.

I just hope that I won't eat what I've said.

Ayoko. Mahirap na.

"Kinilig ka naman diyan?"

"Wala namang nakakakilig," I rolled my eyes.

"Kumain ka na nga!" Bumuntong hininga ako at pilit na kumain. Pero hindi pa ako nakakatatlong subo ay umayaw na ako.

"I'm done," uminom ako ng tubig. Pagkatapos ay kinuha ko ang paper bag na may lamang gamot. I took the advil at ininom iyon.

"May problema ka 'no? Masyado bang nakaka-intimidate ang kagwapuhan ko? Sabihin mo lang..."

Hindi ko siya pinansin at pumasok na sa banyo after getting my bag na naglalaman ng mga damit ko. I took a bath. Isang oras din ang tinagal ko sa loob dahil kahit kumilos man lang ay napapagod na agad ako. I just really don't feel this day.

Lumabas ako nang nakadamit na at nakaayos na.

"Napakabagal!" Nagulat pa ako nang nakita ko si Ozi sa pader ng banyo.

"What?"

"Kanina pa ring ng ring ang cellphone mo."

Pumunta ako sa kama and fished my phone out of my purse.

Si Kyana. I smiled in an instant.

I answered the call.

"Kyana..."

"I love you."

I smiled again kahit hindi niya naman ako nakikita. Sa halos na anim taon naming pagsasama, she was always there to comfort me kapag dumating ang araw na ito. At hanggang ngayon ay ganon pa rin ang ginagawa. I am really thankful that I met her.

"I miss you."

"Hoy baka naman mag-inom kayo ulit ni Ali at malasing ha!" I shook my head.

Kung alam mo lang na ilang beses na akong gumawa ng kahihiyan sa harap ng bodyguard ko.

"I won't, takot ko lang sayo."

"I'm sorry, I'm not there to hug you or makipag-inuman man lang just like the old times." Yeah, siya ang kainuman ko kapag dumating ang araw na ito, sa bahay niya dati.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon