Exactly 20 minutes later, nakarating kami sa hospital. Nagpasalamat ako kay Mang Danny at dali-daling bumaba.

"Hihintayin ba kita rito?"

"Huwag na po. Magta-taxi lang po ako pauwi."

Tumango lang si Mang Danny at umalis na nang tuluyan. Pagkapasok ko ng lobby ay tinawagan ko si Tita Carol.

"Tita, I'm here na po sa lobby. Anong room number po?" Tanong ko kay Tita habang naglalakad papasok ng elevator.

"Room 325, dito sa fourth floor." Tumango ako kahit 'di niya ako nakikita at agad pinindot ang 4th floor.

Nang makarating doon ay napalingon-lingon ako para hanapin ang room number ni Bradley pero sa 'di inaasahan, may nakabangga ako.

"Sorry.." Mahina kong paumanhin.

"No, it's fine."

Yumuko ako at pinagpatuloy ang paghahanap sa Room 325. Nakita ko ito sa dulo ng hallway. Huminto ako sa harap nito at huminga nang malalim bago kumatok. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa aking mga mata ang nakahigang Bradley na mukhang natutulog.

"Iha, you're here." Lumipat ang tingin ko mula kay Bradley papunta sa kanya ina.

"Tita.." Bigkas ko at sinuklian ang kanyang yakap.

"What exactly happened po?" Tanong ko. Umupo siya sa sofa na nasa may tabi ng bintana at sumunod naman ako.

Tita Carol sighed, tumingin siya sa direksyon ni Bradley bago sumagot. "I asked Bradley bago pa siya makatulog. He said he went to a convenience store, may nakalimutan siyang bilhin kaya siya nandoon nang biglang may nangholdap. Tinutukan daw ng kutsilyo ang isang batang babae. And you know Bradley, masungit man minsan pero we know na he likes helping people kaya ang ginawa niya kinausap niya ang lalaking nangholdap nang mahinahon pero ayaw makinig. Kita niya ang takot sa mga mata ng bata at ang namumuong sugat sa leeg nito dahil sa kutsilyo kaya wala siyang ibang magawa kundi iligtas ang bata." Kuwento niya.

Lumingon ako sa pwesto ni Bradley at nakitang mahimbing itong natutulog. I sighed. Kahit kailan talaga.

"May nakatawag sa mga pulis kaya kaagad din itong natigil. Nahuli ang nangholdap pero nasaksak niya si Bradley. Luckily, hindi gaanong malalim ang kanyang sugat na natamo pero ang daming dugo. Kung hindi siya agarang dinala rito baka mas malala ang mangyari sa kanya."

Tita sniffed. Umiwas ako nang tingin.

"I was so worried, Empress. Akala ko mawawala na siya sa akin. Ayokong mangyari 'yon. He's the only one that I have." Tita cried. Sumikip ang dibdib ko kaya niyakap ko si Tita.


I remembered what exactly happened 5 years ago. It was the darkest time for Bradley and his mom. Bradley's Dad, Tito Benjie died. And he died while saving a person who almost got hit by a truck. I know where Bradley got this 'save every person if I can' attitude. He got it from his Dad. And I am worried that one day, this will be the reason that something worst would happen to him... and I can't take that.


I woke up when I feel that something... no, someone is staring at me. I also heard voices. I was sitting beside Bradley's bed, I probably fell asleep kasi I noticed na nakasandal na ang ulo ko sa kama.

Chocolate brown eyes were staring directly at me. Para bang pati kaluluwa ko ay kita niya.

"Fucking asshole. You made me nervous." I blurted out.

Bradley looked at me, shock was written all over his face. Ako naman ay may namumuong luha sa'king mga mata.

"Bradley naman eh, ilang beses ko na bang sinabi sayo na hindi ka superhero? Anong tingin mo sa sarili mo? Immortal? Pusa na may siyam na buhay? Padalos-dalos ka na naman. Tignan mo tuloy ang nangyari sa'yo."

"You're mad." Aniya. Tinaas niya ang kanang kamay at inabot ang mukha ko. Pinunasan niya ang luha na hindi ko namalayang tuluyan na palang nahulog.

"Hindi ako galit, okay? I was just worried about you.." Umiwas ako nang tingin sa kanya.

"Nope. You're mad, you just cursed earlier." He smirked. "Damn, that was intense. Paki-ulit nga?" Tumawang sabi niya pero wala pang ilang segundo ay napangiwi siya. Binigyan ko siya ng isang masamang tingin.

"Gago. 'Wag ka kasing tumatawa-tawa, bubukas 'yang tahi mo." I took a deep breathe. "Ayos ka lang ba talaga?" Nag-alala kong tanong sa kanya habang sinusuri siya.

"I'm perfectly fine, Empress. Nothing to worry."

"What about—"

Someone chuckled.

Someone chuckled? Kami lang dalawa ni Bradley ang nandito, sino ang— Lumingon ako sa likod ko at nakitang may nakatayong lalaki roon. Hold on, siya 'yong nakabanggaan ko kanina!

"Good to see that you're awake, Dude."

"Hey, man. You're back." Sagot ni Bradley.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naglakad palapit sa amin ang lalaki at huminto sa tapat ko. Pinagmasdan ko siya. Grey eyes, hanggang itaas ng balikat ang kanyang itim na buhok, moreno, height? maybe 6ft something, sharp jawline, check. Thick and long lashes, check. Matangos na ilong, check. Broad shoulders, check. Nakakahiya, kinis ng mukha niya. Mukhang hindi nakaranas ng pimples at acnes. Mapapa-sana all ka na lan—

"Empress, are you listening?"

I blinked. Umiwas ako ng tingin sa lalaking nasa tapat ko upang lingunin si Bradley pero bago pa 'yon ay nakita ko siyang ngumisi ng konti. Damn, I think he saw me staring at him. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.

I cleared my throat bago bumaling kay Bradley na kasalukuyang naka-kunot noong nakatingin sa akin. "Ano nga ulit ang sinabi mo?" Tanong ko.

He smiled, "This is Nathan.." He pointed the guy, "..a friend of mine."

Napatingin ulit ako sa lalaki. I hate to admit it but he sure do look handsome. How does it feel to be God's favorite? I mean, Bradley's handsome but this person is way too— I mentally shook my head. Gosh, what am I even thinking? My God, really Empress?

Tumango lang ako at binigyan siya ng maliit na ngiti. He then smiled back before speaking.

"I would like to formally introduce myself. The name's Nathaniel Brandon Cameron." Inilahad niya ang kanyang kanang kamay, "My name's too long so you can just call me 'Baby'." He winked.

I raised an eyebrow on him. What the? Sa unang tingin mukha siyang seryoso na tao pero may tinatagong kalandian pala 'to. Pass muna.

"Really? Kung ganoon, suntok gusto mo?" Pananakot ko sa kanya.

"Ohh, fiesty. I like that." Dagdag na sabi nito at tumawa nang mahina.

Bradley cleared his throat. Kaagad ko siyang nilingon at tinanong, "Okay ka lang? Gusto mo ba ng tubig?"

Hindi niya ako pinansin. Tinapik ko siya nang marahan sa kanyang balikat pero na kay Nathan siya nakatingin. Hindi lang 'yon. His smile was replaced by a serious look, and he's looking at Nathan who is currently staring at me with a small smirk on his face.

Umm.. What the hell is going on?

* * *

Happy Reading Rebells!

With lots of love,

Maria

Love And AffectionWhere stories live. Discover now